***************
**********
*****
Naya
Nakita ko si Brea na naliligo sa pool , kailangan ko na siyang makausap, hindi na ako mapakali, alam ko nasaktan ko siya .. Mali ito ,ayukong nasasaktan siya, ramdam ko nasasaktan siya..
Agad akong bumaba at dumeretso sa pool ...Umahon siya sa pagkakalangoy ng napansin nyang may bumaba sa tubig ... Tiningnan nya ako ,nginitian ko siya ....
"Dinalhan kita ng wine" sabay tingin ko sa table
"Thanks"
Lumangoy na siya ulit at sinundan ko siya..Nang umahon siya ,paglingon nya halos magdikit na ang mukha namin , gusto ko siyang halikan , gusto ko siyang yakapin pero hindi ko nagawa , kinulong ko siya sa mga bisig ko , hindi ko alam kung bakit kinulong ko siya sa mga bisig ko habang nakasandal siya sa semento, mga titig nya , hindi ko to naramdaman nuon sa mga babae ne isa, pero si Brea siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito.
"Pagsasabihan mo na namn ba ako, anung pinagkalat ni nadine sayo"
Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya...ramdam ko na ang tibok ng puso nya ..
"Naya, please !"
"Look, Im sorry!" at kinuha ko na ang mga bisig ko at sumandal na rin katabi niya
"Nililigawan ka ba ni Nadine? " nagulat ako sa tanong niya ...
"What? No! "
"Iniiwasan mo ba ako ?" tanong ko kay Brea habang tumingin siya sa akin , nagkatitigan kaming dalawa ,nanghihina na ako gusto ko ng halikan ang mga mapupula nyang labi
"Uu" tipid nyang sagot sa akin
"Bakit?"
"Dahil nahiya ako sayo ,sa sarili ko, tama ka ,nawalan ako ng respeto kay mommy, pero bumabawi na ako ngayun sa kanya ..Thank you"
Nginitian ko lang siya .... iba na talaga nramdamdam ko kay Brea , i nu shes special to me na...
"Mag ingat ka kay Nadine!" bigla nyang sambit sa akin
"Nagseselos ka ba sa akin?" pabiro kung sagot sa kanya
"Hindi siya sumeseryuso!"
Hindi ako sumagot , nakikirandam lang ako sa kanya ...
"Anong nangyari ng gabi na yun ?"
At sinabi niya sa akin ang lahat.. nagulat ako, hindi ko ine expect ....
"Wow, pumapatol ka sa babae?!" at bigla siyang tumawa sa tanong ko, ang ganda nya pag nakatawa siya
"Minsan ... Ikaw bha?"
At umi iling iling ako pero sa damdamin ko gusto kong sabihin sa kanya sana ikaw ang una kong babae at huli....
Ngayon okay na kami ni Brea, nagkaliwanagan na. Tumawa na siya, masaya ako , ang sarap sa pakiramdam ...
---------------
Nanunuod lang ako ng movie sa laptop ko ng magising ako..
Nang may napansin akong may parang nagtatalo sa may pool, agad ko itong tiningnan sa balcony at nakita ko si Nadine at si Brea. Agad akong bumana at pinuntahan sila..
At nadatnan ko na hinawakan ni Nadine ang buhok ni Brea at isinubsob na niya halos ito sa tubig ng pool...
"Bitawan mo siya kung ayaw mong ako ang maglunod sayo sa pool nadine!" agad nabitawan ni nadine si Brea ,at nagulat siya na andito na pala ako sa likoran nila
"Naya?!" gulat na sambit ni Nadine sa akin habang si Brea nakatingin sa akin na hindi alam kung anu ang susunod kung gagawin
"Really Nadine? Nakuha mong saktan si Brea dahil hindi mo na nakukuha ang gusto mo sa kanya?"
"Naya i can explain!" agad sambit ni Nadine sa akin
"Bakit ka namn mag eexplain ? tayo bha?!"
Nagkatinginan kaming tatlo ,gusto kung kalbuhin si Nadine sa ginawa nya kay Brea, gusto kong yakapin si Brea ..
"Okay fine .. Sige Naya kampihan mo yang step sister mo , sinisiraan lang nya ako sayo dahil nagseselos siya!"
"Nagseselos sa akin? Eh bakit fubu lang naman kayo at nasabi na yan ni Brea, at bakit ka naman niya sisiraan sa akin huh!?
"Uu nagseselos siya, Db brea nagseselos ka .. Uu naya nagseselos siya pero hindi sa iyo, nagseselos siya sa akin dahil mahal ka niya Naya, hindi ba nya nasabi sayo! Mahal ka niya!"
Nagulat ako sa sinabi ni Nadine ,hindi ko alam anu ang naramdaman ko, masaya ba akoo anu, napatingin ako kay Brea , hindi siya makatingin sa akin...
Tiningnan ko ulit si Nadine .....
"Nadine umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guards namin at kung ayaw mong mawalan ng career , umalis kana!"
Agad umalis si Nadine ....
Nakatingin ako kay Brea , tumakbo siya papasok sa loob ng bahay bago pa ako nakalapit sa kanya..
Gusto ko siyang habulin pero naninigas mga paa ko sa narinig ko.. Totoo ba yung sinabi ni Nadine? Mahal ako ni Brea!? Mahal ako ng babaeng mahal ko na din ata?? Hayst napaupo nalang ako sa bench ....
