Walang ibang umiimik aming lahat. Maging sina Conan at Loki ay tila nakikipagsabayan sa aming katahimikan. Tila wala pa rin sa amin ang nakakabawi mula nang matagpuan namin ang babaeng nakahiga sa harapan naming lahat. She looks so pale. Her body was soaked with her own blood. Ako ang ninenerbyos sa itsura niya. Pakiramdam ko ba, hindi na magtatagal ang babaeng ito. Napakarami nang dugo ang nawala sa kanyang katawan. Ano kayang nangyari sa kanya?
"Nakahahabag ang kanyang kalagayan." Bulong ni Leo kaya nabaling sa kanya ang aking atensyon.
"Wala ka bang pwedeng gawin? Baka naman may halamang gamot na pwedeng ipainom o ipahid man lang sa mga sugat niya." Nag-aalala kong tanong.
"Nais ko mang tulungan siya, ngunit wala akong kakayahan, Riziel." Malungkot naman niyang sagot.
"Ate Riziel, sa aking palagay kailangan na niyang madala sa pagamutan. Mabigat na ang kanyang paghinga tanda na hindi na makabubuti kung mananatili pa siya dito at hindi kaagad malulunasan." Mahabang explanation ni Agore.
"Tama si Agore," pagsang-ayon naman ni Akilla na kanina hindi inaalis ang tingin sa dalagang kanina pa nahihimbing sa pagtulog. "Habang tumatagal ay mas magiging malala pa ang kanyang kalagayan."
Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. Tama sila. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Namin?
"Okay lang ba if lumabas muna kayo lahat? Ano kasi eh, lilinisan ko muna siya at papalitan ng damit."
"Ano? Nais mong manatili kami sa labas? Alam mo ba kung gaano kalamig doon?" Iritableng sagot sa akin ni Franco.
"Eh anong gusto mo? Linisan at bihisan ko siya sa harap niyo?" Taas kilay ko namang sagot sa kanya.
"Tss!" Umismid pa siya bago padabog na lumabas ng kweba. Wala naman nang nagawa sina Leo kung hindi ang lumabas din. Alam ko namang sobrang lamig sa labas, pero hello? Babae kaya itong aasikasuhin ko!
Nang tuluyan na silang makalabas. Inumpisahan ko nang linisin ang kanyang katawan gamit ang malamig na tubig na tumatagas sa isang bahagi ng kweba. Halos mamanhid ang aking mga kamay sa sobrang lamig ng tubig. Pero kailangan kong tiisin. Marahan ko siyang pinupunasan nang mapadako ang aking tingin sa kanyang kaliwang braso. Isang pamilyar na simbolo ang nakatatak doon. Hindi kaya?
Humugot ako ng malalim na paghinga bago unti-unting inilalapit ang aking kamay sa kanyang braso. Habang paliit nang paliit ang distansya ng aking kamay sa kanya, ramdam na ramdam ko ang paglamig ng paligid. Kakaiba ang lamig ng hangin na dumadampi mula aking katawan at nang tuluyan kong nahawakan ang kayang ginintuang batuk ilang saglit na tila tumigil ang paligid. Tila nabalot sa malamig na yelo ang buo kong katawan, ngunit nakapagtataka dahil sa halip na makaramdam ng takot, tila natutuwa ako sa lamig. I feel so at ease with the coldness that's embracing me. Yung lamig na very comforting na para bang somehow nakakalunod. Ang hirap iexplain!
~~
Isang may edad nang lalaki ang nakaupo sa kabisera ng isang masaganang hapagkainan.
"Ikaw ang Elite? Isang babae? Pwe!""Ama, totoo ang aking tinuran. Lumabas na sa akin ang makasaysayang gintong batuk! Kaya't hindi mo na ako maaaring ipagbili!"
"Ha! Sinasabi ko na nga ba! Ang kalakalan na naman ang patutunguhan ng ating pag-uusap. Becca, isa kang babae at ang babae ay pag-aari ng mga lalaki. Imposible na maging isa kang Elite!" May pangungutya pa sa kanyang tinig. "Tapos na ang ating pag-uusap. Nakapagbayad na ang pangkat nila Oleyé at bukas na bukas ay kukunin ka na nila."
"Ama! Ako ang iyong nag-iisang anak, paano mo naaatim na ako'y ipagbili na lamang sa iyong mga kakilala?"
"Ano ang iyong inaasahan? Ikaw ay aking sambahin? Alam mo ang iyong sitwasyon Becca, isa kang babae! Kung bakit ka pa kasi naging babae? Imbis na mayroon akong anak na maaaring sumali sa hukbo ng mandirigma na magtatanggol sa lupain ng Nashi!"
Mababakas sa maganda at maamong mukha ng dalaga ang labis na sakit habang pilit niyang pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
'Hindi na maaari ang ganitong sistema'
~~
Nagising ako nang may parang bumabasa sa magkabilang pisngi ko.
"Nagkakamalay na siya." Hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang nagsalita. Pakiramdam ko kasi, parang nag-eecho yung boses niya.
Bumangon ako at agad na hinanap ang babaeng kanina lang ay napanaginipan ko. Nahihimbing pa rin siya sa pagtulog subalit naghilom na ang kanyang mga sugat sa buong katawan. Nang mag-angat ako ng tingin, nagtapo ang paningin namin ni Franco.
'Binabati kita.' Yumuko siya na tila nagbibigay paggalang sa akin. 'Nahanap mo na ang mga Elite ng ZincoTriangulo.' Nang muli siyang nag-angat ng kanyang ulo, sa mabilis na segundo, biglang nagkulay gray ang kanyang mga mata.
And I was like, okay. Kumpleto na sila. Then, what now?