LWUT CHAPTER 1

730 27 1
                                    

CHAPTER 1

"Mauubos na tissue ko, may lumalabas pa rin uhog dyan sa ilong mo" biro niya kay Sharlene, kanina pa kasi ito umiiyak at gusto niyang mapangiti naman ito kahit konti lang.

"Leche ka! Kainin mo yang tissue mo!" sigaw nito sabay tayo.

"Sharlene minsan talaga nakakadiri ka na! Punong-puno ng sipon 'tong tissue mo tapos itatapon mo sa akin?" sabi ulit niya habang nakangiti

Napatingin ito sa kanya, pinahid ang luha at sinugod siya.

"Jairuuuuuuuuuus! Nakakabwisit ka na ah! Nag momoment ang tao dito eh!" sabay sabunot pa sa kanya. Natawa na lang siya sa turan nito, medyo masakit na ang anit niya pero keri pa din, at least di na ito umiiyak. Parang ewan lang kasi.

"Bakit ka naman kasi umiiyak? Ilang beses na ba natin napanood ang One More Chance? Magkakatuluyan si Popoy at Basha, ikakasal pa nga sila at pagaawayan ang bill ng kuryente. Ang drama drama mo!" aniya dito

Sinamaan siya ng tingin nito at binatukan.

"Natalo ka sa pustahan. Hindi nanalo ang UST Salinggawi kaya tumahimik ka dyan at manood ka ng One More Chance!"

Napakamot na lang siya ng ulo at napailing nang i rewind pa nito ang DVD, ilang segundo lang ba ang hindi nila napanood? Kailangan pa bang i rewind? Eh kabisado na nga nito ang buong movie. Haaay

"Ang malas ng magiging boyfriend mo. Ang brutal mo na, baliw ka pa"

"Excuse me! Mas malas naman magiging girlfriend mo! Wala kang kahit na anong sweetness sa katawan! Manonood lang ng One More Chance, maninira pa ng moment!" Anito sabay irap sa kanya

"Hoy Sharlene! 15 times mo nang napanood yan at sa 15 times na iyon ako lagi ang kasama mo. Pasalamat ka mahal kita" sinadya niyang hinaan ang boses sa huling sinabi. Napalingon ito na tila may narinig kaya kinabahan siya ng konti.

"Pasalamat ako na ano?" tanong nito

"Sabi ko pasalamat ka kaibigan kita! Tss. Bingi ka din, kumbinsido na talaga ako na wala kang magiging matinong boyfriend" sabi pa niya.

"Hoy! FYI mayaman, matalino at maganda ako kaya yung magiging boyfriend ko mayaman, matalino at gwapo! Che! Manood ka na lang kasi!" sabi nito sabay nood ulit ng movie

Napangiti siya ng mapait, kaya hindi niya ma-amin amin kay Sharlene ang nararamdaman niya dahil alam niyang hindi siya pasado sa standards nito. Sa matalino at gwapo baka pwede pa pero sa mayaman? Kulelat talaga siya, halos 1/4 lang yata ang bahay nila kumpara sa bahay ng mga ito. Simpleng emplayado lang ang mga magulang niya samantalang ang mga magulang nito may ari ng isang kumpanya. Sa lahat ng babaeng pwede siyang ma inlove bakit sa isang prinsesa pa? Napabuntong hininga siya. Mas matindi pa sa lovestory ni Popoy at Basha ang lovestory niya.

"Ayaw mo ba talagang manood?" medyo kalmado nang tanong ni Sharlene sa kanya kaya nagulat siya.

"Huh? Hindi. Nood lang tayo" sabi na lang niya, pinilit niyang maging normal ang boses para hindi nito mapansin na may bumabagabag sa loob niya.

Pero tila hindi ito naniwala, in fact pinatay na nito ang TV at tumayo na.

"Uy! Nanonood naman ako ah" pigil niya sa braso nito. Nagtampo na agad ito eh napaisip lang naman siya

"Napabuntong hininga ka. Ang lalim pa. You're annoyed. Halata naman. Sige na, pwede ka nang umalis" anito

"Sharlene naman eh, manood na ulit tayo. May naisip lang ako kaya nadistract ako ng sandali. Pati ba naman ang pag buntonghininga ko ginawan mo ng issue?" aniya. Medyo naiinis na din siya, pati ba naman mag drama sa nararamdaman niya ay bawal dito?

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon