ZincoTriangulo: Chapter 9
Riziel's POV
Paano namin sasabin ang totoo at paano sila maniniwala sa amin??
"Tsk." napatingala ulit ako kay Franco. Mukhang hirap na hirap na siya sa kalagayan niya. Hanggang ngayon kasi nakasabit pa rin siya pabaliktad mula sa puno.
"Ano nga ang iyong pakay sa Elite ng aming Distrito?" napatingin ako kay Akilla.
"Kasi.. Ahh..." napa-lip bite na lang ako. "Franco, ikaw na nga ang magpaliwanag sa kanila!"
"Bakit ako? Hindi mo paba nakikita na sa ating lahat, ako ang may pinakamahirap na sitwasyon?"
"Aist! Leo?"
"Ganito kasi yan, si Riziel kasi ang dalagang itinakda.."
"Pffft.. HAHAHAHAHAHA HAHAHAHA," nagulat pa ako ng biglang inihit ng kakatawa sa Akilla. Ang cute nyaaa!! Mas lumabas yung cuteness niya kapag tumatawa siya. Kaya lang...
BAKIT SIYA TUMATAWA!???
Totoo naman eh!!
T_____________T
"Ikaw ha, Kuya Leo, palabiro ka pala! HAHAHAHAHA HAHAHAHA!!" Hinampas pa ni Agore ang balikat ni Leo. Lumingon sa akin si Leo na para bang wala na siyang magagawa kung ayaw nilang maniwala.
"Totoo kaya yon!!" sigaw ko at mas lalong inihit ng katatawa yung dalawang bata. Mahusay (・へ・) "Agore, Akilla, seryoso kami. Ako ang dalagang itinakda. Si Leo? siya ang Elite ng Silangan.."
(⊙o⊙) ? (⊙o⊙)?
"E-elite!?" sabay pa nilang sigaw. Tumango naman kami pareho ni Leo.
"Leo, pakitaan mo nga ng superpowers mo," pagmamayabang ko pa. Ngumiti sa akin si Leo bago pumikit at nagpalabas ng isang pulang rosas sa kanyang kamay.
"Ang galing!!!" pumalakpak pa si Agore sa sobrang pagka-amazed habang nakatulala lang si Akilla.
"Ano? Naniniwala na kayo?"
"Na isa siyang Elite? Oo. Pero ikaw, bilang ang dalagang itinakda? Hindi." sagot sa akin ni Akilla na nagsusungit na naman, Sus, parang si Franco lang!
Napakamot ako sa batok ko.
Ano pa ba ang dapat kong gawin??"Bakit ba ayaw ninyong maniwala!??" napasigaw na ako sa inis.
"Dahil kalokohan lang ang propesiya!" si Akilla.
"At ano naman ang nalalaman ng mga batang katulad niyo ukol sa propesiya?" singit ni Franco sa usapan kaya napatingala kaming lahat sa kanya.
"Wala kayong sapat na katibayan," si Agore na biglang naging seryoso ang mukha.
"Riziel, ipakita mo ang iyong, Gintong Batuk,"
Oo nga 'noh!!?? Pero, paano niya nalaman yung tungkol 'don? Bahala na nga!
Humarap ako sa dalawang bata at medyo inilihis ang damit ko, medyo lang naman, haler, puro boys kaya ang kasama ko dito 'noh! Yung tama lang para makita nila yung tattoo ko.
"Kita nyo na, pareho kami ni Leo. Isa lang sa bawat henerasyon ang may ganito pero dahil nga sa ako ang dalagang itinakda, may ganito din ako!"
"Hindi sapat." si Akilla, ang kulit ng batang 'to! Nauubusan na ako ng isasagot sa kanya. Hawakan ko kaya ang kamay nito nang magka-alaman na?
"Huwag mong tangkain, Riziel.." napatingala ako kay Franco. Mind reader ba ang unggoy na 'to??
"Tss." Inirapan ko na lang siya. Hindi bale sana kung tumutulong siya, diba??