CHAPTER 5
"Sharlene they were just joking" sabi ni Ate Rachel sa kanya. Naiinis talaga siya sa nangyari kanina. She likes Francis a lot pero parang sa pamilya niya ay walang may gusto dito. Francis is perfect, di lang talaga ito kilala ng mga magulang niya.
"That wasn't funny ate. Ginamit pa nila si Jairus, eh bestfriend ko lang yung tao" sagot naman niya. She knows na para siya immature sa inaasal niya pero naiinis talaga siya.
Napabuntong hininga naman ito. Tila hindi maintindihan ang pagkakainis niya.
"Ate i really like Francis, hindi ko maintindihan bakit lagi na lang silang may nakikitang mali sa kanya. It's unfair!" bulaslas pa niya
"Just give them time. Masasanay din sila... ngayon ka lang kaya nagkaroon ng manliligaw" sagot naman nito sa kanya. She calmed after her ate told her that. Sabagay ilang araw pa lang naman.
"Syempre ate, i want something like what you and kuya had. Unang beses ka pa lang pinakilala ni Kuya noon wala nang ibang bukambibig si Mom at Dad kundi ikaw lang. They liked you since day 1. Gusto ko din sana ganoon sila kay Francis" paliwanag niya dito
"Forever ko naman ang Kuya mo. Parang destiny yung sa aming dalawa"
"I want Francis to be my forever too" aniya naman
"Talaga? You're so sure of him?" tanong nito at agad siyang tumango.
Maybe it's too early for her to say these things pero malakas ang kutob niya na mag wowork ang relationship nila ni Francis. Matagal na niyang hiniling ang isang tulad nito at sobrang right time din ng pagdating nito sa buhay nito. Parang destiny din siguro.
"Wow. I wasn't expecting you to be this sure, pero kung saan ka masaya suportahan kita... at kung may gusto kang sabihin na di mo masabi sa kuya mo or kay Jai, tandaan mo nandito lang ako" nakangiti pang sabi nito
"Salamat ate. Ang swerte swerte talaga namin sa'yo"
---
"Anong pinagusapan niyo ni Jairus kahapon? Hinatid ka ba niya? Nung nag text ka kagabi kakadating mo lang ba? Bakit di ka nagreply agad nung tinext kita ng mga 6pm?"
"Halaaa! Hinay hinay lang mahina ang kalaban!" sabi niya sabay tawa. Sunod sunod kasi ang mga tanong ni Francis sa kanya. Sumimangot naman ito at nag pout pa. Ang cute talaga nito... parang bata lang.
"Eh kasi..."
"Opo... alam ko. You want to know, kasi boyfriend kita at seloso ka kaya dapat alam mo lahat-- sabi niya sabay hagikhik -- Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay bagay at umuwi agad kami ng bandang 7:30 at hinatid niya ako, then umalis na siya" sagot niya sa mga tanong nito
"Ok na po ba mahal na prinsipe?" dagdag biro pa niya dito.
"Yes my princess. Basta sa susunod dapat pag pupuntahan mo si Jairus sasama ako ok?" sabi pa nito at kinuha ang bag niya. He's holding her bag, such a gentleman.
"Seryoso ka talaga na nagseselos ka sa bestfriend ko?"
"Yes. Lalaki pa din siya, ayokong kasama mo siya lagi" sagot nito saka pinulupot ang kamay nito sa mga kamay niya. She looked at their intertwined fingers and smiled. Kinikilig na naman siya.
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanficHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?