ZincoTriangulo: Chapter 5

61 5 0
                                    


ZincoTriangulo: Chapter 5

Riziel's POV

Matapos akong magpakilala sa kay Liangan, tinalikuran ko na siya para makabalik na ako. Hindi man ako sigurado sa paraan na pwede kong gawin para makabalik ako, sinubukan ko pa rin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dahan-dahang pinakiramdaman ang aking paligid. Sinubukan 'kong isipin ang ideya na makabalik pero wala namang nangyari.

Tss --,

Paano ba 'to?

"Hmmmn.. Riziel?" Lumingon ako sa kanya, "May problema ba?"

"ahh.. Wala naman, hehe." napakamot pa ako sa batok ko, "Hindi lang ako makabalik."

"Ha?"

"Juskoo naman, paano ba ako babalik nito?" bulong ko. Kung nandito lang sana si Risopi...

Pumikit ako at sinubukan ulit ang makabalik pero ayaw talaga eh.

T______________T

Stucked up na ba ako dito?

"Bakit hindi ka muna manatili dito habang nag-iisip ka kung paano ka makalalabas?"

"Parang bet ko yang idea mo, Liangan." nakangiti kong sagot.

"Bet? Anong Bet?"

"Hmmnn.. parang gusto. Gusto ko yung ideya na sinabi mo," todo ngiti pa ulit ako na naupo sa isang usli ng bato na kinauupuan niya.

--

"Ikaw pala ang dalagang itinakda,"

"Ah, Oo. Sabi nila," nagkibit-balikat pa ako. "Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako pa,"

"Alam mo, napakaswerte mo." malungkot niyang bulong. Bulong pero sapat para marinig ko.

"Bakit mo namang maswerte ako?"

"Dahil ikaw ang itinakda. Kahit anong gawin mo, nakatakda kang magtagumpay. Hindi katulad ng marami sa mga mamayan ng ZincoTriangulo. Nakatadhana na rin siguro sa amin ang maghirap sa ilalim ng sinumang Elite na mamumuno sa amin,"

"Ganoon na ba kalala ang sitwasyon niyo dito?" Medyo alangan ko pang tanong kahit alam ko naman na ang sagot.

"Minalas lamang siguro kami na mabuhay sa kasalukuyang panahon." mapait pa siyang ngumiti sa akin. "Minsan nga, naiisip ko na rin na baka mas mabuti pa ang mamatay na lamang kaysa ang mabuhay sa magulong mundong ito," Hindi ko nagawang makasagot. "Pero hindi ko kayang iwanan si Lerio. Mahal na mahal ko ang kapatid ko, siya na lang ang mayroon ako matapos mamatay ng aming mga magulang,"

"Ano ba ang ikinamatay ng mga magulang niyo?"

"Kasama sila sa mga namatay sa nagdaang digmaan sa pagitan ng mga Distrito labing-tatlong taon na ang nakararaan," Huminga siya ng malalim. "Limang taon pa lamang ako noon subalit tandang-tanda ko pa kung paano sila sapilitang pinasama sa digmaan." Nagsimula nang magtubig ang kanyang mga mata, "Naiwan sa akin si Lerio, isang taon pa lamang siya noon. Napakabata pa para maulila.."

"Nagkaroon pala ng digmaan dito? Walang nabanggit sila Leo."

"Dahil ipinagbawal ang pag-usapan ang kahit anong may kinalaman sa Digmaan." pinunasan niya ang kanyang mga luha niya. "Sadyang nais ipalimot ng mga Elite ang pagkamatay ng marami naming mga mamamayan..."

"Alam mo ba kung bakit nagkaroon ng digmaan?" Pero umiling lang siya sa akin.

"Masyado pa akong bata ng mga panahong iyon, wala sa isip ko ang mga seryosong usapin sa Distrito, basta ang alam ko, bigla na lang akong nagising sa mga sigawan at iyakan."

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon