CHAPTER 7
Nasa auditorium ng University ang banda ngayon para sa kanilang huling rehearsal bago ang gig mamayang gabi, they are all excited. Lahat ng kanta ay napractice na yata niya, si Mark & Justin ay minsan lang kumanta dahil natatakot ang dalawa na baka masira ang boses nila. Napilit naman siya ng mga ito na kumanta kahit last song lang daw kaya naman pumayag na siya. Hindi nga lang ang gusto ng mga ito ang kakantahin niya. He'll sing another song, isang kantang siya ang pumili.
Maya-maya'y pumasok si Francis sa auditorium. Tiningnan niya ang pintuan waiting for Sharlene to come in too. Baka mag goodluck ito sa kanila.
"Wala si Sharlene" biglang sabi ni Francis. He looked at him and saw him smirk. Nangaasar ba ito?
"Napadaan ka?" biglang tanong ni Justin
"May sasabihin lang ako kay Jairus" sabi nito kaya bumaba siya sa stage at nilapitan ito at sabay silang lumabas sa auditorium.
"So... ano sa'tin?" tanong niya dito
"Hindi makakapunta si Sharlene mamayang gabi sa gig mo" walang ka gatol gatol na sabi nito. As if nagyayabang sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot sa sinabi nito. Sharlene promised him, siguro naman ay di babaliin ng bestfriend niya ang pangako nito na makapunta sa gig niya. Francis is bluffing, nang-aasar siguro.
"Si Sharlene ba ang nagsabi?" diretsong tanong niya.
"Hindi. Ako" sagot nito kaya siya naman ang nag smirk
"Kfine. Nagprapractice kami. See you pare" sabi niya sabay tawa. Nang-aasar ito? Mang-aasar din siya.
"Ang yabang mo! Bestfriend ka lang Jai, i'm her boyfriend! Sa tingin mo ba sinong mas pipiliin niya sa ating dalawa?" he stopped ng marinig ang sinabi nito. Ano ba ang pinaglalaban ni Francis?
"Bakit? Kailangan ba talaga niyang pumili? Ikaw na mismo ang nagsabi. Boyfriend ka at bestfriend naman ako. Hindi ko siya pinapapili. She promised me at di niya binabali ang mga pangako niya" masakit man sa loob ang mga sinabi niya pero kailangan niyang banggitin ito. Dahil kahit siya ay di niya alam kung pipiliin ba siya ni Sharlene o hindi.
"Here you go again. The perfect bestfriend! Sa tingin mo ba magugustuhan ka ni Sharlene dahil diyan sa pagiging good boy kuno mo sa kanya?"
Nagulat naman siya sa sinabi nito. At parang napansin naman nito iyon kaya ngumisi ito.
"I hit the right nerve isn't it? Wag mo akong gawing tanga Jairus, matagal ka nang may gusto kay Sharlene. Stay away from her! Akin siya!" sabi nito
Sa paraan ng pagsasalita nito ay may nabuo sa kanyang isipan. Francis is too damn possesive, baka walang oras si Sharlene sa kanya dahil pinagbabawalan ito ni Francis.
"Stay away from her? Ni hindi ko na nga siya nakikita. Or maybe i should say na ayaw mong makita niya ako? Am i threat to you?"
"Ang yabang mo talaga Jairus. Pero tama ka, hindi ka nakakausap or pinapansin ni Sharlene because i want it that way. And today will just be the same, hindi siya pupunta sa gig mo dahil iyon ang gusto ko" nakangisi man ay halatang inis na inis na ito
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?