Chapter 12
Riziel's POV
Ilang oras na mula nang iwanan ako nila Franco at Leo dito sa kubo ng mga batang may sakit. Nakakaramdam ako ng awa sa mga batang nandito. Wala silang ibang kasama dito kung hindi ang isa't-isa.
Ang tagal naman nila. Tumayo ako at sandali pang pinagmasdan ang mga bata bago lumabas. Madilim ang paligid pero nakakapagtakang nagagawa ko pa rin na makakita ng malinaw.
"Ate Riziel? Saan ka tutungo?" Narinig ko ang boses ni Akilla kaya lumingon ako sa kanya.
"Masyado na kasing matagal mula nung umalis sila Franco, nag-aalala lang ako sa kanila."
"Hindi sila basta-bastang mapapahamak. Huwag mo na silang alalahanin." Sa unang pagkakataon, nakita ko rin na ngumiti siya sa akin. "Tapos na kaming maghanda ng maaaring kainin ng mga may sakit. Si Kalirgo na ang bahala sa kanila kaya't maaari ka nang magpahinga."
Pahinga na naman? Hayst. Wala na akong ibang ginawa kundi ang magpahinga o kaya naman ay manuod habang nakikipaglaban sila.
"Ayos lang ako. Magpapahangin na lang muna ako dito sa labas."
"Ikaw ang bahala. Subali huwag na huwag kang lalagpas sa bahahing iyon ng kagubatan." Itinuro pa niya yung part na may pulang tali. "Mapanganib doon."
"Sige, salamat Akilla." Tumango lang siya sa akin. Napaka-matured niyang bata. Being a 10-year old boy. Masyado siyang seryoso sa buhay unlike Agore na halatang na-eenjoy ang pagiging bata.
Anyways, medyo malamok pala dito sa labas. Makapasok na nga, baka ma-dengue pa ako dito.
Teka?
Dengue ??
Tama! Baka na dengue ang mga bata dito!
May tinatago din pala akong talino sa katawan, I mean sa utak!
Kailangang malaman nila Franco ang nalaman ko!
Nasaan na yung dalawang 'yon?
--
Leo's POV
"Franco, nakasisiguro ka bang may makukuha tayong lunas dito?" Tanong ko kay Franco na hindi inaalis ang pagkakatingin niya sa malaking gusali na nasa harapan namin. Kasalukuyan kaming nagtatago sa itaas ng puno upang makapag-masid.
"Kung tunay na may epidemya, imposibleng sa parteng iyon lamang ng Hilagang distrito kumalat ang sakit. Ibig sabihin, maaring mayroon ding mga taong naapektuhan ng sakit mula dito sa kabisera." Sagot niya. Kailangan naming maghanap ng lunas para sa mga bata mula sa kumunidad nila Kalirgo. At dito nga niya naisipang pumunta. Sa mismong kagawaran ng kalusugan.
"Paano tayong makakapasok ka loob?"
"Isang kang Elite, hindi ba? Bakit hindi natin subukan ang iyong kakayahan?" Pilyong ngiti ang isinagot ko sa kanya. Nais ko ring makita kung ano nga ba ang tunay na kakayahan ni Franco.
--
A's POV"Simulan na natin?" Nagtanguan lamang ang dalawang binata bago iniangat ni Leo ang kanyang kanang kamay. Sa isang iglap lamang ay nagkulay dilaw ang kanyang mga mata sinyales na maaari na niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan. Tinignan niya si Franco na nakangiti lamang sa kaniya.
"Huwag kang madaya, Franco." Bulong niya. Naiiling namang ngumiti sa kanya si Franco bago ito yumuko at bigla na lamang itong nabalutan ng kakaibang kulay. Tila itim iyon na may bahid ng pilak at nang nag-angat na ng tingin ang Binata ay kitang-kita ni Leo ang kulay pilak nitong mga mata. "Kay ganda ng iyong mga mata, Franco."