Chapter 32

14.9K 306 0
                                        

****************
**********
*****

Brea

Ito lang ang paraan na alam ko para makatulog ako at hindi ko iisipin si Naya...maglalasing ako, wala na akong pakialam kung wala na akong career ,ipa sasaan paba lahat ng to kung iniwan ka namn ng taong mahal mo at siya ang dahilan kung bakit gumigising ka araw araw pero wala na siya...

tok!tok!tok!

"Bukas yan!"

Si mommy..

"Bre! hindi ko alam kung anung nangyayari sayo anak, napansin ko simula ng bumalik ka galing japan ,nagka ganyan kana, anak may nangyari ba sa japan? tell me... hindi ko kayang tingnan ka na palagi ka nalang nagkaganyan, hindi ka namn dating nagkaganito!"

Hindi ko kinibo si mommy....

"Ang manager mo hindi na alam kung anong gagawin nya sayo, palagi mo nalng siya inaaway, hindi kana sumisipot sa mga shows ninyu, nag alala na silang lahat sayo Brea!"

Tiningnan ko si mommy at umiyak ako sabay yakap sa kanya...

"Mommy im sorry."

"Anak, tell me , si Yuri bha, nung nagpunta siya dito tinaboy mo siya" sabi ni mommy habang nakayakap siya sa akin at kumalas na ako sa pagkakayakap ..

"Mom si Naya!"

"Huh? Si Naya? anong kinalaman nya dito anak?! wag mong sabihing!?"

"Yes mom, mahal ko si Naya, nagmamahalan kami pero sinira kami ng trabaho ko at kasalanan ko kung ano ang nangyayari sa amin ngayon!"

"What?!" sobrang gulat ni mommy sa narinig nya...

"Mom im sorry!" at humahagulgol ako sa iyak

"Pero Brea kapatid mo si Naya!"

"No , hindi ko siya kapatid mommy at mahal ko siya ,mahal nya ako !"

"Shhh tahan na Brea tahan na , wag ka umiyak !"

At yinakap ako ni mommy nag mahigpit , si mommy lang ang masasandalan ko ngayon ,siya lang ang lubos na nakakaintindi sa akin at wala ng iba...

Pinatulog ako ni mommy sa room ko at nang nakatulog na ako, lumabas na rin siya ...

--------------

Maaga akong nagising kinabukasan .. Bumaba ako at dumeretso sa dining at kumain ng breakfast.. Wala ang parents ko , si ate karen lang ang natira at ang mayordoma namin...

Pagkatapos kung kumain ... Bumalik na ako ng kwarto ko ...

Naalala ko na namn si Naya ang mga araw na masaya kami, umiiyak na naman ako .. Hanggang kailan ako palaging ganito , hanggang kailan ako maghihirap ng ganito, ang sakit sakit na talaga.. Hindi ko na to kaya .....

----------

tok!tok!tok!

"Brea ? Brea?!"

tok! tok! tok!

"Brea?! Brea?!"

Hindi ko na kayang buksan ang pinto , nahihilo ako , wala na akong makita .... At nawalan na ako ng malay......

"My Stepsister" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon