LWUT CHAPTER 9

417 23 3
                                    

Chapter 9

"Nakikinig ka ba?"

"Huh?" baling niya kay Hannah. Kanina pa siya kinakausap nito pero ang utak niya ay naka Sharlene lang. Umiiyak itong pumunta sa bahay nila para mag sorry. Di naman talaga siya galit dito pero disappointed siya dahil nangako ito sa kanya at binali nito ang sariling pangako dahil kay Francis.

"Sabi na nga ba eh. May problema ba?" tanong sa kanya ni Hannah

"Wala. Sorry medyo pagod lang siguro ako" nahihiyang sagot niya dito. Mabait si Hannah kaya hindi naman niya dapat balewalain ito. He's still dating her afterall.

"Si Sharlene ba? Iniisip mo ba kung bakit hindi siya pumunta kagabi?" malumanay na tanong nito na ikinagulat niya. Alam niyang BS Psychology ang kinukuha nito pero hindi naman ito mind reader sa pagkakaalam niya.

Bahagya pa itong ngumiti. "You should see your face right now. Gulat na gulat ka"

"Hindi kita maintindihan" sabi niya

"Hindi naman ako manhid. Ang galing galing mo kagabi, i was so proud of you yet ang likot ng mga mata mo para bang may hinahanap ka. Nung napansin kong wala si Sharlene tsaka ko lang na-gets ang dahilan"

"Hannah..." hindi niya akalain na napansin nito iyon kagabi.

"Jairus matagal na kitang gusto. Tatlong taon na yata pero kahit kailan di mo ako tiningnan"

"Hannah hindi ko alam. But i know who you were, sikat ka at nakikita naman kita" sagot niya dito. Nagulat siya sa inamin nito. Three years? Ang tagal na din nun ah! Ewan ba niya but he feels her. Parang parehas lang sila nang nararamdaman, yung nga lang ang nararamdaman niya ay para kay Sharlene at 'di para kay Hannah

"Parehas mo kaming nakikita pero siya yung pinili mong tingnan. Lagi na lang si Sharlene, pag may practice kami nagseselos ako sa atensyon na binibigay mo sa kanya. Natatawa nga ako sa sarili ko, i'm the prettiest of the team pero ni isang sulyap galing sa'yo wala" dagdag pa nito

"Hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin ko sa'yo. I'm sorry na hindi kita tiningnan man lang..."

"At alam mo ba bakit ngayon lang ako nagkalakas ng loob na lapitan ka? It's because i saw Sharlene with Francis Magundayao. Naisip ko tuloy baka pwedeng ako naman, pero hindi rin pala. Ako yung kasama mo pero si Shar pa din iniisip mo" nakayukong sabi nito

Inangat niya ang mukha nito and looked intently to her eyes. Medyo kinilabutan siya dahil para siyang nanalamin. Hannah is the girl version of him at ayaw niyang maging tulad ni Sharlene, ayaw niyang balewalain ang mga taong nagpapahalaga sa kanya.

"Then let's give it a try. For real" sabi niya dito

"Pero mahal mo si Sharlene" mahina ngunit malinaw na sambit nito

"Then help me forget her. Kaya mo ba 'yon?" sabi niya at tumango naman ito.

"Basta pag ayaw mo na at nasasaktan na kita sabihin mo lang. I don't want to hurt you Hannah"

Ito na siguro talaga iyon. He needs to move on. Hindi lang kay Sharlene umiikot ang buhay niya, kung may Francis ito baka naman kahit siya ay pwedeng magkaroon ng isang Hannah sa buhay niya.

---

Sharlene's POV

"Babe i'm sorry. Kausapin mo na naman ako please" sabi ni Francis. May bulaklak itong dala at nakaluhod sa harap niya. Umalis din agad siya nang umalis si Jairus, umuwi siya sa bahay ng sobrang bigat ng loob at nagulat na lang siya nang nakita si Francis na naghihintay sa kanya sa salas.

"Hindi ako nakapunta sa gig ni Jairus kagabi and he's disappointed" matamlay na sagot niya. She's tired at ayaw muna niyang kausapin si Francis

"I know at sorry dahil 'dun. Nakainom kasi ako" anito

"Ok" sagot lang niya

"Sharlene i'm sorry talaga. Alam kong alam mo na ang tungkol sa parents ko. I didn't mean to fool you. Gusto ko lang talaga na nandoon ka, gusto kitang ipagmayabang sa lahat ng kakilala ko. I just wanted you to be there" paliwanag pa nito

"Pinapili mo ako kagabi Kiko..." sabi niya at namumula na naman ang mga mata niya habang inaalala ang dahilan kung bakit di siya nakarating kagabi sa gig.

"Alam ko. And sorry din dahil doon pero di ko ikakailang masaya ako na ako ang pinili mo kaya mas lalo akong nakonsenya. I shouldn't have done that. Alam kong importante din ang gig na 'yun para sa'yo" sabi pa nito at tsaka siya umiyak.

Gusto niyang magalit kay Francis pero di niya magawa. Matagal na niyang gustong magkaroon ng isang relasyon na pwede niyang ipagmayabang kaya naman hanggang pwede niyang ayusin ang mga bagay bagay ay ginagawa niya kahit hindi na siya masaya.

"Sharlene let's start again. Ako na ang kakausap kay Jairus, i'll explain to him everything at babawi tayo sa bestfriend mo. I'll do everything wag ka lang magalit sa akin" sabi pa nito at niyakap siya.

Ano pa ba ang magagawa niya?

---

Jairus' POV

Kinabukasan ay napagpasyahan nila ni Hannah na sabay maglunch kaya nauna na siya sa canteen at hinintay ito. Pero bago pa ito dumating ay lumapit na sa kanya si Francis.

"You won. Alam ko at wala akong balak makipag-iringan sa'yo ngayon" nauna na niyang sabi dahil ayaw niyang marinig galing dito ang mga pagmamayabang nito

"I'm here to say sorry Jairus" anito na ikina-kunot ng noo niya

"Huh?"

"Matagal na akong nagseselos sa'yo kaya pinilit ko siyang wag pumunta nung isang gabi sa gig niyo. Nayayabangan pa ako sa'yo kaya pinanindigan ko yung pagpilit sa kanya. She wanted to go badly sa gig mo pero naglasing ako at may mga nasabi ako kaya di na siya tumuloy. Tsaka i left her with no choice. Lasing ako sino ang maghahatid sa kanya?"

"Bakit mo ba sinasabi 'to sa'kin?" tanong niya dito

"Dahil mahalaga ka kay Sharlene and i need to accept it. Yung pagka-disappoint mo sa kanya ang nagpapalungkot sa kanya ngayon at i want to make her smile kahit kailangan ko pang lunukin ang sarili kong pride" sabi pa nito. Francis loves Sharlene at nakikita niya iyo

"Sige kakausapin ko si Sharlene. Francis always maker her smile" sabi niya dito

"I will" ani pa nito

"Sorry i'm late. Yung professor kasi--- ay may kausap ka pala! Sorry" sabay peace sign ni Hannah sa kanya kaya napatawa siya

"Francis si Hannah nga pala, girlfriend ko" pakilala niya kay Hannah. Nagkamayan naman ang dalawa at ngumiti sa kanya si Francis bago umalis.

"Seryoso ka?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Hannah

"Na ano?" nagtataka niyang tanong

"Girlfriend?"

"Silly. Oo naman. Sinabi ko naman sa'yo 'diba? We'll try. Halika na, order na tayo" sabi pa niya sabay akbay dito.

---

AN:

Kwento ko lang huh? Mahal na mahal ko si Kiko na di ko matagalan na pangit ugali niya sa mga fanfics ko kaya naman ganyan kinalabasan. Hahahahahaha. At bet na bet ko character ni Hannah dito. Wala lang. Napakawala ko pang imahinasyon, pare parehas pa pangalan ginagamit ko. Bleah. Hahahha

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon