Riziel's POV
Hindi ko na mabilang kung nakaka-ilang tasa na ako ng kape pero tila wala na iyong epekto sa sistema ko. Suno-sunod na ang paghikab ko at kanina pa din bumabagsak ang talukap ng mata ko. Gustuhin ko mang matulog, hindi ko magawa dahil nakakahiya na naman sa dalawang kasama ko na kanina ba busy sa pagbabasa.
Dinala kasi kami ni Leo isa pang bahay na puro libro. Akala ko nga nung una, nasa library kami pero ang sabi naman ni Leo, private na tambayan daw niya ito. Dito siya madalas na magpalipas ng oras lalo na't ayaw niya sa Library. Marami daw kasing mayabang na scholar 'don.
“Riziel, maaari ka namang magpahinga.” Nakangiti pang tinapik ni Leo ang balikat ko pero mabilis akong umiling.
“Okay lang. Kaya ko pa naman,” sagot ko kahit sa totoo lang, napakarami ko nang nabasa pero kaonti lang ang naintindihan ko. Marami kasi akong unfamiliar words na na-encounter at kahit anong try ko na unawain, wala talaga akong maintindihan.
“Matulog ka na, Rziel.” Utos ni Franco habang nasa libro ang tingin.
“Gusto ko pa kayong samahan dito,” sagot ko at kinuha ko pa yung isang libro at nagsimula na ulitmagbasa. Wala namang mga kakaiba. Halos puro patungkol lang sa mga Taga-Silangan ang makikita sa mga libro dito. Mga listahan ng mga Unang nahirang na Elite sa kasaysayan at achievements nila. "Wala akong makitang Clue!" Pagrereklamo ko sabay taas ng binabasa kong libro. Sakto namang may nahulog na piraso ng papel mula doon kaya agad ko iyong pinulot. May drawing iyon ng isang babae na may makulay na damit habang nakatayo sa parang itaas ng burol pero nakaangat siya sa lupa, tapos sa likod ng babae, may apat na hayop.
Leon
Agila
Tupa
Buwitre
“These are…” bulong ko. “The four guardians.”
“Ang alin?” tanong ni Leo kaya ipinakita ko sa kanya yung papel. “Aesopia.”
“Huh?”
“Ito o? Nakasulat sa ibaba. Aesopia.” sagot niya at tinuro pa sa akin yung naka-hangul na salita sa ibaba ng picture.
‘애서피야’
‘Aesopia? Pamilyar sa akin yung term na 'yon.’
“A-anong alam mo tungkol sa mga Aesopia?” tanong ko. Maging si Franco ay napatingin kay Leo na para bang hinihintay din niya ang isasagot nito.
“Ang alam ko, iyon ang traditional name para sa mga royalties dito sa ZincoTriangulo. Sila ay ang orihinal na tagapangalaga dito. Sila rin ang sinasabing tunay na pinaglilingkuran ng apat na guardians.”
“Nasaan na sila ngayon?” tanong ko.
“They don't exist, Rizeil. According to the books, mythical creations lang sila na ginawa ng mga tao.” sagot ni Leo bago muling tumingin sa picture. “Pero alam mo ba, na base sa prophecy, isang dugong maharlika ang Chosen One. Isa marahil iyon sa dahilan kung bakit sinasabi nila na hindi totoo ang prophecy kasi wala namang makakapagpatunay na totoo ang mga Aesopia.”
“Franco, bakit hindi mo nasabi sa akin ang tungkol sa part na 'yon?” Baling ko kay Franco na seryoso lang na nakatingin sa kawalan. “Wuy? Ano 'yon? Magka-iba yung alam niyo?”
“I only know a small part of the prophecy,” sagot niya kaya naalala ko bigla na iyon nga pala ang sinabi niya sa akin. “We don't really talk about that in Namgeomjeong.”
“So, pwedeng connected yung mga alam niyo? I mean, what if nahati yung prophecy in few parts? And each part is distributed to the districts?”
“That's a possibility,” tumatangong sagot ni Leo. “Basta ang alam ko lang, the chosen one is an Aesopia. She has the ability to restore peace and order.”