*******************
***************
***********Brea
Napansin ko na may nakamasid sa akin habang naliligo ako dito sa pool! Agad akong tumingin sa may balcony sa kwarto ni Naya kung saan ito lang ang isang balcony na nakadungaw sa pool.
Pagtingin ko eksakto ding tumalikod na siya !
Matagal kaya siyang nakatayo diyan at bakit nya ako pinagmamasadan! ?
Maraming beses ko ng narinig ang pangalan ni Naya , palagi siyang sinasambit ni tito Charles sa amin ni mommy, at nakikita ko na rin ang photos niya sa Instagram. Maganda siya,mukhang maarti nga lang...
"Breakfast Time!" sigaw ni mommy habang dinadala ang mga foods kasama ang kasambahay namin at nilapag nila ito sa table
"Karen, pagkababa ni maam naya mo, sabihin mo sa kanya na dito sa may pool ang breakfast!
"Opo Maam" sagot naman ni Ate karen
Dumating namn si Tito charles ..
"Brea, umahon kana jan at kakain na tayo" sambit ni mommy sa akin..
Naupo na kaming tatlo sa table at nagsimula ng kumain at nang napansin kung may papalapit na maganda at seksing babae .. Hindi nya napansin na nakatingin ako sa kanya, ang ganda ng katawan niya , yung mata niyang kumikislap habang nakangiti kausap si mommy at yung mukha nya na parang angel.. Ito naba si Naya ? mas maganda siya in person kaysa sa mga nakikita ko sa IG ..
Iba yung naramdaman ko nung nakatingin ako sa kanya ...
Tumayo si Tito Charles at ipinakilala nya si Naya sa akin..
"Naya , meet Brea , Brea ang anak ko na kapatid mo na ngayon si Naya!"
Tumayo ako at binati ko siya... Nawindang lang akong konti sa nasabi ni Tito.. kapatid? parang sumisigaw ang puso ko na Nooooo!! ano bang nangyayari sa akin!?
"Hi nice meeting you Naya" formal na bati ko sa kanya sabay beso, biglang nagvibrate yung boung katawan ko nung malanghap
ko ang bango niya!!Umupo na kaming apat at tinuloy ang breakfast, hindi ako masyadon umiimik para akong nawindang sa kanya , di na ako makatingin kaya yumuko nalang ako naging busybusyhan kunu sa cellphone at sa pagkain kahit busog na ako, nung napansin ko na tumingin siya sa akin , tumayo ako bigla at naligo...
Naiwan silang tatlo sa table at nag uusap ... Ang ganda niya , Anghel ang mukha ng kapatid ko kuno! pero parang maarti siya... naartihan ako sa kanya...
Tumayo na si Naya at nagpaalam na ito sa parents ko at bumalik na sa loob ng bahay..
Nasa pool pa rin ako , gusto kung magbabad buong araw para matanggal lahat ng pagod ko sa 2 days na city tour namin..
Pabalik balik ako sa paglangoy nang napansin kung nakatanaw si Naya sa akin ,nakatayo sa balcony ng room niya habang umiinom ng wine!
Nakakatakot ang mga tingin niya, pero may halo itong magnet na parang hinihila ka palapit sa kanya.. Oh no! Anong meron sa babaeng ito at bakit ganito ang naramdaman ko sa kanya! Kakaiba!
Wala na siya ng napatingin ako sa balcony ! At di nagtagal umahon na ako sa pool at nagpaalam sa parents ko na papasok na ako sa kwarto..
Napatingin ako sa room ni Naya, kaharap lang din kasi ng room ko bago ako pumasok sa kwarto...
Nang makapasok na ako ,dumeretso ako ng bathroom at nagshower , pinikit ko ang mga mata ko habang nasa ibaba ako ng showerhead , ramdam ko ang tubig na gumagapang sa katawan ko at pumasok bigla sa isipan ko ang mga mata ni naya kanina na nakatitig sa akin .. Anung meron sa babaeng yon , bakit apektado ako ... uu apektado ako sa mga tingin na yun ..
Humiga agad ako sa kama pagkatapos kung magblower ng buhok ang hapdi na rin ng mata ko sa antok at pagod at tuluyan na rin akong nakatulog .....
![](https://img.wattpad.com/cover/54027990-288-k235692.jpg)