Chapter 20: Flashback (PART 3)

376 13 2
                                    

Chapter 20: Flashback (PART 3)

[Chloe's POV]

Gabi na, lahat kami andito sa labas. May bonfire kasi. Ang lamig din sa loob kasi nga may aircon.

Sino sino andito? Yung Black Monarch, Si Jessie, Jenny, Yung kasama nilang dalawang lalaki na sa pagkakatanda ko Dwight at Dricco ang pangalan. Andito din si Bessy, pati yung mga classmates namin. Halo halo na nga eh. Iba't ibang section, sila Jessie lang yung iba ng year level dito.

May mga iba pang dumadating dito. Maraming gusto makisali samin pero pili lang talaga ang mga kasama dito sa pwesto namin. Andito din pala yung ex ni Kurt, si Koreen. Si Guijan din andito. Di kaya magkagulo nito. Bahala na nga sila. Hahaha.

"Laro tayo!" Pag aaya ng di ko kilala, siguro klase 'to ni bes. Kaklase lang naman namin ni Kurt at ni Bes ang mga nahalo dito e. So ibig sabihin kaklase pala ni bes si Koreen. Ba't di ko alam? Bayaan na nga. Hahaha.

Lahat naman um-agree sa kanya. Truth or Dare daw yung laro. Ayokong sumali. Tumayo lang ako at papunta na sana sa may pool area ng pigilan ako ng kung sino.

Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya. Wala ako sa mood ngayon. Pasensya na lang sila sa ugali ko ngayon.

May narinig naman akong bumulong, "Tch. Taray taray pa. Di naman bagay" Di ko na lang pinansin yun. Bahala sila. Nag lakad na ako papunta sa may pool area. Mag laro na lang sila dyan.

Habang nag lalakad ako, naramdaman ko namang may sumusunod sakin. Napatingin ako sa likod ko.

"Bakit?" Tanong ko kay Kurt. Ano bang nasa isip nya at sinusundan ako. Tsk.

Di sya nag salita. Tinignan nya lang ako. Takte ah! Nakakainis na sya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, nakasunod pa rin sya. Di ko na lamang pinansin.

Nung nakarating ako sa may pool area, naupo ako dun at nilubog yung paa ko sa may tubig. Umupo naman sya tabi ko.

"Problema mo ba ha!? Sunod ka ng sunod. Nakakairita ka na ah!" Sigaw ko sa kanya. Di ulit siya nag salita. Iniinis ba ako nito? Aba! Kung oo, naiinis na ako!

"Ano ba!? Kung iinisin mo lang ako. Peste lumayas ka na nga dito. Nakakainis yang pagmumukha mo. Bwiset!" Sabi ko. Tumayo ako at lumipat sa kabilang pool. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na umalis sya. Buti naman.

Pinag lalaruan ko lang yung tubig sa pool. Ginagalaw galaw ko yung paa ko habang nakalubog yun sa tubig.

Habang nakaupo ako nakatingin ako sa langit. Gabi na rin at magandang tignan ang kalangitan ngayon. Ang dami bituin. Siguro isa sya sa mga bituin na iyan. Siguro lagi nya akong binabantayan. Siguro kung hindi ako tinakot ni mama na papahirapan nya daw ang pamilya nito, hindi kami maghihiwalay. Siguro kung hindi kami nag hiwalay, masaya sana kami ngayon. Kung hindi kami nag hiwalay, hindi sana sya mababaliw at mag ssuicide. Kung hindi nangyari yun, hindi sana ako papasok sa ganitong sitwasyon. Hindi sana...

Namimiss ko na sya. Sana kung nasaan sya, maging masaya sya. Kahit na alam kong walang dahilan para maging masaya sya. Dahil iyun kay mama. Pero hindi ko sya masisisi. Pinoprotektahan lang naman ako ni mama kay Kenneth.

Ex ko sya. 3 years rin naging kami. Masaya naman kami, alam ng mga parents namin kaso lang nalaman ko na pumapatay pala siya ng tao. Isa syang mafia. Nung nalaman ko yun, sinabi ko kay mama. Kinausap ako ni mama at sinabihang hiwalayan sya dahil delikado daw yung buhay ko kapag naging kami pa. Hindi ako pumayag dahil mahal na mahal ko sya at hindi ko kakayanin kung maghihiwalay kami. Pero nagbanta si mama. Pag daw hindi ako nakipag hiwalay ay papahirapan nito ang pamilya nila. Papabagsakin ang company nila.

Hey! Back-Off,She's MINE! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon