LWUT PROLOGUE

1.1K 30 2
                                    

PROLOGUE

"Jairus! Bumili si Kuya ng extra tickets para sa bagong movie ni JLC at Bea! Sama tayo dali!"

"Anong movie? Tsaka baka date nila yun ni ate Rachel. Nakakahiya na sumama pa tayo" aniya sa kaibigan, minsan talaga itong bestfriend niya hindi nahihiya sa kapatid nito. Tama ba namang sumama sa date ng kapatid at ng nililigawan nito?

"One more chance title nung movie. Hindi nakakahiya no! Si kuya pa nga ang nagtanong kasi kahit 18 na si ate Rachel hindi pa din siya pinapayagan ng mommy niya lumabas kasama si Kuya lang. Parang ako yung chaperone nila, pag sumama ka chaperone nila tayo!"

Tiningnan niya ito, nag beautiful eyes pa ito para lang mapapayag siya. He smiled then nodded at her. Ngumiti naman ito at bigla siyang niyakap

"Thank youuuuu! Thank you talagaaaa! Di na ako mabobore kasama sila! Thanks talaga bespren! The best ka talaga!" sabi pa nito kaya natawa na lang siya.

"Syempre may mas the best pa ba sa akin? Halika na nga! Mamaya hinihintay ka na ng sundo mo!" aniya at hinila niya ito. Siya pa ang may hawak ng mga gamit nito. Minsan talaga hindi niya alam kung bestfriend ba siya ni Sharlene or alalay lang talaga.

Nang makarating sila sa gate ay tama ang hinala niya, nandito na nga ang sundo nito. Sinabihan siya nitong sumabay na sa kanila pero tumanggi siya may ihahatid pa kasi siya. Sumimangot naman agad ito ng tumanggi siya.

"Hay nako! Nagsasayang ka lang ng oras dyan sa nililigawan mo. Ang chaka na ng face ang chaka pa ng ugali! Bye bestfriend!" sabi nito sabay sarado ng pintuan. Napailing na lang siya. Kailan pa naging "chaka" ang muse ng batch nila?

Hay nako! Si Sharlene talaga oo!

---

"I was so sure na hindi ka sasama pero magaling nga yata ang kapatid ko sa pagconvince sa iyo" natatawang sambit ni Kuya Paul. Nandito siya ngayon sa bahay ng mga ito, ngayon kasi sila manonood ng movie

"Uy Kuya Paul! Wala eh, napilit ako" napakamot sa ulo na sagot niya

"She was so sure you'd come. As in siya pa ang nagsabi na apat daw bilhin ko ticket. Lakas talaga ng kapatid ko sa'yo! May balak ka bang ligawan si Sharlene kaya lagi kang um-oo sa mga request niya?" nakangising tanong nito

"Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo Kuya! Hindi kami talo ng kapatid mo!" natatawang aniya. Halos kilabutan siya sa sinabi nito, sino ba namang matinong utak ang mag-iisip na liligawan niya si Sharlene? Kapatid lang ang turing niya dito

"HAHAHAHAHAHAH! Sabi mo eh!" sabi nito at sumakay na sa kotse nito. Sumunod na siya at maya maya ay pumasok na din si Sharlene.

Sinundo nila ang nililigawan ni Kuya Paul at dumeretso na sila sa SM. 15 minutes pa lang yata ang movie ng narinig niyang sumisinghot na si Sharlene, napailing siya at tiningnan niya ito. Why the hell is she crying? Kakasimula pa lang ah

"Hoy Sharlene wag kang OA, kakasimula pa lang ah"

"I can feel it! Makikipagbreak si Basha kay Popoy. I can feel it" anito

"Hindi pa sila nagbre-break, wag kang OA" aniya sa katabi pero hindi naman siya pinansin nito at tinuloy ang pag-iyak

Natapos ang film at parehas pugto ang mata ni ate Rachel at Sharlene, maganda naman ang movie pati siya muntik nang umiyak pero pinilit lang talaga niyang hindi tumulo ang luha baka kasi pagtawanan lang siya ng bestfriend niya.

Maya-maya'y pumunta sila sa Jollibee para kumain, matamlay pa din ang dalawa hanggang sa pagkain. Nakita niyang umiiling si Kuya Paul, para kasing nasira ang date nila ni ate Rachel dahil sa movie. Kaya naman tumabi ito sa kanya at may ibinulong

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon