Chapter 14Riziel's POV
Nakangiti 'kong pinanuod sina Agore at Akilla habang naglalaro ng habulan sa dalawang baby wolves namin. Hanggang ngayon, wala pa akong maisip na pangalan para sa kanila. Ayoko kasi ng simple, gusto ko unique. Naupo ako sa isang mahabang silyang kahoy at bago pumito. Agad akong napangiti nang agad na huminta sa pagtakbo ang dalawang baby wolves at tumingin sa akin. Sumenyas ako na pumunta sila sa akin at laking gulat ko nang sumunod ang mga ito sa akin.
"Good morning babies," sabay ko pang kiniliti ang kanilang mga leeg.
"Magandang umaga, Ate Riziel!" Lumapit sa akin si Agore habang nanatili lang si Akilla sa kaniyang pwesto. Nakatingala lamang siya sa kulay bughaw na kalangitan.
"Nasaan sila Franco?" Tanong ko habang bakatingin kay Agore.
"Maaga silang umalis ni Kuya Leo. Binalikan nila ang ina ng dalawang ito." Itinuro pa niya ang mga alaga namin. "Ano nga pala ang nais mong ipangalan sa kanila?"
"Hindi ko pa alam eh," nakangiti kong sagot. "Ano kayang maganda?" Tinitigan ko ang dalawang baby wolves na sumasayaw ang mga buntot. "Hmmmn, Loki at Conan." Bulong ko. Napangiti ako. Tama, si Loki at Conan, sila ang mga bida sa ilang detective series na favorite kong panuorin sa tv.
"Loki at Conan? Maganda at kakaiba ang pangalan na iyon." Seryosong sagot ni Akilla na nakaupo na pala sa tabi ko.
"Ikaw si Loki," hinagod ko ang likod ng babay wolf na kulay itim. "At ikaw naman si Conan." Ipinatong ko ang isa ko pang kamay sa kulay brown na baby wolf. Tila naintindihan naman nila ang sinabi ko at agad silang tumalon at tumahol.
"Tila nagustuhan nila ang pangalang ibinigay mo sa kanila, Ate Riziel!" Pumapalakpak pang sigaw ni Agore."Conan! Loki!" Tawag niya sa pangalan ng dalawa bago tumakbo. Pero si conan lang ang sumunod sa kanya. Dahil kay Akilla lumapit si Loki. Idinikit pa nito ang kanyang mukha sa paa ni Akilla kaya napangiti ako.
"Mukhang sayo gustong makipaglaro ni Loki, Akilla." Sa unang pagkakataon, nakita kong ngumiti si Akilla. Yung ngiting alam mong ngiti ng isang bata dahil sa simpleng bagay. A genuine smile. Yumuko siya at kinarga si Loki bago tumakbo palayo sa akin.
Nasaan na kaya sila Franco?
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago pumasok sa kubo. Nagtingin-tingin ako sa mga gamit ko. Natigil ang atensyon ko sa isang malaking libro ng ibinigay sa akin ni Liangan, ang aklat ng ZincoTriangulo. Kinuha ko iyon at dinala sa labas. Hindi ko pa din nabubuksan ang librong 'to. Si Leo pa lang na Elite mula sa Distrito ng Higashi ang nakakahawak dito.