CHAPTER 6
"Ginagabi tayo ah!" aniya nang pumasok si Sharlene sa bahay nito. Tila nagulat naman ito pagkakita sa kanya pero ngumiti din naman agad.
"Jaiii! Anong ginagawa mo dito?" bati nito sa kanya
"Ay wala nang hug? Wala nang 'i've missed you'? Nakakatampo ka na ah" sabi niya dito at nag pacute pa siya. He's so happy about the news of their gig kaya di na lang niya masyadong pinuna ito kagaya noon. Gusto lang niyang sabihin dito ang good news. Afterall she's the reason kung bakit siya tumutugtog.
Magaling si Sharlene mag gitara, grade 4 pa lang yata sila nung madalas ay song book ang hawak nito at tinutugtog ang iba't-ibang kanta sa gitara. Nung summer after graduation ng elementary ay tinuruan siya nito dahil gusto daw nito na marunong din daw siya. Kaya naman nag aral siya mag gitara, he wanted to impress her badly kaya ginalingan talaga niya hanggang naging passion na niya ang pagtugtog at nakasali pa siya sa isang banda. Naalala pa niya kung gaano ito kaproud sa kanya nung tumutugtog sila sa mga school activities, mas lalo naman last year na nagdala pa ito ng banner para lang suportahan ang grupo niya. Sharlene has always been proud sa narating niya sa pagtugtog ng gitara kaya nga ng binigay ni Kuya Paul ang balita ay si Sharlene ang una niyang naisip. She has always been part of his passion on music.
"Ito naman! Busy lang. Pero namiss kita. Bakit ka nandito? Makikikain ka?" sabi nito na nagpangiti sa kanya. Noong wala pa si Francis sa buhay nito ay madalas siyang makikain sa bahay ng mga San Pedro
"Pwede rin. Pero hindi iyon ang pinunta ko... may good news ako!" excited na sabi niya
"Sobrang excited ka! Sabihin mo na! Naeexcite na din ako!" anito
"We will have our first gig. At sa Off the Grill pa! Kean liked our audition!" sabi niya. Nakita niyang nanginang ang mga mata nito. He knew it! Matutuwa ito sa binalita niya
"OMG! OMG! OMG! Jaiiiii! Grabeeeee! Sosyaaaaaal! I mean part owner si Kuya nun pero si Kean ang pumipili ng mga banda! Sabi kasi sa'yo eh! Da best talaga pag Fall For You! Humuhugot si Mark dun eh! Ako talaga dapat manager niyo eh!" tuwang tuwa na sabi nito
"Sira ka talaga! Manager agad. First gig pa lang naman. Tsaka di kami main attraction. Kami muna bale Pop rock or Alternative then MYMP opm. 7 pm to 10 pm kami" napakamot siya sa ulo pero hindi din niya matago ang excitement.
"Naks! MYMP! Syempre manager ako. Ako yung pumili ng Fall for you, ako din yung pumili ng Tonight nung nanalo kayo sa BOTB last year. Ako swerte niyo! Kelan ba yan?"
"Bale next next week" sagot niya sa tanong nito
"Papagalitan kaya ako ni Kuya pag nagdala ako ng banner?" nakangising tanong nito
"Wag na. Ginawa mo namang concert. Basta nandun ka ok na sa akin" sabi niya dito
"Oo naman Jai, syempre pupunta ako. First gig mo yun eh!" sabi pa nito at inakbayan pa siya
"I'm proud & really happy for you Jai" bulong pa nito habang papunta sila ng kusina
---
Jairus' POV
Next week na ang first gig nila at panay ang practice ng banda. FM Static & SecondHand Serenade ang mga kakantahin nila, they are all excited and so busy kaya nga mas nadidistract siya ngayon. Another week has passed at ganoon ulit ang nangyari. Madalas magparamdam sa kanya si Sharlene, alam niyang seloso si Francis pero kahit mga text niya ay di ito nagrereply, though he's sure na susulpot naman ito sa gig nila next week. He's still dating Hannah, kahit na minsan lang din sila magkita. They both have busy schedules kaya ok na din. Now all he's thinking is the gig.
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?