*******************
**************
*********Naya
Na miss ko si mommy.. Bigla nalang akong nalungkot habang naglakad lakad dito sa may pool!
Ang tagal na rin na nawala siya.. Namatay siya dahil sa isang car accident..Pag naiisip ko yun ,nalulungkot ako , gusto kong sumigaw , gusto kong magbasag ng gamit, kahit ano nalang ang pumapasok sa isipan ko...
Nang may napansin akong nakamasid sa akin pero hindi nalang ako tumingin sa paligid ..
"Are you okay Naya?" si Daddy ..sa may likuran ko ..
"Yes ,Dad im okay, naisip ko lang si mommy."
Ngumiti lang si Daddy. At nag usap kami sandali sa naging buhay ko sa canada ,si Ate and ang buhay pag ibig ko..
Mag iisang taon na rin simula ng maghiwalay kami ni renan , hindi ko na siya iniisip pa ,bukod sa naka move on na ako sa kanya , may gf na siya ngayon..
At biglang lumapit si step mom sa amin. Kakadating lang niya galing lakad!
Nababaitan ako sa kanya, mga nega ang mga naiisip ko pero sa puso ko alam ko mabait siya..
"So, saan mo gusto pumunta bukas Naya?" agad tanong ni stepmom sa akin habang nakangiti siya
"Kahit saan tita kayo na po bahala basta maganda " at ngumiti ako sa kanya..
Nagpaalam na rin akong pumasok sa loob at dumeretso sa room ko at nadatnan ko si Ate karen na naglilinis ng kwarto ko..
"Ay maam , tapusin ko lang tong paglilinis dito sandali nalang!"
"Okay lang ate Karen, take your time" at umupo ako sa bed kaharap ang laptop ko ..
"Ang bait niyo po maam naya" si ate karen. Bigla niyang nasabi sa akin..
"Bakit ate , di ba mababait mga tao dito sa bahay? " at nginitian ko siya..
"Alam niyo po Maam Naya, kasing bait nyu po si maam Louisa, naawa nga ako jan sa stepmom mo eh!" at nagtaka ako sa sinabi ni Ate karen ..
"Why po?"
"Kasi yang si Brea, sobrang maldita kay Maam Louisa, sinasagot sagot niya, dinadabugan, sinisigawan pag minsan , isang araw nga nakita ko si maam louisa umiiyak!" nalungkot ako sa sinabi ni ate karen, ne minsan hindi ko naganyan si mommy ko..
"O sige tapos na ako maam naya, may kailangan pa po kayo? "
"Ahm wine nalang ate , thank you " at nginitian ko siya ..
Lumabas na si ate karen at napaisip pa rin ako sa sinabi nya tungkol kay stepmom , mabait nga talaga si tita Louisa at bakit ganyan si Brea sa kanya.. Naawa ako sa kanya kaya siguro ang sweet nya sa akin dahil kulang siya sa pansin ng anak niya.
At bumalik na si Ate Karen dala ang hiningi kong wine..
"Ito na maam naya!"
"Thank you ate , pero totoo ba talaga yung sinabi mo sa akin kanina? o nag jo joke kalang?
"Kay maam louisa po? totoo po yun kahit tanungin mo siya pero maam naya wag mong sabihin na ako nagsabi sayo ah, naawa lang ako sa kanya kasi!"
At tumayo ako at may kinuha sa bag ko ...
"Sure ate sa atin lang yun, anyways this is for you!" sabay abot ko sa kanya ang isang VS lotion ang perfume at isang box ng ferrero chocs.
"Halah maam salamat, kakahiya namn po !" ang laki ng ngiti ni ate karen
"Nah .. Kasi Ate mabait ka din sa akin katulad ni Tita "
"Thank you maam"
"No problem"
At Lumabas na si Ate karen...
Umupo ulit ako sa bed at sa di ko alam na dahilan napunta ako sa google at senearch si Brea.. Lumabas ang mga photos niya ,videos ng tour nila, binuksan ko isa isa ang videos nila at napansin kong magkadikit sila palagi ni nadine , may something nga talaga sa kanila ?..
Ang ganda ng boses ni Brea, ang smile niya ang dimples niya ... Di ko napansin nakangiti na pala ako habang pinapanuod siya sa video pero nawala ang ngiti nang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni ate karen! At Agad kung sinara ang laptop !
-----------
Nagdinner na kaming apat ... Tahimik lang .. Nakayuko lang si Brea , ang ganda niya talaga pero sa sinabi ni ate karen para akong natauhan ...
"Maaga kang gigising bukas Naya , ikaw Brea sasama ka ipapasyal namin ni mommy mo si Naya?"
"May rehearsal ako bukas ,maaga ang calltime ko !" sagot ni brea kay daddy ..
"Okay. Nextime." sagot ni Daddy sa kanya..
"Ahm Dad , Tita , since day off bukas ni Ate karen, pwede ko ba siyang isama?"
At nabigla si Ate karen sa narinig nya ..
"Maam Naya nakakahiya po , wag na po!" ngumiti lang ako sa sinabi ni ate karen
"Dad please!"
"Sure Naya, isama natin si Karen!" sagot ng stepmom ko
"Oh ate karen narining mo yun" kinindatan ko siya at ngumiti siya sa tuwa ...
Tahimik lang si Brea ... At Hindi ko na siya pinansin ..
