ZincoTriangulo- Chapter 10

36 4 0
                                    

Chapter 10

Riziel's POV

Halos ilang oras na rin kaming naglalakad. Ewan ko, pero feeling ko nga naliligaw na kami, ayaw lang umamin nila Kalirgo.

"Wait lang guys, pahinga muna tayo, pagod na ako eh. Masakit na yung mga paa ko." Pagrereklamo ko bago sumalampak ng upo sa isang naka-usling ugat ng malaking puno. "Makakarating ba tayo sa pupuntahan natin o hindi?"

"Nakapagtataka," bulong ni Kalirgo.

"Teka nga, Kalirgo, umamin ka, naliligaw na tayo, no?"

"Hindi tayo naliligaw." Seryosong sagot ni Franco. Tignan mo to, hindi ko naman kinakausap, sabat nang sabat. Kapag naman kinakausap, ayaw sumagot. "Mayroon tayong inililigaw."

"Say what??" Agad akong napatayo. Ibig sabihin, may sumusunod sa amin? Bakit parang wala naman akong nararamdaman?? Ang weak ko talaga T_____T

"Hindi ngayon ang panahon upang magtanong ka pa, Riziel." Ibinaba ni Franco ang mga bitbit niyang gamit sa tabi ko at ganoon din ang ginawa nila Leo, Kalirgo at nung dalawang bata.

"Wuy? Anong nangyayari?" Lalapit sana ako sa kanila pero agad akong tinulak ni Franco pabalik sa pwesto ko kanina. "ARAY AH! FRANCO SUMOSOBRA  KA NA, HA! MASAKIT YON!" Sigaw ko sa kanya pero agad akong natigilan nang makita ko si Leo na ginagamit ang kapangyarihan niya. para siyang gumagawa ng harang o bakod sa pagitan namin. Inilibot ko ang aking paningin, hindi bakod ang ginagawa niya. Isa iyong kulungan at nasa loob ako! Huhu T____T anong kasalanan ko?? Bakit niya ako kinukulong??

Mas lalo akong kinabahan nang biglang tumayo sina Agore at Akilla sa magkabilang gilid ko at gumawa ng napakalaking apoy na unti-unting bumalot sa ginawang kulungan ni Leo.

"Waaaaah!!! Anong nangyayari?!! Franco, behave na ako, promise! Wag niyo lang akong gawing barbeque! Juskooo! Ang bata ko pa. Marami pa akong pangarap sa buhay!!" Halos maiyak na ako sa takot pero habang tumagal, hindi naman ako nakaramdam ng pagkapaso o kahit anong init mula sa apoy na ginawa nila Agore at Akilla.

Inilabas ko ang aking kamay sa maliit na siwang ng kulungan at nahawakan ko ang apoy. Hindi ako nasasaktan? Hindi ako napapaso??

Totoo bang apoy to? Bakit hindi ako napapaso??

"Tsk! Hindi ka talaga mapapaso ng apoy na iyan, Riziel." Napatingin ako sa Franco.

"B-bakit??"

"Dahil ginawa namin ang apoy na iyan upang protektahan ka." Si Akilla na cool na cool lang sa pagkakatayo niya.

"Saan niyo naman ako poprotektahan?" Nagtataka kong tanong.

"Sa kanila." Bulong ni Leo. Napatingin naman ako agad sa tinitignan niya.

Isa-isang nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dalang weapon.

"Kahit anong mangyari, kailangang maprotektahan si Riziel," aaminin ko. Kinilig ako sa sinabi ni Franco.

"Mga taga-silangan ba sila?" Tanong ko.

"Hindi, sila ay mga mandirigma at kawal ng Hilaga," sagot ni Kalirgo.

"Isuko ninyo ang Itinakda at wala nang kailangang masaktan." Says nung parang pinaka-leader nila.

"Sino ka naman sa iyong palagay upang isuko namin sa iyo ang Itinakda?" Matapang na tanong ni Franco.

"Mga bata.. Higit kanino, kaming mga nakatatanda ang marapat na mag-asikaso sa Dalagang Itinakda." Tinawanan pa niya si Franco, "Kaya't ibigay niyo na sa amin ang Dalaga."

"Kuhanin niyo siya," sagot sa kanya ni Franco kay dumampot ako ng maliit na bato at inihagis iyon kay Franco.

"Adik ka talaga! Ibibigay mo ako sa mga yan? Eh hindi ko naman mgs kakilala yan!"

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon