Chapter 18

24 1 0
                                    

Chapter 18

Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa amin. Ngayong nakumpleto ko na ang mga Elite ng apat na Distrito, wala nang atrasan 'to. Ako nga ba talaga ang babaeng itinakda?

"Hindi ba't masyado nang huli upang magduda ka pa?" Naupo siya sa aking tabi at matipid na ngumiti sa akin. "Wala nang atrasan ito, Riziel."

"Franco, paano kung nagkataon lang ang lahat?" Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin, sa ating lahat."

"Magtiwala ka lamang, hinding-hindi ka namin pababayaan." Umakbay siya sa akin at tila napigil ko ang aking pag-hinga. Mabilis ding kumabog ang aking puso sa loob ng aking dibdib.

"Ate Riziel!" Mabilis akong kumawala sa pagkaka-akbay ni Franco at agad na nilingon si Agore. "Nagkakamalay na siya." Dagdag pa niya.

'Becca.'

"N-nasaan ako? S-sino kayo?" Nababakas sa kanyang boses ang takot. "Hinahabol nila ako! Gusto nila akong patayin!"

"Hey! Relax ka lang!" Awat ko sa kanya habang pilit na hinuhuli ang magkabila niyang balikat. "Ligtas ka na. Ako si Riziel. Mga kaibigan kami. Hindi ka namin sasaktan."

"Paano ako nakasisiguro? Paano kung mga tauhan kayo ng aking ama?" Ngiti lamang ang aking isinagot sa kanya bago ko siya yakapin. Sa una ay tinangka pa niyang tumanggi subalit sa huli'y nagpayakap din naman siya.

"Alam ko, hindi naging maganda ang karanasan mo, Becca-"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Oo nga, Riziel? Paano mo nalaman ang kanyang pangalan? Gayong ngayon lamang siya nagkamalay." Nagtataka din namang tanong ni Leo.

"'Wag ninyong kalimutan na may kakaibang kakayanan si Riziel." ani Franco kaya naman shut up na silang lahat.

"S-sino ba talaga kayo?" Tanong ulit ni Becca sa amin kaya naman tinignan ko si Franco.

'Ayos lang ba na sabihin natin kaagad ang totoo? Hindi kaya siya mabibigla?'

"Ikaw ang bahalang magdesisyon, Riziel." sagot naman niya. "Ang mabuti pa'y iwanan na muna natin siya," paalam pa niya bago ayaing lumabas na muna ng kweba yung ibang boys.

"Sa labas na muna kami, ha? Kung may kailngan ka, tawagin mo lang kami," ngumiti ako sa kanya. She needs some rest. Mabilis na gumaling ang mga sugat niya pero hindi ang mga masamang karanasan niya.

"Sandali lang..." bulong niya kaya huminto ako sa paglalakad. "s-salamat,"

"You're welcome, ibig kong sabihin... walang anuman," Ngumiti pa ako sa kanya bago siya tuluyang iniwanan. Lumapit ako sa kambal na abala sa makikipaglaro kina Loki at Conan. "Ang laki na nila kaagad, no?" puna ko pa sa dalawa naming alaga.

"Kaya nga, e." nakangiting sagot sa akin ni Agore. Si Akilla naman ay umismid sa akin bago buhatin si Loki papalayo, may sumpong na naman siguro. "Ate Riziel, doon ba sa mundong kinalakihan mo, masaya o magulo din katulad dito?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin kay Conan.

Sandali akong nag-isip para i-consruct ng maayos ang sasabihin ko, "Pareho, e. Alam mo Agore, hindi porket magulo ay hindi na rin masaya. Katulad nang hindi porket sinabing masaya, wala nang gulo."

"E, bakit dito sa ZincoTriangulo? Puro kaguluhan na lang?" nakalabi ulit niyang tanong. "Alam mo, ate Riziel? Siguro kung wala si Akilla, baka ang lungkot ko. May kapatid ka din ba?"

"Ako? Oo, pero hindi ako close sa kanila, e." Pinagdikit ko muna ang dalawa kong pointing finger bago iyon paghiwalayin.

"Ah! Ibig mong sabihin, malayo sila sayo? Bakit nasa ibang lugar ba sila?" inosente niyang tanong kaya napangiti ako.

"Hindi. Ganito kasi 'yon, magkakasama naman kami sa isang bahay pero malayo yung loob nila sa akin," paliwanag ko pa. Masakit man, pero iyon naman ang totoo, diba? "Kaya alam mo, maswerte ka kasi close kayo ni Akilla."

"Alam ko," Tumango pa siya bago habulin si Conan na bigla na lang tumakbo papunta sa pwesto nila Akilla at Loki.

"Paano kung hindi mo sila tunay na pamilya?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Franco sa likod ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Nakakapagtaka lang kasi yung tanong niya.

"Hindi mo ba naiisip na baka ang ZincoTriangulo talaga ang mundo mo?" seryoso niyang tanong.

"Imposible naman 'yon, Franco." sagot ko. "Kahit naman cold ang treatment ng family ko sa'kin, alam kong mahal nila ako," Muli akong ngumiti para itago ang pinong kirot sa puso ko. "Iyon ang mundo ko. Nagkataon lang siguro na kailangan ako ng ZincoTriangulo,"

"Siguro nga," mahina niyang bulong. Himala at nagkaunawaan kami. Naiisip ko nga na malapit ko na silang maimpluwensyahan sa pananalita, e. Which is pabor sa'kin diba? Struggle is real pa naman kapag may language barrier. "Kumusta na si Becca?"

"Ewan. Nagdududa siya sa atin, e." sagot ko. "Hindi ko naman siya masisisi, may trust issues siya kasi palagi na lang siyang nasasaktan noon. Marami nang nanakit sa kanya,"

"Kailangan mo'ng makuha ang tiwala niya." matipid niyang bulong. Tumango na lang ako bilang sagot bago tumingala sa langit. Madilim na ang paligid dahil kalulubog pa lang ng araw.

"Woah! Snow flakes!" Itinaas ko ang kamay ko para saluhin ang nalalaglag na snow flakes. "Ang ganda, o!" Ipinakita ko pa kay Franco ang hawak ko. Ngumiti pa siya. Madalang niyang gawin 'yon kaya parang ang gaan sa pakiramdam na makita siyang ngumiti, especially na ako yung gumawa ng paraan. "Walang ganito sa amin. Tropical country kasi ang Pilipinas, kaya walang snow."

"Riziel!! Dali, ang ganda ng kalangitan!!" sigaw ni Leo kaya mabilis akong tumakbo sa pwesto niya.

"Woah!! Ang ganda!!" bulalas ko.

Ito yata yung tinatawag na Aurora Borealis! Basta! Yung parang may nagsasayawang mga ilaw sa buong kalangitan.

"Ang ganda talaga!" Itinaas ko pa ang aking kamay na parang sinusubukan iyong abutin pero laking gulat ko nang tila sumusunod sa paggalaw ng kamay ko ang liwanag.

Sinubukan kong ikumpas ang aking kamay at hindi nga ako nagkamali! Parang may magnet sa kamay ko na nag-aattract sa liwanag para sumunod ito sa'kin.

"Ang galing!!" Tuwang-tuwa pang tumalon si Agore. "Ang mata mo, ate Riziel!"

Napakurap ako.

"Bakit? Anong meron sa mata ko?" Nagtataka kong tanong.

"Ngayon lang nila nakitang magkulay ginto ang mata mo," nakangiting sagot sa akin ni Leo.

"Ate Riziel..." Napagitla pa ako nang biglang nagsalita si Akilla. "May isang importanteng bagay kaming ibigay sayo ni Agore,"

"Huh? Ano 'yon?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Pero imbis na sumagot, nagtinginan lang ang kambal bago sabay na lumuhod sa aking harapan.

"Kami sina Akilla at Agore. Elite mula sa distrito ng Minami. Hinirang ng Pulang Dragon upang maglingkod sa aming distrito at sa nag-iisang babae sa propesiya. Tanggapin mo ang aming katapatan," sabay nilang panunumpa.  Napangiti ako sa sinabi nila at  sabay silang yinakap. Kasunod ang pagkalat ng liwanag na naipon sa tapat namin ay ang paggapang ng pulang ilaw mula sa kanilang mga braso papunta sa akin.

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon