Chapter 3: O_O

679 38 18
                                    

Chapter 3: O_O

Sophie Villanueva on the side ----------->

[Chloe's POV]

HAYS! BWISET!!!

NAKAKAINIS TALAGA!!!

KAIMBYERNA!!!

Sa dami rami ba naman ng pwedeng kalimuta yun pa. Tsk.

Nakalimutan ko lang namang itanong kung bakit ako ang napili nya.

Like i've said earlier, MALAS ANG HAHARANAHIN NYA.

Baka malasin pa ako ng bonggang bongga nyan. Ayoko pa naman malasin. Baka imbes na tumaas yung grades ko lalo namang bumaba. Hays.

Anyways, andito ako sa loob ng jeep. Pauwi na ako sa bahay namin. Hindi na ako nag taxi tsaka hindi na ako nagpasundo gamit yung kotse sa bahay kasi ginagamit daw ni mama.

Dito ako umupo sa unahan, katabi ni manong driver. Nagaantay pa kami ng sasakay. Konti pa lang yung sakay eh.

Antagal naman. Gusto ko ng umuwi eh. Hays. Gusto ko ng ipahinga 'tong utak ko kakaisip.

Nagulat ako nung biglang magsalita yung driver.

"Miss, mukhang malalim ata yang iniisip mo? May problema ba?" tanong sakin ni manong driver. Umiling na lang ako bilang sagot. Ang chismoso nito ni manong ha.

"Alam kong meron kaya pwede kang mag sabi sakin" sabi nya ulit. Seriously? Ang daldal at tsismoso nya. Dinaig nya pa yung ibang pasahero dito.

"Manong, feeling close lang po? tsaka manong mind your own business. Wag pong masyadong chismoso. psh." sabi ko sa kanya.

"Sungit mo. Di mo kinaganda yang pagsusungit mo miss" sabi nung driver tsaka tumingin dun sa salamin para tignan kung madami ng sakay.

"Aba't! Ako pa ang masungit manong aa. Ikaw nga 'tong chismoso at feeling close masyado. Tsaka FYI lang manong ha. Hindi ako pangit. tsk" Ginagalit ata ako nito ni manong eh. Idamay na nya lahat wag lang 'tong mukha ko. Alam kong hindi ako pangit. Lagi yang sinasabi sakin ni mama eh.

Hindi na lang sumagot yung driver bagkus pinaandar na nya yung jeep. Napatingin naman ako sa likod ko. Madami na palang nakasakay. Puno na rin 'tong jeep. Hays. Buti naman.

Tumingin tingin lang ako sa paligid. Tinitignan ko bawat madadaanan namin.

"Para!" sigaw nung isang pasahero dito kaya huminto ang jeep. Huminto kami dito sa tapat ng isang high class restaurant.

Maganda sya. Pang high class nga. Tinignan ko lang ulit yung restaurant ng may nakita akong familiar na tao na papasok sa loob.

Nakatalikod sya kaya di ko sya mamukhaan pero sa tingin ko kilala ko talaga 'to.

Base sa hugis ng katawan nito kilalang kilala ko na. Si Kurt 'to aa. May kasama syang girl. Siguro GF nya. tss.

Papaandarin na sana ulit ni manong driver yung jeep ng bigla akong mag para. Inabot ko na din yung bayad tsaka dumiretso na pababa.

Hey! Back-Off,She's MINE! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon