*******************
**************
**********Naya
Ang saya ng pamamsyal namin, nilibot nila ako sa city, rami ng pagbabago..
Pagkatapos naming mamasyal, dumaan kami ng mall at pinagshopping ko si teta louisa at si Ate Karen .. Si Dad naman ayaw niya kaya siya nlang body guard namin..
Nag dinner na kami after naming namili, tuwang tuwa si stepmom ko kasi ngayon lang daw siya nakapagshopping ulit sa mall ,wala daw siyang kasama kasi busy si brea palagi. Si ate karen namin nahihiya pang pumili pero nung may nakita na siyang maganda pili duoo pili dito na siya!
At umuwi na kami ng bahay, dumeretso na ako sa room ako inayos ang mag nabili ko...
Makalipas ang ilang oras , natulog na rin ako.. napagod ako sa ginagawa namin ngayong araw...
------------
Maaga akong nagising at bumaba na pagkatapos kung magshower..
Nakita ko si teta dala dala ang mga foods at si ate karen...
"Ate , ako na.."
"Sure ka Maam naya?"
"Ate karen db sinabi ko na sayo kahapon Naya nalang!" at kinuha ko na ang dala nyang foods at dinala na ito sa pool kasunod si teta
Naupo na kaming dalawa at kumain..
"Si Daddy po?"
"Ayun maaga na namn umalis, may business meeting daw , busy na tao si daddy mo buti nlang kahapon sinamahan nya tayo, matagal na rin kaming di nakalabas at nakapamasyal kahit sa mall man lang!"
At ngumiti nalang ako...
"Thank you kahapon Naya, masaya ako!" sabay ngiti nya sa akin, ramdam ko siya, kulang siya ng pansin ng anak niya..
"Teta wala yun, while im here , palagi na tayong mamasyal!"
At nagtawanan nalang kami ....
Dumating si Brea, tinawag siya ng mommy niya pero hindi nya ito pinansin ,dumeretso siyang naligo sa pool .. Ayan na naman ang seksing katawan niya ..
Natapos na akong kumain at pumasok na sa loob , di ko kayang magtagal at makita si Brea na nasa harapan kung naka 2piece lang..
Nasa loob na ako ng bahay ng marinig kung nag uusap ang mag ina.. Hindi ko gusto ang tuno ng pananalita ni Brea sa mommy niya..
Nang pumasok na si teta sa bahay , lumabas ako ulit at nilapitan ang nakatalikod na si Brea habang kinukuha nya ang towel sa bench..
Paglingon nya , halos mahalikan na nya ako sa lapit ng mukha namin, yung kabog sa dibdib ko , para na akong aatakihin pero hindi ako nagpadaig sa naramdaman ko ...
"Ne minsan hindi ko sinigawan ang mommy ko nung nabubuhay pa siya, ne minsan hindi ako sumagot sa kanya, ne minsan hindi ko siya pinagdabugan ! Ang swerte mo Brea may ina kapang nag aalaga sayo, hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng ina!" panimula kong sambit sa kanya..
Parang naninigas si Brea sa narinig nya , ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso, ang mga titig nya na hindi kumukurap .. Hindi dapat ako magpatalo sa naramdaman ko ngayon dapat ko siyang pagsabihan na hindi tama ang trato nya sa mommy nya...
"Kung ayaw mong makitang may ibang taong nakakapagpasaya sa mommy mo , magpaka anak ka sa ina mo!!! Respect her!! "
Tumalikod agad ako at bumalik na sa loob ng bahay habang naiwan siyang nakatayo sa pool, paglingon ko nakaupo na siya sa bench at nakatulala... na parang humihikbi. Napaiyak ko si Brea ..
------------
Nagdaan ang mga araw hindi na nya ako kinibo , galit ba siya o nakokonsensya o napahiya...
Sabi ni ate karen sa akin hindi na daw nya narinig o nakita na nagmamaldita si Brea sa mommy nya .. Natauhan na nga talaga siya at sana tuloy tuloy na pero bakit hindi na nya ako kinikibo at minsan ko nalang din siyang makita sa bahay palagi siyang busy sa career na .. Hindi ko nalang din pinansin ...
Namemiss ko si Brea yung boses nya yung titig nya sa akin , kahit anung iwas ko na ayaw ko siyang isipin pero pumapasok at nakikisiksik siya sa utak ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/54027990-288-k235692.jpg)