May nagtatanong bakit ganun ang ending. Siguro kasi minsan love is not enough, dapat may trust, courage, faith at kung ano ano pa. Sa last chapter alam naman natin na mahal nila ang isa't-isa hindi ba? Tama na siguro yun. Hahahaha :) Enjoy reading the epilogue... mahaba-haba ito. Triple yata ng regular chapter.
PS: Sorry nga pala sa bad words last chapter. Meron ulit dito. Mas dama kasi pag meron.
Epilogue
Sa buhay ng isang tao may mga desisyon tayong ginagawa para sa sarili natin at para sa taong mahal natin. Minsan iniisip ko kung tama ba ang naging desisyon ko noon o mali. Kung mas sasaya ba ang tao sa paligid ko o hindi kung sakaling iba ang naging desisyon ko.
Ako? Masakit man sa una naging ok din naman paglipas ng mga araw... and now? I'm happy. Very happy. Masaya na ako at para sa akin tama ang naging desisyon ko.
"Tita nakita ko kanina si Ate Hannah ah" napalingon siya ng nagsalita si Prince. 10 years old pa lang ito pero super gwapo na.
"Oo, kausap ko siya kanina, she asked me kung maganda daw yung mga bulaklak para sa kasal. She's with Jairus right now anyway. Pinipili na nila ang cake. They want it special" sagot niya sa pamangkin at nagkibit balikat lang ito.
"So nagustuhan mo yung mga bulaklak?" napalingon siya ng marinig ang boses ni Francis. Lumapit ito sa kanya ang kissed her on the cheeks.
"I love them. Ikaw pumili?" sagot niya at nginitian ito
"Yup. Namiss mo ako?" sabi pa nito sabay tabi sa kanya.
"Oo na. Na miss na kita" nginisian niya ito. Nanlalambing na naman kasi ito, kaya pinabayaan na lang niya. Mahirap na, matampuhin pa naman ito.
"Mahal na mahal mo talaga ako 'no?"
"Oo naman. Mahal na mahal kita" pagsangayon niya sa pagpapalaki ng ulo nito
"That's my girl" sabi nito sabay gulo ng buhok niya
Hay nako Francis! Kung 'di lang talaga...
"Francis! Lumayo ka nga sa kanya. Ang lapit lapit mo eh" napalingon siya ng marinig ang boses ni Jairus.
"Akala ko ba kakalabas niyo lang ng pangit na kasama mo? Bakit nandito na kayo? Tsaka ikakasal na kayo oy! Hanggang ngayon ba naman pinagseselosan mo pa din ako?" natatawang sambit ni Francis sabay akbay pa sa kanya
Napailing siya, inaasar na naman nito si Hannah. At dinamay pa sila ni Jairus.
"Paghinapit ko kaya ng ganito si Hannah?" anito sabay pulupot ng braso kay Hannah. Naramdaman niyang napatigil ang katabi kaya bahagya siyang napangiti. "Napatigil tayo ah? Sino kaya ang mas seloso sa atin? Bitawan mo si Sharlene. Now." dagdag pa nito.
"Tama na nga kayong dalawa" sabi niya at nilapitan si Jairus. She kissed him on the lips na agad namang sinagot nito.
"I missed you" sabi niya dito
"Clingy fiancè" sagot nito sabay halik sa tungki ng ilong niya
"So how was it?" bulong niya dito. Hindi naman talaga ito pumunta para piliin ang cake nila. Hannah is their wedding organizer kaya ito halos ang nagaasikaso ng lahat. Pero iba ngayon, ilang araw na kasi ito nahihilo at nagsusuka kaya pinatingin na nila ito. Sa ospital kung saan nagtratrabaho si Justin ang mga ito pumunta para mas madalian ang results.
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanficHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?