ZincoTriangulo: Chapter 7

44 5 0
                                    

ZincoTriangulo: Chapter 7

Riziel's POV

They say that saying goodbye is painful, especially when you don't wanna leave and to let go.. Pero mas mahirap pala ang basta na lang umalis at mawala nang hindi manlang nagpapaalam..

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatanaw sa mga nasusunog na kahoy na ginagamit naming panggatong. Nandito kami nila Leo, Liangan at Lerio sa parang pinaka-rooftop ng isang building, ang sabi ni Liangan, ito daw ang Kagawaran ng Kalusugan. Mga isang linggo na rin mula nang makatungtong ako sa ZincoTriangulo at ma-injured ako ng magkalaban sina Leo at Sarmientes. Mabilis lumipas ang mga araw habang nagpapagaling ako dito sa tulong na rin ni Liangan.

Aaminin kong natakot at patuloy akong natatakot para sa sarili kong kaligtasan lalo na't nasaksihan ko kung gaano kalakas si Sarmientes. Kahit si Leo, aminadong hindi niya kayang tapatan ang kakayahan nito pagdating sa labanan kaya napagdesisyonan namin na kailangan niya magpractice ng mabuti at tutulungan naman siya ni Franco. Napagkasunduan din namin na kailangan na naming hanapin ang iba pang mga Elite. Ngayon nga ay huling gabi namin dito sa Silangan at bukas na bukas ay pupunta na kami sa Hilaga. Hinintay lang namin na gumaling yung mga sugat namin at makabawi ako ng lakas bago umalis.

Alam kong hindi naman tamang mag-assume ako ng tuluyan na ako talaga ang babaeng itinakda pero kagaya nga ng paulit-ulit na sinasabi nila Franco, sapat na ang ilang mga unexpected at unexplainable na nangyayari sa akin para matiyak na ako nga ang itinakda. Una, yung mga mata ko. May mga instances kasi na nagbabago ang kulay ng mga mata ko lalo na't nakakaramdam ako ng intense feelings. Pangalawa, yung ability na malaman ang mga nakatago sa alaala ng kung sinuman ang mahawakan ko. At si Risopi, at ang pagtawag niya sa akin ng Aesopia. At baka sakaling makahanap kami ng paraan para makauwi na ako sa amin.

Pero ang talagang reason naman kung bakit ako nagdadrama kanina, namimiss ko na sila Shelly at syempre pati na rin sila Mama. Kahit naman kasi may tampo ako kay Mama nung umalis ako sa bahay, Mama ko parin siya at namimiss ko na rin yung pagbubunganga niya sa akin everytime na magkikita kami sa bahay. Pati yung mga kutos at pambabatok sa akin ni Papa? Pati 'yon, somehow ay namimiss ko na rin. Sa ganoon kasi ako nasanay.

"Riziel, ayos ka lang ba?" napatingin agad ako kay Leo, bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang, may naalala lang ako," tumingala ako sa langit.. Ang daming stars.. Ang ganda.. Para akong nakatanaw sa isang entire galaxy sa sobrang dami at kinang ng mga stars sa langit.

"Riziel, kumusta ka sa mundong pinanggalingan mo? Masaya ba doon?" tanong sa akin ni Liangan.

"Masaya? Oo naman! Marami kasi akong mga kaibigan. Sila yung mga taong kahit problemado ako sa bahay, gagawin nila ang lahat para mapangiti nila ako kahit pa magmukha na silang tanga." mas lalo yatang lumapad ang pagkakangiti ko.

"Ate Riziel, Oh!" padabog pang inabot sa akin ni Lerio ang isang stick ng isda na iniihaw nila ni Leo. Itong batang 'to, mukhang napilitan lang na bigyan ako ahh…

"Thank you!" ngumiti parin ako sa kanya. Natigilan siya at muling tumingin sa akin.

"Tenkyu??"

"Ibig kong sabihin, salamat!"  inumpisahan ko nang kainin yung binigay niyang fish sa akin.

"Ewan ko sa'yo  ̄﹏ ̄ . Baliw.." tinalikuran na niya ako at bumalik na sa kanina pa niyang pwesto.

Patulan ko na kaya 'to?

"Naku, pagpasensyahan mo na, Riziel.. Sadyang hindi siya sanay sa mga kakaibang salitang sinasabi mo."

"Nako, ayos lang 'yon. Ako naman ang nasasanay sa ugali ng kapatid mo. Tsaka ganyan din yung kapatid kong bunso, si Ritchie. Mabait pero mahiyain." ngumiti lang siya sa akin.

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon