Chapter 16
Riziel's POVNaging tahimik ang pag-uumpisa ng paglalakbay namin patungo sa distrito ng Nashi. Okay! Trivia lang muna. Ayon kay Leo, iba daw ang panahon sa distrito ng Nashi. Kumpara daw sa tatlo pang distrito, nababalot ng lamig ang buong lugar na iyon. And yes, may snow sila doon. Kaya nga medyo excited ako na makarating doon dahil matagal ko nang pangarap ang makakita ng totoong snow. Kanina ko pa nga iniisip kung ano ang gagawin ko kapag nandoon na kami. Gusto ko sanang gumawa ng snowman, yung parang si olaf? Iyon ay kung hindi mag-iinarte itong si Franco.
Walanghiyang unggoy, matapos ba naman akong yakapin kahapon, hindi na ulit ako kinausap! Aba! Lakas maka-ewan! Kayo nga ang yakapin tapos parang wala lang, hindi ba 'yon big deal sa inyo? Hindi ko na nga lang din siya pinapansin eh.
"Ang ganda." Namamanghang bulong ni Agore habang nakatingala. Sinundan ko kung ano ang kanyang tinitignan sa itaas.
"Perfect view." Bulong ko din. Mula sa aming kinatatayuan, makikita ang pinakatuktok ng isang parang bundok ng yelo kung saan tumatama ang sikat ng araw. First sunlight of the day.. Madilim pa kasi mula nang mag-umpisa kaming maglakad paalis sa komunidad nila Agore at Akilla. Katulad nga ng napagkasunduan ng mga magkakapatid, naiwan doon si Kalirgo upang bantayan ang iba pang mga bata, umaasang may makukuha kaming lunas sa sakit na nakukuha ng mga bata dahil na rin sa epidemya at walang disiplinang pagtatapon ng bangkay ng tao sa kagubatan.
"Nilalamig ka na?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Leo. Ngumiti ako bilang sagot bago yakapin ang aking sarili. Sa kabila kasi ng makapal na pangginaw na suot ko, talagang gumagapang ang matinding lamig sa buo kong katawan. "Isuot mo na rin ang aking pangginaw." Akma niya huhubarin ang kanyang suot kaya't mabilis ko siyang pinigilan.
"Hindi na. Sa ating lima, ako ang may pinakamakapal na suot." Tinignan ko pa sila Agore at Akilla na nauuna na nang bahagya sa amin. "Sa kapal nito, giniginaw pa ako, for sure mas nilalamig kayo. Okay na ako sa suot ko." Muli pa akong ngumiti sa kanya.
"Tsk. Nasa bungad pa lamang tayo ng Nashi. Mas magiging malamig habang nararating natin ang kanilang kapital." Seryoso namang pagsabat ni Franco sa pag-uusap namin ni Leo. "Akilla, Agore!" Napakunot ako ng noo nang tawagin niya ang dalawang bata na kaagad din namang lumapit sa amin.
"Bakit?" Nakasimangot na tanong ni Akilla.
"Kakayanin niyo bang lumikha ng apoy na hindi makapamiminsala sa katawan ni Riziel subalit makapagbibigay pa rin ng init?" Napataas ang aking kilay. Pwede ba 'yon? Sabagay, nagawa nga nila Agore at Akilla na gumawa ng apoy na hindi ako napapaso eh.
"Hindi ako sigurado, Kuya Franco. Hindi ba mapanganib iyon? Paano kung hindi sadyang masaktan si Ate Riziel?" Maging ako ay napa-isip. Kung hindi kami magiging maingat, baka maging instant barbeque ang kalabasan ko.
"Sa pagkakaalam ko, ang isang aesopia ay may kakaibang kakayahan na protektahan ang kanyang sarili mula sa kahit anong panganib na nababalot ng mahika." Ani Leo. "Nabasa ko iyon sa isang lumang libro sa aming aklatan. Ngunit hindi ko rin iyon natitiyak."
"Subukan na lang natin." Nakangiti pang sagot ni Agore bago magpalabas ng apoy sa kanyang kaliwang hintuturo. Agad akong napaatras. Jusko Lord, mukhang hindi maganda ang gusto nilang gawin.
"O-okay na ako! Hindi na kailangan. Utang na loob, baka mapaso ako!" Umiiling ko pang pagtanggi.
"Ikaw ang bahala." Pilyo pang ngumiti sa akin si Akilla. 'Tila naduduwag ang dalagang itinakda.' Automatic na napataas ang aking kilay. Lokong bata ito. Hindi ba niya alam na naririnig ko ang iniisip niya?
"Bakit hindi na muna tayo magpahinga?" Bigla na lang suggest ni Leo. Saan naman kaya kami magpapahinga dito?
"Mabuti pa nga," sagot naman sa kanya ni Franco. So in the end, kahit hindi rin alo sigurado kung paano at saan kami magpapahinga, huminto pa rin kami sa paglalakad. Sakto na rin at may nakitang kweba sina Conan At Loki. "Riziel." Bigla akong napakislot nang tawagin niya ang pangalan ko. Take note naman kasi na ngayon niya lang ulit ako tinawag at kinausap directly. "Pumasok ka na rito. Ano pa bang tinitignan mo d'yan sa labas?" Nakasimangot niyang tanong sa akin.
"Oo na. Papasok na." Nakanguso ko siyang dinaanan bago naupo malapit sa apoy na ginawa ng kambal. Tumakbo naman papalapit sa akin sina Loki at Conan bago nagpagulong-gulong sa aking harapan. Ang cute!
"Nakakaaliw silang panuorin, hindi ba?" Nakangiti akong tumango habang hindi parin inaalis ang aking tingin sa dalawa naming alaga. Naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ni Leo. "Malapit mo nang makumpleto ang mga Elite,"
"Leo, kung ang mga taga-Higashi ay dilaw na Leon, pulang agila sa mga taga-Minami, ano naman ang sa mga taga-Nashi?"
"Ang Luntiang Tupa." Nakangiti niyang tugon. "Kilala ang kanilang distrito bilang tahanan ng mga likas na tubig. Mayaman sila sa mga lamang dagat at kung anu-ano pang mga pagkain at halaman na matatagpuan sa mga matutubig na lugar."
"Tubig? Hindi ba dapat Yelo? Kasi tignan mo oh, may snow. Hindi kaya si Elsa ang Elite dito? Let it go, let it go, can't hold it back anymore." Hindi ko na pigilan ang aking sarili na kumanta. Madalas kasi naming panuorin iyon sa bahay dahil paborito ni Ritchie yung part ni Olaf. Medyo naadik din kasi ang kapatid ko sa mga merchandize ng Frozen.
"Wala akong naunawaan sa sinabi mo, Riziel. Sino si Elsa?"
"Luh. Nevemind na nga." Nakangiti kong sagot. Bakit nga kaya luntiang tupa? Kung more on water ang Nashi, ibig sabihin dapat luntiang isda, diba? O kaya luntiang Pirana? Luntiang balyena?
Natigil ako sa nakakabaliw kong pag-iisip nang tumikhim si Franco. Nakasimangot siya at tila naiirita sa mga naiisip ko. Sus, kasalanan ko bang naririnig niya ako? Inirapan ko siya bago ako nag-iwas ng tingin.
"Alam niyo, may narinig akong kakatwang usapan noon patungkol sa distrito ng Nashi." Pagbubukas ni Agore sa usapan. At mukhang hindi lang ako ang nacurious dahil halos lahat kami ay nakatingin na ngayon kay Agore, naghihintay na magsalita siya tungkol sa sinasabi niyang usapan. "Hindi naman daw ganito ang panahon at klima sa Nashi. Noon raw ay kulay luntian at asul ang matatanaw kung ikaw ay tatayo mula sa magkabilang hangganan ng distritong ito."
"Saan mo naman nakalap ang kwentong iyan?" Seryosomg tanong sa kanya ni Franco.
"Mula sa ilang mangangalakal na minsan na naming tinambangan noon." Mayabang naman na sagot ni Akilla Nakalimutan kong tulisan nga pala sila.
"Mangangalakal?" Nagtatakang tanong ni Leo. "Ang buong akala ko'y matagal nang naputol ang kalakalan sa pagitan ng mga distrito."
"Iyon din ang aking ipinagtataka. Malaki ang naging pagbabago mula nang itinigil ang kalakalan sa mga taga-distrito. Naging sakim ang mga nagdaang Elite kaya't ninais nilang sarilihin ang kanya-kanyang yaman na matatagpuan sa bawat distrito. Kung tutuusin, isang dahilan kung bakit naghihirap ang mga mamamayan ay dahil sa mga produktong hindi nila naibebenta at naiaangkat sa ibang distrito." Mahabang sagot ni Franco. Luh, dumadaldal na ang unggoy!
"So back to the topic, bakit daw may snow dito?" Tanong ko. "Alam niyo na? Bakit malamig? Bakit may yelo? Bakit may babaeng dugu----an.." Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano ang nakikita ko. Agad akong napatayo at tumakbo papalapit sa babaeng naglalakad sa labas. Lahat ng madaanan niya ay nagiging kulay pula nang dahil sa masaganang dugo na umaagos mula sa kanyang katawan. "Guys! Tulong naman sana oh?" Sigaw ko sa kanila dahil wala isa man sa kanila ang kumilos upang tulungaan ako. "Miss? Okay ka lang? Sinong may gawa nito sayo?"
"T-tulungan niyo ako... P-papatayin nila ako.." iyon lang ang nasabi niya bago siya nawalan ng malay. Dinaluhan ko siya at pilit na ginising pero mukhang kanina pa siya nanghihina.
"Franco, buhatin mo siya. Dalhin natin sa loob ng kweba." Natataranta kong utos kay Franco. Walang naging pagbabago sa reaksyon niya pero sumunod din naman siya sa akin.
Sino kaya siya? At ano ang nangyari sa kanya?
~~~