RIZIEL'S POV
TAHIMIK AKONG sumunod sa paglalakad ni Franco. Hindi ako sigurado kung saan kami pupunta basta nakasunod lang ako sa kanya. Ewan ko ba, masyado akong naba-bother sa sinabi niyang geum pyo ko daw.
‘Ano ba kasi yung geum pyo?’
“It means Golden Mark,” basag ni Franco sa katahimikan namin. Malapit na talaga akong makumbinsi na mind reader itong si Franco. “I know it bothers you. Its written all over your face.”
“Golden Mark? May ganoon ako?” tanong ko at tinanguan naman niya. “Para saan 'yon?” tanong ko ulit at pilit pang inabot yung likuran ko kaya muntik nang malaglag ang mga paperbags na hawak ko. Pinandigan kasi ni sungit na hindi ako tulungan sa pagdadala ng mga gamit ko. Hinintay ko ang pagsagot niya pero nanahimik na naman siya. “S-saan nga pala tayo pupunta?”
“We need to keep on moving. And besides, you said you need textbooks, right? Hahanapin natin ang Library ng Seonoksaek,” sagot niya.
“Ah…” sagot ko at tumango pa. Inayos ko pa yung black cloak na nakasuot sa akin. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Franco pero inabot niya sa akin 'yon kanina at ang sabi niya, mas mainam daw na may suot kaming ganoon. Good thingg din para hindi masyadong kita yung sandamakmak na dala ko.
“Tch! Akin na nga ang mga 'yan!” iritable pa niyang kinuha sa akin yung mga paperbags.
“S-salamat…” Mahina kong bulong.
Makalipas ang ilang oras naming paglalakad, unti-unti nang nawala ang matataas na puno. Nagliliwanag na rin ang kalangitan dahil papasikat na ang araw. Tapos, nagkakaroon na ng mga kabahayan na gawa sa bato. Yung mga nasunog kanina, parang gawa lang sa mga kahoy, e.
“Franco...” tawag ko sa kanya at kinalabit pa siya. “Nagugutom na ako,” mahina kong reklamo pero tinapunan niya lang ako ng masamang tingin pero bigla namang tumunog ang tiyan niya kaya bahagya akong natawa. “Kain muna tayo?”
Pumikit siya at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago muling dumilat. Hinila niya ako sa isang bench sa gilid ng kalsada at pinaupo ako doon. May kinuha siya sa bag niya at iniabot iyon sa akin.
“Ano 'to?” tanong ko. Nakabalot kasi iyon ng kulay itim ba tela. Sinenyasan niya ako na buksan yung hawak ko kaya iyon nga ang ginawa ko. Matigas na tinapay yung laman 'non kaya napangiti ako. Kumapiraso ako doon at ibinalik ko din sa kanya. “Thank you. Pero… Wala bang panulak?”
“Gusto mo, itulak kita?” galit niyang tanong kaya nginusuan ko siya. “Tch.”
“Ay tanga!” sigaw ko. “Hehe. Nakalimutan ko, may water nga pala ako.” Nakangiti ko namang kinuha sa bag ko yung thumbler ko.
‘Perks of palaging dala ang buong bahay.’
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos kami. Pinagsalin ko din siya ng tubig sa takip ng thumbler ko para makainom din siya. I was waiting for him to thank me pero mukhang hindi iyon uso sa kanya kaya hinayaan ko na lang.
Napagdesisyonan namin na magpahinga ng onti bago magpatuloy sa paglalakad. And when I said, napagdesisyonan, it means I insisted. No choice lang siya dahil ikinawit ko yung paa ko sa binti niya.
“Ang ganda naman dito,” bulong ko habang ina-admire yung paligid. Kahit kasi simple lang yung mga bahay nila, nakakatuwang makakita ng magagandang halaman at bulalak sa bawat bintana. Actually pati itong inuupuan naming bench, gawa sa malalaking ugat tapos may mga bulaklak din sa paligid. “S-si Manang…” bulong ko nang mahagip ng mata ko ang isang babae na nakatayo hindi kalayuan mula sa pwesto namin. “Franco! Si manang!” sigaw ko ulit at saka tumakbo papunta sa direksyon ni manang pero katulad kagabi, ang bilis niyang nawala.