Chapter 11: Disappointed?

424 25 9
                                    

Chapter 11: Disappointed?

Jayvee Garcia on the side ----------->

[Chloe's POV]

Recess na. Andito ako ngayon sa canteen, Mag isang kumakain wala si Sophie eh busy daw, tapos pag tinanong mo kung busy saan, hindi naman nya sasabihin. Hays.

Anyways, hindi ko pa nakikita si Kurt aa. San kaya yung Kurt na yun?

Namimiss ko na siya—este Naiinis ako sa kanya. Argh! Muntik na ako mabigyan ng Detention Slip, buti na lang nakaisip ako ng magandang palusot.

Idagdag mo pa sa dahilan ng pagkainis ko sa kanya yung TEXT!! Isang araw na ang lumipas pero 'di pa rin ako maka move on dun. Hays. Ang hirap talaga mag Move-On noh?

Hay nako! Kung sa'n sa'n na napupunta yung mga pinag sasabi ko. Matuloy ko nga muna 'tong pagkain ko.

After a minute natapos na akong kumain, iinom na sana ako ng juice ko ng—

Ng biglang kuhanin ng isang b*tch yung juice ko at binuhos sa akin. What The Fudge!?
Sino ba 'tong bitch na 'to?

"Yan ang nababagay sayo b*tch!"-sabi ni, oh! Look! Here's the true b*tch. Her name was Guijan.

"Ano na naman bang ginawa ko sayo ha?"-inis na tanong ko at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Inagaw mo lang naman ang Prince ko!"-sagot niya. Argh! Nabubwiset na talaga ako! Baka hindi ako makapagtimpi nito. tsk.

"HINDI KO SYA INAGAW! At pwede ba tigilan mo na ako."-sabi ko bago ako umalis, pero bago pa man ako makaalis,  nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya. Ouch! Ansakit. Shit.

"Serves you b*tch"-sabi niya bago tuluyang umalis. Pasalamat sya nakaalis agad sya. tsk.

Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao dito sa canteen. Hays. Ako na naman ang Center of Attraction nila. Makaalis na nga.

Pumunta ako sa C.R para mag palit ng uniform ang lagkit na kasi ng uniform ko eh.

Nakalimutan ko pala kunin yung extra uniform ko sa locker ko. Kelangan kong pumunta ng locker room.

Habang nag lalakad ako, yung iba naman, as usual ako ang topic nila. hays.

"Wait! Look diba sya yung girlfriend daw ni Prince Kurt?"

"Oo, ang swerte naman niya kay Prince Kurt. Gwapo na Mayaman pa"

Kung alam mo lang. Baka pag magkasama kayo ng matagal, ikaw na mismo ang mag sabing ang malas mo. tsk.

"Girl ganyan pala yung type ni Prince Kurt. Yung mga dugyot."

"Oo nga eh,ang dungis dungis pa ng uniform niya."

Tsk. Palibhasa kasi hindi nila nakita yung ginawa sakin nung Guijan na yun eh.

Patuloy pa din sila sa pagbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin at nag patuloy sa paglalakad hanggang marating ko yung locker.

Pag dating ko kinuha ko na agad yung extra kong uniform at saka bumalik ulit sa C.R para magpalit ng uniform.

Hey! Back-Off,She's MINE! [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon