CHAPTER 4
"Jairus ilang araw ka nang badtrip, hindi na healthy yan pare!" bungad ni Benjamin sa kanya sa trabaho
"Ano bang pakialam mo?" naiinis na sagot niya dito pero tiningnan lang siya nito at umiling.
Ilang araw na nga ba? Five days! Limang araw na at hanggang ngayon ni ha ni ho ay wala siyang narinig mula kay Sharlene. Ni hindi ito nag thank you sa kanya. Dahil ba may boyfriend na ito ay kakalimutan na siya? Isn't it unfair? He sacrificed his own feelings to make her happy... yung bang kahit masaktan na siya ok lang basta masaya ito. Pero bakit kahit ang pagkakaibigan nila ay binabalewala na ni Sharlene? Bakit?
"Jairus kasalanan mo din naman. Antagal mo na siyang kasama pero kahit kailan di ka umamin. Ayan tuloy"
"Benj pwede ba? Wag mo nga akong kausapin!" asar na sabi niya dito, di niya talaga maintindihan kung paano niya naging kaibigan si Benj, lagi na lang kasi nitong isinasampal sa pagmumukha niya ang mga bagay na ayaw niyang marinig... ni hindi man lang ito nagiging sensitive sa nararamdaman niya. He's f*cking heartbroken here!
---
"Hi Jaiiii!" nagulat siya nang marinig ang boses ni Shar paglabas niya sa pinagtratrabahuhan niya.
He isn't expecting her to be here pero mas di naman niya ini-expect ang naging reaction niya sa pagkakita dito. Kani-kanina lang ay naiinis siya kay Sharlene dahil feeling niya ay binalewala siya nito pero ngayon ang nag-iisang bagay na gusto niyang gawin ay ang yakapin ito. He missed her a lot.
"Na miss kitaaaaa!" sabi ni Sharlene habang yakap siya. Napangiti siya, hindi na pala niya kailangan yakapin ito dahil mas nauna na itong yakapin siya. Nang binitawan siya nito saka niya pinisil ang ilong nito.
"Na miss din kita" sabi naman niya dito. Nginitian siya nito at pumunta sila sa pinakamalapit na coffee shop.
"Sorry ah? Si Kiko kasi..." simula nito nang maka-order sila ng kape. He looked at her seriously, atleast alam nito na may mali sa pagbababalewala nito sa kanya.
"Shar i dated 12 girls at kahit kailan di kita binalewala" seryosong sabi niya dito. Sharlene should know what and whom to prioritize... Siya noon kahit may girlfriend ay si Sharlene ang prina-prioritize niya.
"Jairus nagseselos kasi si Francis sa'yo... sa samahan na meron tayo. Ayaw niyang lagi kitang kausap at kasama" sabi nito pero nakayuko naman ang ulo
"I'm not asking time for you to stay with me 24/7 pero kahit isang text wala Shar? Naiintindihan kong may boyfriend ka na. But i'm your bestfriend... you don't throw your bestfriend just because you have a boyfriend right?"
"Best naman eh, hindi naman sa ganun.Seloso siya and I just need to prioritize him over you" sabi nito kaya napatigil siya. He never prioritized other girls over Sharlene. But now she is prioritizing Francis over him.
Dahil sa naisip ay napahinto siya... that hit him hard. Sa loob ng walong araw naging mas mahalaga na si Francis kesa sa kanya.
"You're choosing love over friendship?" mahinang tanong dito
"Jai naman eh. Bakit ang drama mo? Kasi naman eh... 12 na nga naging girlfriends pero siguro di mo pa nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon"
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?