Chapter 17: Role Play

420 11 1
                                    

Chapter 17: Role Play

Chloe and Adrian on the side (cr. sa nagedit) --------------->

[Chloe's POV]

Nagising ako ng maaga ngayon dahil nga ngayon na gaganapin yung Role Play namin sa MAPEH. Pupunta pa kasi ako sa bahay ni Sophia, yung classmate namin, Para tulungan sya sa pagdala ng props sa school. Andami kasi nun eh. Mahirap pang bitbitin yung iba.

Actually, lahat kami pupunta dun sa kanila except daw kila Kurt and Guijan. Tsk. Dapat walang grade yang dalawang yan eh. Di naman sila tumulong. -_-

Otw, na ako sa bahay nila ngayon. Hindi ako sinundo ni Kurt kasi nga ayaw ko. Buti nga pumayag eh. Sinabihan kong mag ready na lang sya para mamaya. Sya yung manghaharana eh.

Malapit lang naman bahay nila Sophia sa school kaya kahit lakarin na lang namin papunta ay kaya naman. Syempre masipag ata kami, Lalo na ako. Oopppss! Walang kokontra. Hahaha.

Andito na pala ako. Pumara lang ako then tumungo na ako sa bahay nila.

*ding dong*

Sosyal. May doorbell din sila. Hahaha. Maya maya lumabas na din siya para buksan yung gate. Pumasok na din ako. Andun na pala yung iba. Inaayos at chinicheck lang nila yung mga props. Maganda naman yung pagkakagawa sa props namin. Ang mahal kaya ng ginastos namin dito pero dahil nga mga Rich Kid sila wala lang sa kanila yung presyo.

Pagtapos nilang icheck, binitbit na din namin isa isa yung props. Kanya kanyang bitbit. Hahaha. Then nilakad na namin papuntang school. Sabi ko nga kanina malapit lang yun. Siguro mga 300 steps. Pft.

-Wellington University-

Pagpasok namin nakatingin lahat sila samin. Anong meron? Mga tingin nila may meaning eh. Teka? Sa amin nga ba o sa akin lang? tsk.

Dumiretso lang kami sa Theater Room. Dito ginaganap yung mga play eh.

Inaayos lang namin yung mga props namin dun. Sabi kasi ni Ms. Sandiego, our teacher in MAPEH. Iready na daw namin agad yung props dito para mamaya diretso perform na lang. First class kasi namin yung MAPEH.

Andito na rin pala sila lalabs. Inaayos na rin nila yung props nila. Hihihihi ^///^ Ang aga aga kinikilig ako kay lalabs ko. Ang pogi. Hihi.

Pinagpatuloy ko lang yung pagaayos ng props namin. Ilang minuto na lang matatapos na din to. Dumating na din si Ms. Sandiego.

"Good Morning Class"

"Good morning Ms. Sandiego"

"Okay na ba yang mga props nyo? And ready na ba kayo?" Nag nod lang kami sa kanya. Himala. GV ata ngayon si maam. Hahaha. Anong kayang nakain nya? XD

"Maya maya sisimulan na din natin yung play. So be ready"

Pinagpatuloy lang namin ang pag aayos ng props. Malapit na din itong matapos.

Makalipas ang ilang minuto natapos na din namin, ganun na din sa ibang grupo.

Agad naman akong napatingin sa gawi ni JV, si lalabs, nakangiti sya sa akin ngayon. Ilang linggo na rin simula ng hindi kami nakakapag usap. Siguro dahil na rin yun kay Kurt.

Akmang pupuntahan na nya ako ng biglang dumating si Kurt. Aish! Panira!

Napalingon ako sa kanya ng bigla nya ako tawagin. Napanganga na lamang ako. Geez! Why so pogi? Natauhan ako ng bigla nya ulit ako tawagin.

Hey! Back-Off,She's MINE! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon