ZincoTriangulo: Chapter 6

51 5 0
                                    

ZincoTriangulo: Chapter 6

Riziel's POV

Nagkatinginan kaming tatlo at parang gusto ko yatang lumubog sa kinakatayuan ko dahil mukhang galit sila sa akin. Ang sama ng tingin nila sa akin! Parang gusto nang sumigaw ni Franco sa sobrang gigil niya sa akin.

"KAYO! Anong ginagawa niyo dito?!" paninita sa amin ng isang lalaki na mala-bouncer ang laki ng katawan. Kasunod naman niya ang mga nasa sampu pang mga lalaki na hindi man niya kasing laki, di hamak naman na mas malaki parin sa amin.. Siniko ko sina Franco at Leo pero umiling lang sila sa akin.

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang magsasalita." Bulong sa akin ni Franco. " Naiintindihan mo ba?" tumango na lang ako. Wala naman akong choice.

"Ikaw? Sino ka?" matapang niyang tanong kay Franco.

"Ako si Rideo," Ano daw?? Rideo?

"Ikaw?" ako naman ang binalingan niya.

"A--"

"Siya si Ariza." Sino naman si Ariza?? Pinandilatan ko siya. "Paumanhin, subalit hindi siya marunong magsalita,"

"Ikaw? Sino ka naman?"

"Ako si Lerio.."

"Hmmn. Kunin niyo ang kanilang mga pagkakakilanlan. " narinig kong utos niya sa mga lalaki sa likuran niya. "Ano ang inyong mga tangan na kagamitan?"

"Mga pananim at kahoy," sagot naman ni Leo. "Mula kami sa dulong bahagi ng Distrito. Narito kami upang mag-alay ng aming mga pananim sa ating ginagalang na Elite.."

"Mabuti naman at marunong magkusa ang mga magsasaka sa inyong lugar. Ang inyong mga pagkakakilanlan,"

Nakita ko naman sina Leo at Franco na inilabas yung mga parang ID nila. At ngayon ko lang naalala na kinuha ko nga pala yung ganun ng nanay ni Leo. So, Ariza pala ang pangalang niya. Kinuha ko din yung 'ID' ni Aling Ariza at iniabot iyon sa mga lalaki.

"Kailangan niyo paring sumama sa amin. Dahil may banta sa buhay ng Pinunong Sarmientes. Dalin niyo na sila.." napatingin ako kay Franco na parang relax na relax lang. Si Leo naman, napakaseryoso! Tumango sila sa akin kaya hindi na ako kumibo at sunod na nga sa kanila.

"Maaari ba naming malaman kung saan ninyo kami dadalhin?" si Franco.

"Sa Pinuno. Tanging siya ang nakakikilala sa taong may nais na siya'y masaktan. Hindi ba't nais niyo rin naman siyang makita?"

Tahimik lang ako sa paglalakad at gayon din naman si Leo. Si Franco naman, minsan magtatanong ng kung anu-anong bagay hangga sa makarating kami sa isang malaking bahay na pinapaligiran ng napakaraming mga lalaki.

"Pumasok na kayo." Utos pa niya sa aming tatlo. Pinapasok niya kami sa loob ng isang parang malaking kwarto pero wala namang kalaman-laman maliban sa isang malaking upuan na nakalagay sa bandang harapan. "Huwag kayong magtatangkang gumawa ng kahit anong masama."

"Heneral Aluro! May pag-atakeng naganap sa pangkat ni Delim!" Agad nagdilim ang paningin niya at binalingan kami.

"Kayo na ang bahalang mag-bigay niyan sa ating Elite, si Gerio na ang bahala sa inyo." agad niya kaming iniwan kasama nung Gerio ba yun?

"Sumunod kayo sa akin," diretso lang ang kanyang tingin sa amin.

Nagkatinginan naman sila Franco at Leo at nakaramdam ako ng kaba ng sabay silang ngumiti.

--

A's POV

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nila Franco at Leo na naging hudyat upang tanggalin ni Leo ang majikang kanyang inilagay sa kanilang mga sandata. Ang kanina lamang na mga pananim at punong kahoy ay nawalan ng tila mga baluti at lumabas ang Pana at palaso ni Franco at ang mga maliliit na patalim ni Leo. Hindi pa mandin nakakabawi sa pagkagulat. Agad na inatake ni Franco si Gerio at agad itong nawalan ng malay.

ZincoTrianguloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon