***************
*********
*****Naya
Riinngggg!!! Rinnggg!!!!
Agad ko itong sinagot ....
"Hello?"
"Naya, si Teta mo to!" bigla akong kinabahan sa tawag ni teta
"Yes teta ,Hi!"
"Naya , si Brea!!"
toot!toot!toot!toot!
"Hello? teta? u still there ,Hello!"
Naputol ang tawag ni Teta ,kaya tinawagan ko siya pero hindi ko makontak...
tok!tok!tok!
Binuksan ko ang pintuan ng room ko at agad pumasok si Ate, kinuha nya ang remote ng tv ko at agad itong ene on.
Hindi ako kumibo sa pinag gagawa ng ate ko...
"Kailangan mo tong makita Naya!"
"Anu ba ang nangyayari!?
At nag on na ang tv sa tfc ito...
Breaking News!
Isinugod sa hospital ang lead singer ng sikat na girl group singer ng bansa na si Brea Morales matapos mag tangkang magpakamatay! May nakitang empty bottle ng isang sleeping tablet sa tabi nito kung saan nakita siyang nakahandusay sa kwarto nya na walang malay! Sa oras na ito hindi pa nagigising ang singer! Antabayanan po ninyu ang sunod na balita tungkol sa kalagayan ng singer dito lang sa Showbiz Alert!
Napaupo at parang naninigas ang buong katawan ko sa nakita ko sa tv. Kaya pala tumawag si Teta sa akin..
Hindi to pwede kailangan kung bumalik ng pilipinas ...
"Ate , kailangan kong bumalik ng pilipinas !" sabi ko sa ate ko habang umiiyak na ako
"But why?!"
"Ate, kailangan ako ni Brea ngayon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may mangyari sa kanyang masama!"
"Wait wait naya, hindi kita maintidihan?!" takang taka si ate sa sinabi ko
"Ate ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya, ate mahal niya ako at mahal ko siya!"
"What!???"
At sinabi ko sa ate ko ang lahat ... kahit hindi pa nya lubusang maintidihan , pumayag naman siya sa gusto ko ..
"Paano ang pag aaral mo!?"
"Stop muna ako, may next sim o mag sa summer nalang ako, basta for now ate si Brea ang unahin ko!"
Wala na akong ibang inisip kundi si Brea , wala akong pakialam kung titigil muna ako sa pag aaral o magagalit si Daddy sa akin ang importante sa akin ngayon na maligtas ang mahal ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kanya na masama..
---------------
Dumeretso agad ako ng hotel kung saan naka confine si Brea! Pagadating ko dun ang raming reporters sa labas ,kaya sa likoran ako dumaan ..
Hinanap ko agad ang room nya sa hospital at nasalubong ko si Daddy!
"Naya?!" gulat na gulat si Daddy ng nakita nya ako
"Dad, mamaya na po ako mag explain gusto ko pong makita si Brea!" kahit gulat at takang taka si Daddy ,dinala nya ako sa room ni Brea
Naawa ako sa kalagayan ni Brea, ang payat na nya, halatang pinabayaan nya ang sarili niya .. Hind pa siya gumigising simula ng dinala siya dito sa hospital..
Lumabas si Daddy at naiwan nalang ako sa loob.. Hinawakan ko ang kamay niya .. Tumulo ang luha ko .. Hinalikan ko ang noo niya ..
"Babe , im here na, pls Brea wake up! pls babe wake up!" yinakap ko siya ng mahigpit at humagolgol ng iyak
"Pls gumising kana, andito na ako, hindi na kita iiwan uli basta babe gumising kana dyan, di ko mapapatawad ang sarili ko kapag di ka na gigising dyan.. " patuloy pa rin ako sa pag iyak
"Babe iloveyou somuch .. please dont leave me ,wake up!" pabulong kung sambit sa kanya "Please babe wake up!"
Binantayan ko si Brea ,hindi ako umalis sa tabi niya habang hawak hawak ko pa rin ang kamay niya .. Hanggang sa nakatulog ako ....
"Naya? Naya?!" nagising ako ,si teta pala ginising ako
"Teta!" sabay yakap at iyak "Teta im sorry!"
"Shhh naya , wag munang isipin yun ang impt magising na si Brea!"
Hindi na ako kumibo at sinabi na ni teta sa akin ang lahat .. Ang pinag usapan nila ni Brea ..
Pagkatapos umuwi muna ako ng bahay para makapagpahinga ..
---------
Nang magising ako , bumaba ako at nasalubong ko si Ate karen..
"Ate, kakain muna ako bago ako magpahatid ng hospital!"
"Uu sige Naya, tumawag pala si Teta mo nagising na si Brea!"
"Oh tlaga ate?!" ang saya ko ng malaman kung nagising na si Brea
Nagmamadali akong kumain at naligo na pagkatapos...
Bumaba na ako para magpahatid sa hospital..
"Hi!" si Margo
"Margo?!" nagulat ako ng makita ko si Margo
"Nalaman ko sa daddy mo na andito ka kaya pinuntahan na kita dito!"
"Sorry margo pero kailangan kung pumunta ng hospital!"
"Alam ko, ako na maghatid sayo!"
Hindi ako kumibo at sumakay na kami sa sasakyan...
Papunta na kami ng hospital ..
"Dont worry , hindi ako sasama sayo sa loob ng hospital , e da drop lang kita dun!"
"Margo im sorry!"
"Naya, alam ko naman eh na si Brea talaga ang mahal mo ,wag kang mag alala hindi na kita guguluhin pa o kayo ni Brea!"
Natahimik ako sa sinabi ni Margo ...
"Friends?!" at ngumiti siya sa akin at nginitian ko rin siya ...
"Friends!"
Dumating na kami sa hospital.. Niyakap ko ng mahigpit si Margo bago ako bumaba ..
"Thank you!" bulong ko sa kanya at bumaba na ako, agad namn siyang umalis
Masaya ako dahil naintindihan ni Margo ang lahat, mabait siya, kung wala lang akong ibang mahal, si Margo siguro ang mamahalin ko dahil hindi namn siya mahirap mahalin..
Papasok na ako ng hospital at hindi ko na mahintay na makausap at mayakap si Brea ...