III

52 7 0
                                    

Riziel's POV

Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang, kusa lang na sumunod ang mga paa ko sa paglalakad nila Franco at Leo. Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko.

'Ano ba yung mga nakikita kong eksena? Bakit may ganoon? Paanong nangyayari 'yon?'

"Aray!" reklamo ko nang biglang huminto sila Franco kaya sumubsob na naman ako sa likuran niya. "Bakit na naman ba?"

"Eomma!" malakas na sigaw ni Leo at nagmamadali pang pumasok sa isang bahay.

"A-anong nangyayari?" tanong ko kay Franco pero hinawakan niya lang ang kamay ko at hinila ako papasunod kay Leo.

Pero napahinto kami ni Franco sa may pintuan dahil sa naabutan namin. Nakakalat ang mga kagamitan nila at halos bumaliktad ang sikmura ko nang dahil sa nagkalat na dugo sa paligid. Pagpasok na pagpasok pa lang namin, sinalubong na kami kaagad ng malansang amoy ng sariwang dugo. Pero ang mas dumurog sa puso ko, ay ang makita si Leo. Nakasalampak siya sa sahig habang tangan ang isang babae na sa tantsa ko ay nasa around 35-40 years old. Naliligo siya sa sarili niyang dugo habang nakatitig kay Leo.

"A-adeul... Leave... Leave this pla... place..." Nanghihina nitong utos kay Leo. Bakas sa boses niya ang pinaghalong lungkot, takot at pag-aalala. "Iligtas mo ang... ang sarili mo..."

"Eomma, andwaeyo! Jebal!" Pakiusap ni Leo habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha niya. "Eomma!"

"Don't... Don't let them...don't let them hurt you, Leo. Mian..." paalala pa nito bago tuluyang lumaylay ang kanyang ulo kasunod ang malakas na sigaw ni Leo.

Napahawak ako sa cloak ni Franco bilang pagkuha pagsuporta dahil nanlalata na ang mga tuhod ko. Idagdag pa ang mahinang pag-galaw ng lupa. Dahan-dahan naman niyang itinapat sa mata ko ang mga kamay niya para hindi ko na makita ang mga nangyayari. Pero kahit na ginawa niya 'yon, nakatatak na sa utak ko kung ano ang sitwasyon.

Unti-unting dumaloy ang mga luha ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Leo. It was like his pain was my pain, too.

"S-sinong may gawa nito?" bulong ko habang nakatingin kay Franco pero mapait lang siyang umiling sa akin. "How... How could they do this?!" sigaw ko kasunod ang muling pagyanig ng lupa pero mas malakas na iyon kaya't napayakap sa akin si Franco bilang suporta.

'More! You should train harder! Wala akong anak na mahina!'

'Abeoji! I'm tired! I just want to see eomoni! Saan ba kasi siya nagpunta?!'

"Don't you dare mention that traitor! I forbid you to think of her!"

Bumitaw ako kay Franco at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Napaupo na ako nang tuluyan dahil sa konklusyon na tumatakbo sa isip ko.

"Clear your mind, Riziel. Kailangan tayo ni Leo," mahinang bulong ni Franco kaya napatingin ako sa mag-ina. Pinunasan ko ang luha ko bago tumayo at lapitan sila.

"L-leo..." Pagtawag ko sa pangalan niya pero napigilan ko ang aking paghinga nang magtama ang mga mata namin. Wala nang bumabagsak na luha sa mga mata niya pero mababakasan pa din iyon ng lungkot at galit.

Lumuhod ako sa harap nila at naglakas loob na isara ang naka-dilat pang mga mata ng nanay niya.

'Ilabas mo ang huwad mong anak! I will kill him with my own hands!'

'Nakiki-usap ako! Huwag ninyong sasaktan ang anak ko!'

"Your son should know his place! He has no right to claim my position!"

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon