******************
************
******
Brea
Si mommy agad ang nakita ko ng magising ako ... Akala ko andito si Naya, panaginip lang pala na kinakausap niya ako .. Bigla akong nalungkot ..
"Brea, anak?!" yinakap agad ako ni mommy
"Mommy, im sorry!" at umiyak ako
"Shh wag kana umiyak! Wag muna yung uulitin huh Brea ,nag alala ako, hindi ko alam anu ang gagawin ko!"
"Sorry mommy!"
Yinakap ko ng mahigpit si Mommy ...
"Nak, may mga flowers pala oh tsaka mga stuff toys galing sa mga fans mo at tsaka sa ka grupo mo , dumito sila kagabi! Brea , marami ang nagmamahal sayu anak, kaya wag muna ulitin yun!"
Nginitian ko lang si Mommy ...
"Nagugutom ka ba?!"
"Gusto ko pong matulog mom, mamaya nalng po pag gising ko ulit!"
Tumango si mommy ... at natulog ako ulit...
------------
Ginising ako ni mommy dahil kailangan ko ng kumain para makainom na ako ng gamot ...
Lumabas si mommy para kunin ang pgkain ko... Naiisip ko si Naya, hindi naba niya ako mahal , wala man lang siyang tawag o pangungumusta man lang kung buhay pa ako o patay na ...
Bumukas ang pinto, hindi ako lumingon, tumulo ang luha ko ayaw kung makita ni mommy na umiiyak na naman ako.. Sana natuluyan nalang ako kung ganito lng naman pala ,nasasaktan pa rin ako ....
"Mom wala akong ganang kumain , mamaya nalang !" hindi ko tiningnan si mommy
"Kung ako ba ang magpapakain sayo, kakain ka na?" bigla akong napalingon sa familiar na boses na nagsasalita sa likoran ko
Si Naya....
Bumuhos ang luha ko ...
"Ssshhhh babe, stop crying na, im here na hindi na kita iiwan !" yinakap nya ko ng mahigpit
"I hate you, akala ko nakalimutan muna ako, binalewala muna ako ,iiwan muna ako.."
"Sssshhhh babe , im sorry okay im sorry .. pls stop crying na , iloveyou! hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag mawala ka
Tinitigan ko lang si Naya habang sunod sunod ang luha ko ..
"Babe, nanaginip ba ako...!?"
"No of course not! im here babe!" sabay kinuha niya ang kamay ko at nilagay nya sa mukha niya,hinalikan nya ito. Yinakap ko siya ng mahigpit ..
"Babe , im sorry , iloveyou somuch pls wag muna ako iiwan ,hindi ko kaya!"
Yinakap ako ni Naya ng mahigpit ...
"Yes babe, aalagaan kita ,kaya magpagaling kana,dahil sobrang miss kita ,marami tayong gagawin!" at hinalikan nya ako sa labi
Ngumiti ako at tumango sa kanya ... Pinakain na nya ako ,ang rami ng nakain ko, nagutum ako bigla ... Pagkatapos pinainum na ako ng gamot....
Hindi umalis si Naya sa tabi ko .. Hanggang sa nakalabas na ako ng hospital ....
Nagdaan ang mga araw ,bumalik na ang lakas ko at nag decide na magpapahinga muna ako sa showbiz pansamantala ,gusto ko munang bigyan ng time ang family ko, si Naya at ang sarili ko ..
Bumalik si Nadine sa grupo , siya muna ang pumalit sa akin at nagkapatawaran na kami ..
Alam na rin ni tito charles ang lahat at natanggap namn niya kami ni Naya ...
---------------
Nagising ako isang araw gabi na pala at wala sa tabi ko si Naya ...
Bumaba ako at nakita ko si Ate Karen ...
"Ate si Naya?!"
Hindi kumibo si Ate Karen, hinila nya ako palabas papuntang pool ...
"Surprise!" nagulat ako ,nakita ko ang mga ka grupo ko manager ko at sina mommy pero wala si Naya ...
"Omg! anung meron?!" bigla kong tanong sa kanila
"Wala lang Brea ,gusto ka lang namin e surprise ,miss ka na namin!" sambit ng manager ko
Isa isa ko silang niyakap .. Ang raming foods at may mga bisita pang dumating .. Ramdam ko na mahal na mahal nila ako ..
"Mom si Naya ?!"
Ngumiti lang si Mommy ...
"Babe" agad akong lumingon sa likuran , napaluha ako sa nakita ko, may hawak siyang boquet of red roses at isang dog na chihuahua na dala naman ni Ate karen ..
"Omg babe!?" agad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit
"This is for you!" sabay abot sa akin ng flowers at ang dog na hawak ni Ate karen
"Thank you babe "
"Db gusto mo ng dog kaya ayan may baby na tayo"
Ang laki ng ngiti ko sa sinabi ni Naya sa akin..
"Thank you babe , sa lahat.. iloveyou somuch "
"Yes babe , iloveyou so much forever " sabay halik nya sa labi ko at yakap ng mahigpit
Nang biglang sumabat si Cheryl ...
"Walang forever!" napalingon ang lahat sa kanya at nagtawanan..
"Bitter ka teh!" sagot naman ni Ate Karen..
At nagtawanan ang lahat ......
Yinakap ko ulit si Naya ... at lumapit si Mommy sa amin ..
"Sana tuloy tuloy na yan mga anak, masaya ako sa nakikita ko,magmahalan lang kayo, andito lang ako para sa inyo!"
"Thanks mommy!" yinakap ko ng mahigpit sa mommy
"Thanks Tita !" yinakap din siya ni Naya
Bigla kaming napalingon kay Ate karen... Umiiyak ito..
"Ate karen?!"
"Sana may forever din ako!" at nagtawanan kami sabay yakap namin ni Naya kay Ate karen..
Nagkasiyahan ang lahat sa pool..
Nakaupo lang kami ni Naya sa table at nanunuod sa kanila ..
Yinakap ako ni Naya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi ko..
"I love you babe!" bulong nya sa akin at nilingon ko siya
"Mahal na mahal din kita babe!" dinampian ko siya ng halik sa labi at yinakap ng mahigpit....
The End......
-----------------------------------------------------
Thank you so much guys ... Sana nagustuhan nyo...
Mahal ko kayo readers 😘❤️ ....
Thank you 😘
love,
Author 😉
