*******************
***************
**********Brea
Nakita kong mabait si Naya sa kasambahay namin, mabait ba talaga siya o pakitang tao lang?
Nakangiti siya kanina ...kanina ko lang nakita ang ngiti na yun , para akong nawindang na naman , ang ganda nya lalo kapag masaya siya o nakangiti at nakatawa .. lalong nagmumukha siyang angel..
Tiningnan ko ang balcony niya, nag aasume akong nakatayo siya at nakatingin sa akin pero wala siya...
Kaya pumasok nalang ako sa kwarto at nakatulog na...
---------
Wala na sila pag kagising ko kinabukasan , ang mayordoma nalang ang naiwan sa bahay.. Di na ako kumain at umalis na rin ako ...
Nakarating na ako sa location ng rehearsal namin ,andun na lahat ,ako pala ang nahuli. Hindi ko pinapansin si Nadine.
----------
Natapos na rin ang rehearsal namin , buong araw din at ito, gabi na ,nag yaya ang ghurls ng dinner at sumama na rin ako.
Nasa resto na kami ,kumakain, wala paring imikan kami ni Nadine, at napapansin na ito ng ibang kasama namin pero hindi na sila nag react !
Pagkatapos ng dinner agad akong nagpaalam sa kanila at tinungo ko na ang sasakyan ko..
"Wait , Brea wait!" agad akong hinawakan ni Nadine sa braso at bumalik sa isipan ko ang hawak sa akin ni naya ...
"Brea?!" nagising ako sa imahinasyon ko ng nagsalita si Nadine
"What?! bitawan mo ako!"
"Okay look im sorry, please , Brea hindi ko kaya kung ganito tayo, anu bha?" at yayakapin sana niya ako nang agad ko siyang natulak..
"Nadine listen to me carefully, kung anu man ang mga ginagawa natin before , for fun lang yun at alam mo yun, wala tayong relasyon! Kung gusto mong maging okay tayo please itigil na natin kung anung meron tayo, ayuko na.. Kung meron man tayong ugnayan sa ngayon? itong trabaho nalang natin ! Aalis na ako!" at sumakay agad ako sa sasakyan at iniwan si nadine ..wala na siyang magawa pa kundi ang tingnan ang sasakyan kung papalayo sa kanya..
Nakarating na ako ng bahay at nadatnan ko sina mommy at tito na nasa sala at nakita ko ring maraming nakalatag na shopping bags ..
Tinawag ako ni mommy pero hindi ko siya pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ko ..
----------
Maaga akong gumising ,nakita ko si Naya na nakaupo sa table kasama si mommy , nagtatawanan sila at nagkekwentuhan.. Hindi ko sila pinansin at dumeretso na ako bumaba... At nagpunta sa pool..
"Brea, mag breakfast ka muna!"
Hindi ko pinansin ang tawag ni mommy nagpatuloy ako sa paglangoy at napansin kong wala na sa table si Naya , pumasok na ito sa loob ng bahay..
Umahon ako at lumapit kay mommy...
"Napansin kung close na kayo ng stepdaughter mo ah!"
"Brea, mabait si Naya, sa katunayan pinagshopping nya ako kahapon, masaya lang siya na inaalagaan ko ang daddy niya!"
"Whatever mommy, eh di siya na ang mabait!" at tumalikod ako kay mommy at bumalik sa pool...
Nakatingin lang si mommy sa akin habang nasa pool ako ..
At tinawag siya ni ate karen dahil may phonecall siya.. Pumasok na si mommy sa loob...
Umahon na ako at kinuha ang towel, para makapag breakfast ,paglingon ko ang mukha ni Naya ang sumalubong sa akin, ang lapit ng mukha niya , na amoy ko na ang mabango niyang hininga ..
"Ne minsan hindi ko sinigawan ang mommy ko nung nabubuhay pa siya, ne minsan hindi ako sumagot sa kanya, ne minsan hindi ko siya pinagdabugan ! Ang swerte mo Brea may ina kapang nag aalaga sayo, hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng ina!"
Para akong istatuwang nakatayo sa harapan ni Naya, dinurog ang puso ko sa narinig ko sa kanya at feeling hihimatayin na ako sa titig nya , ang lips nya ,ang boses nya , ang ganda nya ..
"Kung ayaw mong makitang may ibang taong nakakapagpasaya sa mommy mo , magpaka anak ka sa !!! Respect your mother!! "
Tumalikod si Naya pabalik sa loob ng bahay, at naiwan akong nakatayo na parang poste sa tigas.
Napa upo ako sa bench .. Habang tumulo ang mga luha ko....
