Chapter 18: Field Trip (PART 1)
Week passed....
May tatlong bibe akong nakita~
Mataba, mapayat, mga bibe~
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa~
Syang lider na nagsabi ng quack quack! Quack! Quack! Quack!
Nakatapos na ulit ako ng isang kanta pero wala pa din sya. Andito ako sa bahay inaantay si Kurt. Susunduin nya daw ako eh. Pero nakailang kanta na ako wala pa din sya.
Time Check: 5:00 AM
Hala! 5:00 am na. 5:30 ang alis ng bus. Ngayon na kasi yung field trip namin na Swimming. Hahaha. Excited na nga ako eh.
Antagal naman nya. Gusto ko sana syang itext o tawagan kaso wala naman akong load.
Waaahh! Baka maiwan ako ng bus. Okay lang na sila maiwan wag lang ako. Ang mahal mahal ng bayad dyan sa swimming na field trip na yan tapos hindi ako makakasama. *pout*
Hmm, mauna na kaya ako? Marunong naman akong mag commute. Wag ko na sya intayin baka nag bago yung isip nya at hindi na sya sumama.
Tama! Kinuha ko lang yung mga gamit ko at lumabas na. Nilock ko na din yung bahay. Then naglakad na ko papunta sa sakayan dito, bitbit yung mga gamit ko.
Excited na talaga ako. Makikita ko ulit si bes. Sumama kasi sya sa field trip pero pagtapos daw ng field trip lilipad na sya sa ibang bansa para magmanage ng company. Hays. Mamimiss ko talaga sya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, after a minute narating ko na din. Sumakay lang ako at dumiretso dun sa school.
-Wellington University-
Pagbaba ko agad sumalubong sakin sa labas ng school namin ang napakaraming bus. Pumasok lang muna ako sa loob para tignan kung anong bus number ko.
Naglakad lang ako papuntang canteen. Nasa tabi kasi ng canteen nakalagay yung bulletin board para makita kung anong bus number ka.
Pagdating ko dun agad naman akong sinalubong ni bes.
"Waaahh! Bes!" Sabi nya tsaka tumakbo papunta sakin at yumakap.
"Bes! Namiss kita. Sobra!" Sabi ko at mas lalong hinigpitan yung yakap.
"Ah... Eh... Bes... Di ako makahinga. Hehe" sabi nya kaya agad naman akong napabitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Sorry bes. Pero namiss talaga kita"
"Sorry bes, di kita namiss" bigla naman akong nalungkot sa sinabi nya. Nginitian ko na lang sya. Isang mapait na ngiti.
"Joke lang. Syempre naman bes. Namiss kita. Sobraaaa~" Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit. Buti naman. Akala ko naman hindi talaga nya ako namiss eh.
BINABASA MO ANG
Hey! Back-Off,She's MINE! [On-Going]
Teen FictionI have a perfect life. Meron akong family na supportive, bff kong parang kapatid ko na at hindi ako ang center of attraction sa school. BUT Simula nang magtransfer ang isang bad boy/gangster/heartthrob sa school namin naging miserable na perfect kon...