Chapter 10
"Tita ganda bakit ka nakasimangot?" nagulat siya nang biglang sumulpot ang pamangkin sa tabi niya.
"Hindi po ako nakasimangot" sagot na lang niya sa pamangkin. Actually wala talaga siya sa mood. Nakakainis naman kasi si Jairus, nagbati nga sila pero di naman siya nito pinagbigyan.
"Jai malapit na showing ng A second chance, bukas punta ka sa amin nood tayo ng One More Chance ulit" sabi niya dito na tila ikinagulat nito
"Sure ka?"
"Oo naman!"
"Bakit hindi si Francis ang yayain mo?" tanong nito na ikina-simangot niya
"Ayaw niya eh" mahinang sagot niya
"Ah... eh kasi hindi ako pwede bukas" sagot nito
"Bakit naman?"
"May pupuntahan kami ni Hannah" sagot nito at di niya napigilang di itaas ang kilay
"And so?" sagot niya sa sinabi nito. Pwede naman kasi nitong indian-in ang date nito.
"Sharlene girlfriend ko si Hannah" anito kaya napatigil siya. Girlfriend? He doesn't do the 'girlfriend' thing. He go dating and has flings... hindi girlfriend.
"Ah...ok. Uhm...kasi, no... I mean... Nevermind. Enjoy na lang kayo bukas" aniya na tila naguguluhan pa
Hindi niya maintindihan ang sarili, naninibago lang siguro siya dahil mukhang seryoso na ang bestfriend niya... and she doesn't like it.
"Next time na lang Shar"
"Tita what's bothering you ba?" ulit ng pamangkin niya
"Your idol. Imagine he doesn't want to be with me because of his girlfriend... how is it fair?" sabi niya sa bata na tila wala namang naiintindihan sa sinasabi niya
"Magrereklamo siya na wala na kaming quality time together tapos when I ask him to watch One more chance with me bawal siya? Parang ewan lang 'di ba? Am I right Prince?"
"Tita I don't know" tila problemadong sagot ng pamangkin niya kaya bahagya siyang natawa. Bakit ba sa isang bata niya binubuhos ang frustrations niya?
"You're not" napalingon agad siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang Kuya niya
"Of course he'll prioritize his girlfriend. Just like what you did. You prioritized Francis over him" dagdag pa nito
"Hindi naman siya ganun dati. Kahit sawang sawa na siya sa One More Chance pinapanood pa din niya kasama ako" pangangatwiran niya
"People change. Baka mas importante lang talaga ang girlfriend niya. Right?" medyo sarcastic na sabi nito
Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. Para kasing may naramdaman siyang konting kirot sa may bandang puso niya. Mas importante ang girlfriend niya kesa sa akin.
"Baka nagsisimula na yung sinabi ko sa'yo... isang araw magigising ka na lang wala na si Jairus sa buhay mo" dagdag pa nito na ikinataas ng kilay niya
"Kuya ano ba problema mo? Ok na kami ni Jairus bakit ikaw ganyan ka pa din?" naiinis na sambit niya sa kapatid. After that night at the gig ay malamig na ang tungo sa kanya ng Kuya niya and she can't understand why.
"Dahil hindi ka marunong magpahalaga Sharlene" sabi lang nito sabay walk out leaving her hanging. Magpahalaga?
Dahil naguguluhan pa din siya ay napagpasyahan niyang kausapin ang ate Rachel niya, maybe she could tell her something.
"Ate can we talk?" tanong niya dito
"Something's wrong?" nagaalalang tanong nito
"Wala naman, just some things are bothering me"
"About what?... or about whom?" tanong nito na tila alam na ang tatanungin niya
"Si Kuya, si Francis at si Jairus" aniya
"Sharlene makinig kang mabuti sa akin... you are a princess, always been and always will. Gusto lang ng kuya mo ang best para sa'yo."
"Wala pa akong sinasabi may sagot ka na agad. May magic talaga sa'yo ate" aniya. Manghang mangha talaga siya dito, alam nito lagi ang sasabihin
"Sira ka talaga but kidding apart, we talk about you Shar, gusto lang talaga ng kuya mo ang best para sa'yo ang he thinks that Jairus is the best for you... at naiinis siya sa'yo dahil hindi ka sumipot sa gig ng bestfriend mo at ngayon iniisip niya na wala ng pag-asang maging kayo pa ni Jai..." anito at napatulala siya saglit. So it's all because of this?
"Bestfriend ko lang si Jai and why does he think na yung bestfriend ko ang best for me?"
"Sharlene... all of us do. Your parents love Jairus, halos kapatid na ang turing ni Paul sa kanya, idol ang tingin sa kanya ni Prince, i add mo pa yung fact na mabait na anak at kapatid si Jairus, gwapo pa at matalino..."
Sa bawat salita na binibigkas ng ate niya ay nararamdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Lahat ng sinasabi nito ay totoo at may ibang sensasyong ibinibigay ito sa kanya... and somewhat it scares her.
"Ate yun kasi yung pinapakita niya sa inyo. He broke many girls heart, ang dami na niyang pina-iyak... sa atin lang naman siya ganyan eh" she doesn't like what she's feeling kaya nangatwiran pa siya. She wants to tell ate Rachel o mas tamang sabihin na she wants to tell herself na hindi perfect ang bestfriend niya...
"Yun na nga Shar eh, sa atin lang siya ganyan. SA IYO LANG SIYA GANYAN. All of us can see the best of him on you pero parang ikaw di mo nakikita" sabi pa nito and it took her so long bago makasagot
"Ate bestfriend lang naman yung tingin niya sa akin" mahinang sabi niya
"Are you sure?" tanong nito at hindi siya agad nakasagot until naalala niya ang pagtanggi nitong samahan siyang manood ulit ng One More Chance.
"Oo naman ate. Tinanggihan niya ako kahapon. He doesn't want to watch 'One More Chance' with me anymore kasi may date sila ng girlfriend niya" sabi niya at tila nagulat ito.
"Napagod na siguro" sabi nito na tilang nanghihinayang.
"I never thought this would happen... Ito ang unang beses niyang tanggihan ka. Napapagod din ang mga tao Sharlene, napapagod din sila"
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?