Chapter 11
"Hi Jairus" napalingon siya at nakita niya si Ate Rachel
"Ate Rach, kasama mo si Prince?" tanong niya dito.
"Wala... nasa school pa. Pero mamayang gabi nandito ulit kami. Idol na idol ka nun eh" nakangiting sabi nito
"Ate ganun talaga. Gusto siguro maging kasing gwapo ko no?" Natatawang sabi niya
"Sira! Napadaan ako dito kasi bukas showing na 'A second chance' sama ka!" sabi nito at napatigil siya saglit
He's been spending most of his time with Hannah pero hindi ibig sabihin nun ay di na niya naiisip si Sharlene. Siguro ay sobrang excited na nito para bukas
"Bumili na kami ng ticket online. Apat. Parang 8 years ago lang" dagdag pa nito.
Napangiti siya. Pero apat lang ang ticket. Maybe Francis will be with them.
"Apat lang ate? Paano si Francis?"
"Hindi nga niya sinamahan si Sharlene para manood ng One more chance eh, ito pa kaya"
"Malay mo naman ate, i think he would do everything for Sharlene to be happy. And the movie will make her happy kaya sasama yun sa inyo. Kanya na lang ang ticket" kahit mabigat sa loob ay yun ang sinabi niya. Mas gugustuhin din naman ni Sharlene na makasama ang boyfriend nito kesa sa kanya.
Napabuntong hininga ito kaya tiningnan niya si ate Rachel at umiling-iling ito.
"Ano ba ang nangyari sa inyo ni Sharlene?" tanong nito at napatigil siya
"What do you mean?"
"Kailangan mo ba siya huling nakausap or tiningnan man lang sa mata?" tanong ulit nito at mas naguluhan pa siya
"Bakit?" kinakabahang tanong niy
"She is not happy Jairus! Hindi masaya si Sharlene, hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa nung Francis na iyon but clearly she is not happy! Gusto niyang ipakita sa amin na her relationship with that guy is perfect but it isn't! Halatang halata ko!"
"Ate..." hindi niya alam ang sasabihin. All this time akala niya masaya si Sharlene. Anong nangyari?
"Here's two tickets. Bahala ka na dyan" sabi nito at umalis na
Sharlene. Anong nangyari? Bakit hindi ka masaya?
Sharlene's POV
"Sharlene kanina pa tapos ang training why are you still here. You're draining yourself"
"Ok lang ako couch!" sigaw niya sabay bato ulit ng bola sa dingding. Wala sa team ang gustong matira para tulungan siyanf mag laro kaya dingding ang kalaban niya sa volleyball ngayon. Gusto niyang mapagod na pagod na pagod para sa bahay deretso tulog na sya.
Simula kasi ng nakausap niya si Ate Rachel ay wala na siyang ibang inisip kundi si Jairus. Kaya naman pinipilit niya ang sariling maging busy sa iba't ibang bagay. She wants to be distracted. Ayaw na niyang isipin ang mga bagay na pinag-usapan nila. Ayaw niyang isipin na all this time naging bulag siya, na may gusto na pala si Jairus sa kanya tapos hindi pa niya alam. And what's bothering her more ay ang sariling nararamdaman, hindi na niya maintindihan ang sarili... gusto niyang iwasan si Jairus pero hindi na pala kailangan dahil naubusan na ito ng oras para sa kanya dahil lagi nitong kasama si Hannah at naiinis siya. Is that even possible? Bakit siya maiinis na di siya pinapansin nito kung gusto nga niyang iwasan ito? Nababaliw na siguro siya.
"Babe tama na iyan" lumingon siya at nakita niya si Francis.
Isa pa itong si Francis. Mas naging mabait na ito sa kanya pero napaka bossy pa din, most of the time ay ito pa din ang nasusunod at naiinis na siya. She isn't even happy anymore pero di pa din siya bumibitiw dahil... dahil... she doesn't even know why.
Nginitian niya ito bago pumasok sa banyo para mag-ayos ng sarili.
"Masyado mong pinapagod ang sarili mo babe, wag ganyan. 6:30 na ng gabi nasa gym ka pa. That's not good"
"Ok lang ako" sagot naman niya
"So anong gagawin mo bukas? It's wednesday at half day tayo parehas, where do you want to go?" nakangiting tanong nito kaya ngumiti din siya. She knows what to do tomorrow and she's so excited!
"Showing na bukas ang 'A Second Chance' nood tayo!" sabi niya. Matagal na niyang hinihintay ang showing nito at saktong bukas half day pa sila. They can go ang watch it
"That's a mainstream movie Sharlene. Ayokong pumila" parang iritadong sabi nito
"Eh ano naman? After class SM San Lazaro tayo. I want to watch it tomorrow. Please" sabi naman niya
"Bakit ba ang hilig mo sa jologs na movie?" anito at tuluyang uminit ang ulo niya
"T*ng*na mo pala eh! Magtatanong ka tapos pag nagsabi ako aayaw ka! Lalaitin mo pa! One More Chance is my favorite movie Francis at bukas ang showing ng sequel! Hindi mo na nga ako sinamahan para manood ng One More Chance, ayaw mo pa akong samahan manood ng sine! Ayaw mo sa mga bagay na gusto ko Francis! How can we work out kung ako lang ang mag aadjust? T*ng*na mo!" sigaw niya sabay takbo. Buti na lang at may taxi agad siyang nakita at sumakay agad agad. Bahala si Francis sa buhay niya!
"Saan tayo iha?" mahinhin na tanong na driver kaya napatigil siya saglit. Inis na inis siya kay Francis kaya nabagsak niya ang pintuan ng taxi na nasakyan
"Pasensya na ho Manong" sabi niya tsaka isa isang tumulo ang luha niya. Why is everything breaking in pieces.
"Iha ok lang yan. Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon lilipas din yan" sabi pa ng driver
"Salamat po Manong" sabi niya tsaka niya naalala na Martes pala ngayon. May gig ang Night Wish ngayon... gusto niyang pumunta, gusto niyang makausap si Jairus... she needs her bestfriend right now.
"Manong sa Off the Grill po sa Quezon Ave"
---
AN:
Nakalimot na naman ako. Sorry na. T_T akala ko talaga na publish ko nung friday hindi pala, nagulat ako sa 4 days ago pa ako last nag UD. Dapat 2 days lang. Ito na po two chapters for today :)
_ikai.
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?