ZincoTriangulo: Chapter 8

52 5 1
                                    

ZincoTriangulo: Chapter 8

Riziel's POV

Halos hindi ko magawang humakbang papasok sa kagubatan na sinasabi ni Liangan. Kasalukuyan na kaming nakatayo sa bungad ng kagubatan at pinagmamasdan ang kabuuan nito mula sa kinakatayuan namin.

"Ang laki…" bulong ko, "At ang dilim.." Nakakatakot namang pumasok doon, pwede na bang magback-out?

"Tatlong araw na paglalakad ang kakailanganin bago tayo makalabas sa kagubatang iyan.. Handa na ba kayo?" tanong sa amin ni Franco.

"Oo/Hindi.." sabay naming sagot ni Leo pero siyempre, ako yung hindi pa handa. Lord, three days 'yon!  What if mapahamak kami sa loob? May makakaalam pa ba?

"Magtiwala ka lamang, Riziel. Kami ni Franco ang bahala sa'yo." Napabuntong hining' na lang ako. It seems that we don't really have a choice here..

"Sige. Kaya natin 'to! Go fighting Aja!" Napatingin naman silang dalawa sa akin. "Hehe (*^﹏^*), tara na nga, pasok na tayo!" lumingkis pa ako sa mga braso nila. Sa kanan si Franco at si Leo naman sa kaliwa.

Habang naglalakad kami, unti-unti na akong nagsasawa sa mga nakikita ko. Paulit-ulit na lang eh, puno-halaman, halaman-puno. Wala na bang iba?? Pero mas okay na 'to kaysa naman may makita pa akong malalaking hayop or worst, yung mga tulisan na sinasabi ni Liangan. Idadaan ko na lang sa pagkanta 'to.

"Come on bamonos, Everybody let's go..  come on let's get do it, I know that we can do it!" mahina lang naman yung boses ko. Aba bakit? Hindi naman nila maiintindihan at malalaman kung ano yung sinasabi ko. Tsaka para naman akong si Dora eh, naglalakwatsa, "Where are we going??" Medyo napalakas dahil na-carried away ako. Hahahahaha ^_^)Y

"RIZIEL?? MAAARI BANG TUMAHIMIK KA NA??" sigaw sa akin ni Franco.

Ang KJ lang ╭(╯ε╰)╮ 

Nginusuan ko siya at bumaling kay Leo, "Ang ganda kaya 'nung kanta ko, diba?" Bahagya siyang natawa sa akin.

"Hindi kasi namin maunawaan.. At Riziel, nasa gubat tayo, baka makatawag pansin lamang ang iyong pag-awit."

"Edi hihinaan!" bulong ko, "Come on bamonos, Everybody let's go..  come on let's get do it, I know that we can do it!"

"Tsk! Ang kulit !!" iritable pa niyang pinutol na naman yung pagkanta ko. Basag trip naman 'to eh !

"Bakit ba?? Kumakanta lang eh," tinanggal ko ang pagkaka-kapit ko sa kanya. "Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?" tinaasan niya ako ng kilay. Bwisit 'to! Aahitin ko na yang Kilay mo eh!

"Hmp!" inirapan ko pa siya.

Ang sungit-sungit! Akala mo naman, wala na akong K, as in KARAPATAN na kumanta! Sus, pinaglihi siguro sa kasungitan 'to!

"Wag mo nang pansinin." Bulong sa akin ni Leo. "Sumunod ka na lang sa sinasabi niya," ngumiti pa siya sa akin. Kainis! Ngumingiti pa, eh ang cute cute kaya niya. Para siyang si TJ Marquez kapag nakangiti at walang suot na salamin. "Para sa atin din naman iyon,"

"K.fine," pagpapa-ubaya ko. Again, no choice naman ako π_π. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa nakaramdam na ako ng gutom. "Nagugutom ako, kayo ba??" Abe, wala pa kaming kain mula kanina. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Sige, kumain na muna tayo," huminto kami at umalis sandali si Franco.

"Saan pupunta 'yon?" tanong ko kay Leo after 'kong mailapag ang lahat ng mga gamit ko.

"Baka kukuha ng maaari nating kainin,"

"Hala, lumayo pa? May baon akong Biscuits eh," kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang tatlong SkyFlakes. Baon ko 'to nung last day ko sa school, buti na lang at hindi ko kinain.

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon