"The world is full of surprises.
What you see by your eyes and hear by your ears might not be enough to know what the world might bring you."--
Riziel's POV
PINIGILAN KO ang aking sarili na humikab kahit antok na antok pa din ako dahil nasa harapan ako ng hapagkainan. Idagdag pa na kasabay ko ang mga magulang ko sa pagkain at ayoko naman na pagmulan na naman ito ng unli-sermon galing sa kanila.
"Hoy, Riziel! Aba't paspasan mo ang pagkain!" Singhal ni mama at malakas pang tinapik ang balikat ko. Napangiwi ako nang dahil sa sakit pero mas pinili ko na lang na huwag kumibo. "Baka ma-late ka na naman sa school!" iritable pa niyang sermon sa akin.
Sinilip ko ang orasan sa dining area, 5:00 am pa lang pero minamadali na ako ni mama sa pag-gayak kahit 8am pa ang pasok ko. Ayaw na ayaw kasi ni mama na nag-uunahan kami nila ate sa banyo.
"Opo, ma. Sandali lang po. Ubusin ko lang po yung pagkain ko," sagot ko at binilisan na nga ang pagsubo. Hindi ko na magawang i-enjoy ang pagkain ko. Halos wala na akong malasahan at ilang beses na rin akong muntikang mabulunan nang dahil sa pagmamadali ko.
"Cellphone pa more kasi. Panay ka na naman siguro facebook ano? Sino na naman ang ka-chat mo?!" sita sa akin ni mama at kahit hindi ako nakatingin, nasisiguro ko na kanina pa niya ako tinatapunan ng masamang tingin.
"Wala po, ma. May tinatapos po kasi akong thesis kaya late na akong nakatulog kagabi," mahinahon kong paliwanag. "Kahit po itanong niyo kay ate."
Sa sobrang abala ko sa academics ko, wala akong time para magbabad pa sa social media.
"Sumasagot ka pa!" singit ni papa sa usapan namin at malakas pa akong binatukan gamit ang kutsarang hawak niya. "Idadamay mo pa ang ate mo. Ayusin mo lang, Rizeil. Halos makuba ako sa pagtatrabaho para igapang ang pag-aaral mo. Ayokong malalaman na hindi ka nag-aaral na mabuti. Baka nakakalimutan mo, bumaba ang average mo last grading." Mahaba pa niyang litanya habang patuloy lang sa pagkain.
As much as possible, ayoko na sanang intindihin yung sinasabi niya pero alam ko naman kasi na inis na inis pa rin siya sa akin dahil nga sa bumaba ng 0.25 ang general average ko noong nakaraang grading period. It was 0.25 point only. Imagine, 0.25 point lang pero galit na galit na siya at palagi niyang sinasabi na nagpapabaya daw ako. Kung tutuusin, madali lang naman sa akin na makuha o higitan ang 0.25 na 'yon kung pinayagan lang sana nila ako na mag-participate sa isang school competition. Nagkataon kasi na sa labas ng school namin ang venue ng contest and knowing my parents, hindi talaga nila ako pinayagan. Iniisip kasi nila na nagdadahilan lang ako.
"Wag ka nang tumunganga, Riziel! Tanghali na!" sigaw ulit ni mama sa tapat mismo ng tainga ko kaya nakayuko akong tumayo bitbit ang pinagkainan ko. Nagmamadali ko na rin iyong hinugasan kahit na halos wala pa akong marinig nang maayos dahil nabingaw yata ako sa boses ni mama. Pabor din naman sa akin at least hindi ko na naririnig yung sermon niya.
Nang matapos ako sa lababo, mabilis na akong bumalik sa kwarto namin para maligo at gumayak na para sa pagpasok.
Fourth year high school na ako at yung thesis na pinagpuyatan ko, para yun sa pagiging honor ko. Ganun kasi sa school na pinapasukan ko. Dapat makapagdefense ka muna ng thesis bago ma-credit sayo lahat ng achievements at high grades na mayroon ka. Parang requirements, ganun. Running for valedictorian kasi ako, pero yun nga lang, sa kabila ng pagpupursigi ko sa pag-aaral, parang hindi pa din yun sapat para maging proud sa akin sila Mama at Papa. Kulang pa 'yon para maapreciate nila ako.
Sabagay, sanay naman na ako. Sa totoo lang, iba talaga ang pakitungo sa akin nila Mama at Papa kumpara sa ibang kapatid ko. Habang lumalaki ako ramdam ko na parang ang bigat at mainit ang dugo nila sa akin. Hindi naman nila ako minamaltrato o sinasaktan, binibigay din nila halos lahat ng pangangailangan ko. Pero yung isang bagay na gusto kong makuha sa kanila, hindi nila magawang ibigay sa akin.