LWUT CHAPTER 18

445 25 4
                                    

Chapter 18

"Feel na feel mo talaga 'no? Hindi ka kinakabahan?" tanong niya kay Jairus. Paano ba naman kasi. Cool na cool ito na tila walang pakialam.

"Why would I? I grew up with your family. Wala akong itinatago sa kanila. Kilala na nila ako..." medyo mayabang na anito sabay harap sa kanya "and I love you. Yun yung importante, they know i'm sincere" dagdag pa nito na ikinapula ng pisngi niya

Ilang beses ba balak ni Jairus na sabihin na mahal siya nito? Simula nung umamin ito sa kanya kahapon ay wala na itong pinapalipas na oras para iparamdam at sabihin sa kanya ang laman ng puso nito. Minu-minuto yata ay sinasabihan siya nito ng 'i love you' At natatawa siya sa sariling reaksyon, she's still blushing everytime he says that to her. Paano ba naman hindi? He looks her with so much love na parang nalulunod siya sa bawat tinig na lumalabas sa bibig nito.

Pinilit niyang ibinaling sa iba ang atensyon. Hindi siya pwedeng matulala everytime na sasabihan siya nito ng I LOVE YOU.

"Nung si Francis ang pumunta dito kabadong kabado siya" aniya na ikinakunot ng noo nito

"And so?" tila naiinis na tanong nito. He looks so jealous kaya naman ngiting-ngiti siya

"Nagseselos ka? I thought hindi ka seloso" nang-aasar na tanong niya dito

"I'm not jealous Sharlene" seryosong sabi nito kaya naman nawala agad ang ngiti sa labi niya

HOPIA! Oo na! Siya na talaga ang hopia queen & assumera queen.

"I just don't like being compared to him" dagdag pa nito. Napayuko siya bigla, did she just hurt his ego?

"Sorry" mahinang sambit niya. Hinawakan naman nito ang baba niya at iniangat ang ulo niya, he looked again in her eyes...

"Alam mo ba kung bakit?" anito at umiling siya bilang sagot "Kasi iba siya sa akin, i don't like to be compared to someone who can't make you happy. Francis is a failure Sharlene" matigas na sabi nito

"Are you mad at him?"

"I am. Hindi dahil naging kayo kundi dahil sinaktan ka niya. Hindi niya dapat ginawa yun" sabi nito sasagot na sana siya ng bigla niyang narinig ang tili ng mommy niya

"Oooh eeeem! Hectoooor bumaba ka dito! Si Jairus may dalang bulaklak!" sabi ng mommy niya na ikinagulat niya. Bakit tila mas excited pa ito sa kanya? Tiningnan niya si Jairus pero nakahawak lang ito sa sariling batok.

Nakakahiya si Mommy!

Bumaba naman agad ang daddy niya, niyugyog nito ang balikat ng mommy niya, tinapik naman siya bago lampasan at niyapusan si Jairus

"Hay nako! Salamat! Kailan ang kasal?" tanong nito na ikinagulat niya

"Mom! Dad! Ano ba? Nakakahiya kayo!" sigaw niya sa mga ito. Nakakahiya naman kasi talaga. Bakit naman kasi ganito? Tuwang tuwa ang mga ito

"Anong nakakahiya? Walang nakakahiya. Hindi ba Jairus?" tanong ng daddy niya kay Jairus

"Wala po tito. Yung kasal po, mga 5 years pa. Pag nakaipon na ako" sagot nito. Kung nagulat siya sa sinabi ng daddy niya ay mas nagulat siya sa sinabi nito. Kasal? Agad agad? Is he really serious about it? Or ginagatungan lang nito ang sinabi ng tatay niya?

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon