Chapter 1: ZincoTriangulo
Riziel's POV
'A-anong... anong lugar to?'
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at balikan ang mga nangyari bago ako magising. Okay... Umuwi ako sa bahay, pinagalitan ako ni mama... Nasaktan niya ako... Tapos... Tapos yung matandang babae!Tama, yung matandang babae ang huli kong kasama. Baka naman, nawalan ako nang malay tapos dinala niya ako dito.
Sa dami nang pwede kong maka-encounter, nakadali pa yata ko ng baliw. Na-kidnapped pa yata ako pero bakit hindi niya kinuha itong cellphone ko? Pati yung mga gamit ko, nandito din.
'Kalma, Riziel. Don't panic.'
Nag-inhale at exhale ako ng ilang ulit bago muling tingnan ang paligid. Alam kong walang maitutulong sa akin kung magpapadala ako sa takot at matataranta.
Nasa isang unknown forest ako nang mag-isa, hopefully. Ang kailangan ko na lang gawin, hanapin ang daan paalis dito. Okay... That would be easy, I guess? Kinuha ko ulit ang cellphone ko at binuksan ang google maps pero panay lang ang loading dahil wala naman pa lang signal dito. Ayoko man na umalis nang walang tiyak na patutunguan, tumayo na ako at isa isa nang dinampot ang mga gamit ko.
Nagpalit din ako ng flashlight dahil natatakot ako na maubusan ng battery ang cellphone ko, iyon ang pinaka-importanteng bagay na meron ako sa ngayon. Kailangan ko lang maghanap ng signal ara makatawag ako ng tulong. In-on ko na din yung maliit na switch ng flashlight ko, ito kasi yung dual purpose. Aside sa ilaw, may kuryente din ito for self-defense. Mabuti na ang, girl scout ako. Palagi kasi akong may dalang bukod na pouch sa bag ko para sa first aid kit, for emergency purposes. Katulad na lang ngayon.
Nako, gustong-gusto kong sahihin kay Shelly na 'Ano ka ngayon? Sabi ko sayo may purpose ang pagdadala ko ng maraming gamit, e.' Madalas niya kasi akong kantsawan na halos dala ko na daw buong bahay namin sa dami ng laman ng bag ko.
Nasa kalagitnaas ako ng paglalakad nang makaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Hindi ako matapang pero kusang huminto ang mga paa ko at hinanap kung saan nanggagaling yung presence.
"Sinong nand'yan? Lumabasa ka! H-hindi ko natatakot sayo!" sigaw ko pa kahit ramdam ko ang panginginig sa boses ko. Mas hinigpitan ko ang hawak sa flashlight ko at naging alerto habang tahimik na pinapanalangin na kung wild animal man ang makakaharap ko, sana yung mas maliit na lang sa akin.
"M-manang!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa matandang babae na nagdala sa akin dito. "Saglit lang po! Gusto ko nang umuw-aray!" daing ko nang may bigla na lang dumamba sa akin. "Get off me!" sigaw ko habang pilit na kumakalawa sa may hawak sa akin.
"We don't accept intruders," malamig nitong bulong sa akin. "Who send you?" tanong niya habang may naka-amba na matalim na bagay sa leeg ko.
"H-hindi ko alam!" Nanginginig kong sagot habang pilit na kinakapa kung nasaan ang flashlight ko. "B-bitiwan mo ako!" sigaw ko kasabay ang pagpindot ng flashlight ko. Nanginig siya nang idikit ko sa tagiliran niya ang kuryente mula sa flashlight ko. I took that chance to push him away from me.
Napa-atras ako habang sapo ang leeg ko. Sumandal ako sa isang puno at tinignan ang lalaking umatake sa akin kanina. Hindi na siya gumagalaw at ayokong isipin na baka napatay ko siya dahil masyado pa akong bata para makulong!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para i-check kung humihinga pa ba siya. Napakunot ako ng noo dahil ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing an odd outfit. Nakasuot siya ng kulay itim na damit na parang traditional na damit ng mga korean. I think its called Hanbok? Nakakita na ako ng ganoon sa historic kdrama na pinapanuod ni Shelly, e."K-kuya... Ayos ka lang ba?" Tanong ko at sinipa pa yung paa niya. "Wuy! Kuya? Wag kang mamamatay! Ayokong makul-Ah!!!" sigaw ko dahil bigla na lang niya akong hinila sa buhok. He pinned me on the ground face down. "Please don't kill me!"