Chapter 11
Riziel's POV
"Riziel? Ayos ka lang?" Ngumiti sa akin si Leo kaya tumango ako. "Ipag-paumanhin mo nga pala ang ginawa namin kanina. Hindi ko intensyon na pasamain ang iying kalooban,"
"W-wala na iyon." Ibinalik ko ang aking tingin sa pinupwestuhang puno ni Franco. Mukhang napikon na talaga siya sa akin kanina. "Malayo pa ba tayo sa inyo?" Tanong ko kay Kalirgo na mukhang naghahanda na sa paglalakad ulit.
"Hindi tayo maaaring maglakad hangga't hindi pa kumakagat ang dilim."
"Bakit?"
"Dahil maaaring may makasunod sa ating mga bakas. Hindi magiging ligtas kung muli tayong masusundan ng ating mga kalaban."
"Ah." Tumango na lang ako. Mukhang wala naman akong magagawa. Napapagod na din kasi ako at parang gusto ko nang matulog muna. Hihintayin pa naman pala namin ang pag-lubog ng araw, edi matutulog muna ako.
Kinuha ko sa bag ko ang isang mahabang tela at inilatag iyon sa lupa.
"Agore, Akilla!" Sabay silang tumangin sa akin kaya isinenyas ko na tabihan nila ako sa pagtulog pero si Agore lang ang lumapit sa akin dahil inismiran lang ako ni Akilla.
"Ikaw na lamang, Ate Riziel." Ngumiti siya sa akin. "Babantayan ka na lang namin,"
"Sige.." Hindi na ako namilit. Ayaw daw nila eh. Nahiga na nga ako at sinubukang matulog tutal kanina pa ako inaantok.
--
Franco's POV (I know, first time magkakaroon ng POV ng ibang Character. Hahaha :D wala lang, trip ko lang.)
Napaka-bilis nila kaming nasundan.
Tila totoo ang aking hinala na mayroong lihim na ugnayan ang mga pinuno ng mga Distrito.Tss! Ang Sarmientes na iyon! Kung hindi lamang mali na makialam sa gulo ng Silangang Distrito, ako na mismo ang papatay sa matandang iyon. Pasalamat siya dahil kailangang si Leo ang siyang makatalo sa kanya para sa dalawang mahalagang bagay. Una ay upang maipag-higanti ni Leo ang pagkamatay ng kanyang ina. At pangalawa, kailangang siya mismo ang makapag-alis ng natitirang kapangyarihan kay Sarmientes. Iyon lamang ang natatanging paraan upang lubusan at ganap na siyang maging isang Elite na mamumuno sa kanilang Distrito.
'Risopi..' Ipinikit ko ang aking mga mata at nakinig sa kanilang pag-uusapan. Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon akong taglay na kapangyarihan. Kapangyarihang marinig ang sinasabi ng isip at puso ng isang tao.
'Binabati kiya, Aesopia. Malapit nang makumpleto ang mga ELITE na makatutulong upang maisakatuparan ang Propesiya.'
'Risopi.. May kasiguraduhan bang makaka-uwi ako sa amin? Makakabalik pa ba ako sa mundo namin?'
'Patawad, Aesopia.. Ngunit hindi ko nababatid ang kasagutan sa iyong tanong.. Isa lamang akong tagapaglingkod at walang nalalaman sa hinaharap'
'Ganun ba?' Nababakas ko sa kanyang tinig ang labis na pagkasabik na maka-uwi sa kanyang mundong kinalakihan..
Hindi talaga tama na doon siya dinala ng aking Ina. Malaking pagkakamali.
