LWUT CHAPTER 17

500 23 4
                                    

Chapter 17

Ok. Hindi siya makahinga. Sa lakas ng tibok ng puso niya hindi na siya magtataka kung bigla na lang siyang himatayin. He's still smiling at her while she is looking at him. Hindi siya makapaniwala. Tanggap na niya eh... tanggap na niya na assumera siya. Na lahat ng inakala niya ay gawa-gawa lang ng utak pero hindi. Here she is... standing infront of a boy who just told her he loves her.

Ghad Sharlene. Say something!

"Your reaction is priceless Sharlene. Sinabi ko lang sa'yo na liligawan kita ganyan ka na" nakangising sabi nito kaya hinampas niya ulit ito

"Ghad Jairus! Ok na eh. Romantic na! Pero ayan ka na naman! Basag na naman pagdra-drama ko! Hay nako! Pag naging tayo gusto ko romantic ka!" aniya

"Pag naging tayo agad? May balak kang sagutin na ako? Konting pakipot naman Shar!" dagdag nito.

Namula siya. Napahiya na naman siya nito. Nakakainis talaga itong si Jairus!

"Jairuuuus!" nanlilisik ang matang sabi niya dito

Sumeryoso naman ito at hinawakan ang kamay niya. He kissed the back of her palms then looked intently into her eyes.

Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Ilang taon na ba niya kilala si Jairus? Ilang taon na ba niyang tinitingnan ang mga mata nito? Ang tagal tagal na kung bibilangan pero ibang-iba ang nararamdaman niya sa ngayon. His eyes are too expressive. She can see... LOVE.

"Mahal kita Sharlene at gusto ko pag sinagot mo ako mahal mo na din ako. And if that happens..." his eyes sparkled at bahagya pa itong ngumiti. "If that happens ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba sinabi sa iyo ito pero uulitin ko... I'll do everything for you. Lahat-lahat" sabi nito

She's too overwhelmed to answer him. Ramdam na ramdam niya ang sincerity sa boses nito kaya niyakap na lang niya ito. She is happy. Lumaki siya sa isang mapagmahal na pamilya, lahat ng bagay na gusto niya nakukuha niya. And now... she has someone who loves her so much. Ano ba ang nagawa niya para mabiyayaan siya ng ganitong mga tao sa buhay niya?

"Salamat" punong-puno ng sinseridad na aniya dito. She's so thankful to him.

Maya-maya'y bumitaw ito at nginitian siya.

"Halika na. Hinihintay na tayo nila ate Rachel. Manonood pa tayo ng A Second Chance"

---

Jairus' POV

Kanina pa sila inaasar nila Kuya Paul pero binabalewala lang niya ito. Masaya siya at masaya si Sharlene, what else can he ask for? Hindi niya alam kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong saya at hindi pa sila ni Sharlene paano pa kaya pag naging sila na?

"Hindi talaga kayo nagsasalita 'no? Pangiti-ngiti lang kayo" sabi ni Kuya Paul habang nakangisi

"Ano ka ba. Ganyan daw talaga pag in-love. No lines, just feels. Hahahah" dagdag ni ate Rach kaya napatingin siya kay Sharlene, nakangiti lang din ito. Hindi ito nag react sa 'inlove' na sabi ni ate Rach.

She's so close to be mine.

Pagkatapos manood ay nauna na sina kuya Paul at naiwan sila ni Shar. They've decided to eat something.

"Grabe din si Basha no? Natiis niyang ganun si Popoy?" sabi ni Sharlene

"Mahal lang ni Popoy si Basha. Ayaw niyang magmukha siyang failure"

"Pero nagsinungaling si Popoy. Dapat di niya ginawa iyon. Bakit kailangan niyang itago na nalulugi na pala sila? Hindi fair kay Basha yun"

"Kaya hindi sinabi ni Popoy kasi hindi lang si Basha ang masasaktan... pati siya. May mga bagay tayong hindi sinasabi dahil masakit. Sometimes truth hurts" sabi niya habang inaalala ang mga desisyon niya nitong mga huling buwan. Those times he chose not to tell his feelings dahil maasaktan din lang naman siya.

"Yun ba ang dahilan kaya kahit kailan di mo sinabi sa akin ang nararamdaman mo? Dahil masasaktan ka lang?" mahinang sambit nito

Napatigil siya, di niya akalain na dahil kay Popoy at Basha ay mapaguusapan nila ito.

"Oo, pero hindi lang dahil doon. Sharlene i love you to the point na kaya kong masaktan para di ka lang maguluhan. Nung naging kayo ni Francis natalo ako sa isang laban na hindi ako nabigyang ng pagkakataong labanan. Ang sakit nun pero tiniis ko para sa'yo" mula sa pusong sambit niya

Napatigil ito. Ayaw niyang pagusapan ang ganitong mga bagay dahil ayaw niyang malaman ni Sharlene ang mga pasakit nito sa kanya kahit di nito sinasadya. She still cares for him, alam ni Shar na nasaktan siya nito and he can feel it... see it rather, nakikita niya sa mga mata nito ang awa, ang lungkot at ang takot...

"Is it worth it? I mean... alam kong movie yun. They made it so realistic yet so unreachable, ang hirap maging katulad ni Popoy at Basha..." anito at lalo niyang nakita ang takot sa mga mata nito "Basha is worth a Popoy. Am i worth of your pain? Of you?"

"Sharlene kaya ka ba natatakot?" tanong niya dito at kinulong niya sa sariling palad ang mukha nito "You are worth every. single. pain. You are worth everything Sharlene. Mahal kita tandaan mo yan, and i will always love you, no matter what"

Napabuntong hininga ito. Tila hindi kumbinsido sa mga sinabi niya.

Silly girl. Hindi mo pa talaga alam kung gaano kita kamahal.

"Tama na nga ito. Puro tayo drama. Don't worry, ipapakita ko sa'yo na tapat ako. Simula bukas, isa mo na akong masugid na manliligaw" aniya at nagbow pa na tila tumula kaya ngumiti na ito. Sa wakas!

"Para kang sira. Magpapaalam ka pa ba kay Kuya? I mean i know he likes you"

"Pupunta ako sa bahay niyo Sharlene. Magpapaalam ako pati sa parents mo. Kahit kay Prince pa kung gusto mo" sabi niya sabay kindat. Napailing naman ito pero ngumingiti na din

"Ewan ko sa'yo! Halika na nga"

---

AN:

Malapit na siyang matapos! Nararamdaman niyo na ba? HAHAHAH :) Salamat sa mga nagbabasa at mga nagcocomment. Hindi ko kayo mareplayan kasi si Wattpad app, di pinapabasa sa akin mga comment niyo sa app, hirap tuloy mag reply. Bale sa email lang ako nagbabasa ng comments niyo. Anyway salamaaaat talaga :)

Fan ako ni Popoy at Basha. Madami akong stories na inspired sa story nila. Madaming lines na nakuha ko mismo sa kanila. Feel na feel ko yung sakit na naramdaman ni Popoy sa OMC, kasi ibig sabihin hindi lang lagi babae ang nasasaktan, pati lalaki na din. Anyway mas nagustuhan ko ang OMC kesa sa ASC siguro kasi mas relatable siya? Super laki ng kinita ng ASC tho, mainstream movie kasi. But overall ang ganda niya, wala akong asawa, wala din akong BF pero nakakahugot pa din... at yun yung sinulat ko dito. Hay! #hugotpamore :) HAHAHAHA

PS: ang sakit pa din sa puso na hindi ako nakapunta sa Rome para makapanood. Naghintay pa ako ng pay per view. Ang sakit talaga, may threats kasi ng ISIS so di ako pinayagan ni mudra.

_ikai.

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon