*****************
***********
******Brea
Dumating na rin ang mga ghurls at dinala ko sila agad sa pool...
Nang papalapit na kami sa pool napansin kong may taong naliligo ,nakababad lang ito habang nakapikit ...
Umupo na kami sa table ....
"Who is she?" tanong ni Cheryl sa akin habang tinuro si Naya na nasa pool..
"Stepsister ko, dumating nung isang araw galing Canada , nagbabakasyon dito!"
"Wow! she's f*cking hot!" sambit ni Nadine habang nakatitig kay Naya na lumalangoy na ito sa pool....
Hindi nalang ako umimik. Uu tama si Nadine, ang hot niya lalo na ,naka twopiece siya ngayon, ang sexy niya .. Nawindang na naman ako sa mga oras na to. Hindi ko nalang siya tiningnan baka mapansin pa ako ng mga kasama ko..
Nang umahon na si Naya sa pool ..
"Ang ganda niya, Brea pakilala mo sa amin stepsis mo"
"Ayuko!"
"Ay ang arti sige na tawagin muna" pilit sa akin ni nicola...
At tinawag ko si Naya...
"Naya?" at lumingon siya, papalapit na siya sa amin , ang bilis ng tibok ng puso ko ,ito na naman papalapit na naman ang parang isang magnet , ang ganda niya ..Nang makalapit na siya..
"Naya, ahm mga kasamahan ko pala sa grupo " at ipinakilala ko sila isa isa .. Pagkatapos ng kanilang mga batian nagpaalam na rin si Naya at pumasok na sa loob ng bahay ...
Hinintay ko siyang lalabas sa balcony niya pero hindi siya lumabas ..
"Ang ganda ni Naya , ang sexy .. Kaka inggit " sambit ni nicola sa amin..
"Sarap niyang kagatin... Nakakagigil ang mala anghel nyang mukha " si Nadine
"Ikaw Nadine tumigil ka, ikaw talaga manyak ka!" si Nadine ay isang bisexual at may nangyari na sa amin... for fun lang at dun lang yun...
"Uu eh kung makatitig tong si Nadine kanina kay Naya ,wagas! Halos lalamunin na nga niya ng buhay sa mga titig niya !" sabay nagtawanan kami sa sinabi ni Kim..
"Gutom teh?!" asar ni Cheryl sa kanya ..
Tawanan at asaran lang ang mga kasama ko sa table , pero yung isipan ko na kay Naya .. tika nga lang, bakit ko ba siya iniisip ...
"Hoy Brea, lalim ng iniisip ah " pansin ni Nadine sa akin..
"Brea, try mo kayang dalhin yung stepsis mo mamaya!" si Nicola
"Uu nga sige na Brea " pilit ni Nadine
"Hoy Nadine, wag kag assumera hindi ka papatulan nun! pangit mo kaya !" asar ni Kim sa kanya...
At nagtawanan na naman sila...
"Sige try ko!" sabah ngiti ng tipid
------
"Karen katukin muna si Maam Naya mo , sabihin mo dinner na huh at dito sa may pool!" inayos na ni mommy ang mga pagkain sa malaking misa...
"Ghurls dito na kayo!" tawag ni mommy sa amin at tumayo na kami para lumipat sa malaking table
Di nagtagal ,dumating na rin si Naya at pinaupo pa ni mommy sa tabi ko. Wala kaming imikan at nang pinatid ako ni Nadine ..
Nilapit ko ang mukha ko sa may tenga ni Naya at binulungan ko siya , nawindang ako sa bango niya pero di ako nagpadala kahit nanghihina nag boung katawan ko..
"Gusto mong sumama sa amin? " pabulong kung sabi sa kanya ayuko kasing marining ni mommy baka mag react..
"Saan?" sagot nya sa akin habang nakayuko , parang ayaw nya akong tingnan, napapansin niya kaya na tumatayo ang balahibo ko sa bango niya at sa boses nya
"Magbar kami! ?" tipid kung sagot
"Nextime" tipid din nyang sagot
"Okay!" at ngumiti nalang ako ..
Natapos na siya agad sa kanyang kinain at tinawag niya si Ate Karen at nagpakuha ng wine. Tumayo siya ng inabot na ni Ate Karen ang wine niya , at naglakad lakad na siya sa may gilid ng pool at hindi na bumalik sa pagkaka upo, tiningnan ko lang siya , ang raming pumapasok sa isipan ko habang nakatingin ako sa likuran niya .. Ang sarap niyang yakapin ,halikan sa batok , amoyin ang leeg at kagatin ito..
"Brea, tapusin mo na ang pagkain mo" at nagising ako sa imahinasyon na yon sa boses ni mommy ...
------
Nag ayos na ako at pagkatapos bumaba na at nagpaalam na kami kay mommy...
"Wag magpapaumaga Brea!"
"Yes mom"
At lumabas na kami sa bahay, at napatingin na namn ako sa balcony ni Naya bago ako sumakay sa loob ng sasakyan ...Di ko alam kung mag eenjoy ako sa nightout namin , paano ako mag eenjoy kung ang isipan ko naman naiwan dito sa aming bahay.... Grrrrr