LWUT CHAPTER 16

451 28 6
                                    

Chapter 16

"Kanina ka pa diyan?" nagulat siya nang pagkalabas sa klase ay nakita niyang naghihintay na si Jairus sa kanya. Hindi ito nag text sa kanya kaya akala niya ay sa SM na sila magkikita-kita

"Kakadating ko lang din. Ito sandwich baka gutom ka na" anito at inabutan siya ng sandwich. Nakangisi siyang tinanggap ito, she missed this too, madalas kasi siyang dalhan nito ng kung ano-anong pagkain noon.

"Gawa ni Tita Carrie?"

"Asa ka pa. Gawa ko yan" anito at inakbayan siya kaya naman napatingin siya sa braso nito. Dati na naman nitong ginagawa iyon pero naiilang na siya ngayon. Parang may nagbago... Tila napansin naman nito ang pagkailang niya kaya tinanggal agad nito ang pagkaakbay.

"I'm sorry, i forgot... seloso nga pala ang boyfriend mo"

Sasabihin ko na ba na wala na kami ni Francis? Pero hindi naman niya ako tinatanong hindi ba? Baka naman pag sinabi ko isipin niya na pinapaalam ko pa sa kanya. Mamaya tawanan pa ako! Hay nako...

"Sharlene ok ka lang?"

"Huh?"

"Para kang wala sa sarili mo. Are you ok?"

"Oo ok ako" Kasalanan mo ito eh! gusto sana niyang idagdag pero mas minabuti niyang itikom ang bibig. Bahala na talaga si Batman sa kanya.

"Are you sure?" ulit nito na tila nag-aalala pa

Ghad! Why does he sounds that he cares? Hindi kaya...

Agad siyang umiling. Ayan na naman siya, nag-aassume!

"Oo sabi. Ano? SM na tayo?" aniya bigla dito at nagkibit balikat lamang ito. She knows she's acting weird, pero hindi naman niya kasalanan iyon!

Kasalanan mo ito eh!

---

Jairus' POV

Nauna nang naglakad si Sharlene na tila nagmamadali. She's really acting weird, kung kanina ay para itong wala sa sarili at bigla bigla na lang umiiling ngayon naman ay parang may walkathon itong sinalihan.

What's wrong with you Shar?

Agad naman niyang binilisan ang lakad para maabutan ito. Inakbayan niya ulit ito. The hell with his jealous boyfriend, something is bothering Sharlene at gusto niyang malaman iyon.

"C'mon Shar, tell me... ano problema?"

"Wala!" pasigaw na sabi nito

"Now you're shouting at me. Magkatabi lang tayo Shar" mahinahon niyang sagot dito. Nagiging moody na naman kasi ito

"Eh di lumayo ka! Sino bang may sabi sa'yo na lumapit ka sa akin?"

And now she's being bitchy. Tsk. Kung hindi lang kita mahal... nako!

"Shar wala kang period ngayon kaya please... what's wrong?" medyo seryoso niyang ani dito.

Huminto ito sa paglalakad at nakasimangot na humarap sa kanya.

"Ikaw!" sabi nito kaya nagulat siya. He didn't do anything wrong!

"Ako? Ano na naman ginawa ko?"

"Kumanta ka! Ang epal mo kasi eh... Liked we used to, Paano na kaya. Ano kaya yun?" panimula nito na ikinabigla niya. Yun ba ang issue? Ang nararamdaman niya dito?

"Tapos nung sinabi ko na ako yung babae na bagay sa'yo pinagtawanan mo ako! Feeling ko tuloy ang assumera ko... tapos ngayon may paakbay-akbay ka pang nalalaman, may bigay ng sandwich pa and you really sound like as if you care!" tuloy tuloy na sabi nito kaya di niya mapigilan ang ngumiti

"Grade 1 pa lang tayo binibigyan na kita ng sandwich at dati na din kitang inaakbayan. And of course... i care." nakangiting aniya

"Yun na nga eh! Matagal mo nang ginagawa pero dahil dyan sa mga pakanta-kanta mo nag-iba na yung meaning sa akin! I can't even tell you that i broke up with Francis dahil baka isipin mo na sinabi ko yun sa iyo dahil gusto ko na ligawan mo ako! Eh di nag-assume na naman ako?" dagdag pa nito and because of that ay di na maalis ang ngiti sa labi niya

"You broke up with Francis?" tanong niya dito. He wants to be sure. Napatigil naman ito at nilagay ang kamay sa bibig, ngayon lang yata nito narealize ang mga sinabi nito sa kanya and he can't help but smile... ang cute cute kasi nito.

"Ewan ko sa'yo!" sabi nito sabay nagbilis na naman ng lakad. Umiiwas ito sa usapan!

"Pulang pula ka na naman. Are you blushing?" sigaw niya kaya tumigil ito at tila naiinis na hinarap siya pinagtinginan kasi sila ng tao sa campus

"Don't shout!" iritadong sabi nito

"Then come back here... or else i'll shout again!" nakangising aniya kaya lumapit ito ulit sa kanya, padabog nga lang.

"Inis na inis ka na. Ang cute mo" sabi niya nang makalapit ito pero sinimangutan lang siya nito

"Halika na kaya. Baka hinihintay na tayo nila Kuya" pagpapalit nito ng usapan. But he'll not let her do that...

"Gusto mo palang ligawan kita?" he asked with a playful voice

"Naiinis ka na eh. It's not funny anymore"

She's pissed kaya medyo sumeryoso na siya hindi nga lang niya matanggal ang ngiti sa labi. How can he? He's happy.

Bahagya niyang pinisil ang ilong ni Sharlene at hinalikan ang noo nito then he looked straight to her eyes.

"Liligawan kita, princess... and i'm going to make you my queen. MY. ONE. AND. ONLY. QUEEN"

---

AN:

Sorry medyo late. Busy nung pasko :) Enjoy!

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon