******************
*************
*******Naya
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan ,pauwi na kami galing cemetery kasama si Tita..
Hindi rin umiimik si Tita Louisa habang nag dadrive siya .. Nagtulugtulugan nalang ako para hindi namn masyadong awkward!! Mabait pa rin si stepmom sa akin ngayon,bukas kaya ,mabait pa rin ?..
Dumating na kami ng bahay...
"Tita, Thank you " at nginitian ko siya ..
"Wala yun Naya, ano kaba, basta kung gusto mong mamasyal sabihan mo lang ako " habang hawak niya ang kamay ko at nakangiti ..
"Yes Tita" at nagpaalam na ako sa kanya, at umakyat na sa kwarto ko...
Humiga na ako sa kama at tinawagan ang ate sa skype ...
"Hey baby "
"Hi,ate " sabay ngiti sa kanya..
"How are you there? Nadalaw mo na ba si mommy?" tanong ni ate sa akin
"Kakatapos lang, kasama ang step mom natin!"
"Oh really? Why not Dad? " gulat si ate na hindi si Dad ang kasama ko sa pagdalaw sa puntod ni mommy..
"May ka meeting siya"
"Okay lang bha ang step mom natin , ano sa tingin mo?"
"Mabait siya sa akin , maasikaso but i dunnu baka sa susunod na araw magpapakita na ng tunay na kulay to"
At nagtatawanan nalang kami ni Ate. Sinabi ko rin sa kanya na nameet ko na si Brea, na parang maarti siya ..may pagkasuplada!
Pagkatapos naming mag usap ni Ate , nagpahinga na rin ako at nakatulog..
-----
Nagising ako mga around 5pm gusto kung maligo ng pool! Kaya bumangon ako at nagpalit ng pampaligo , nang naka 2piece na ako ,bumaba na at nakita ko si Tita,bumati lang ako at dumeretso na sa pool!
Ang sarap ng tubig ,parang nawawala lahat ng pagod ko sa katawan ,sarap magbabad..
Nagbabad lang ako sa pool at makalipas ang ilang sandali may mga naririnig akong boses na papalapit sa kinaroroonan ko, binuka ko aking mga mata at nakita ko si Brea at may mga kasama siya. Magaganda din sila , siguro ito na yung kasama nya sa group! Member kasi si Brea ng isang sikat na girl group singer sa pinas ..
Hinayaan ko lang sila sa may tabi ng pool, hinayaan din nila ako..
Di katagalan umahon na ako...
Kinuha ko agad ang towel at pinunasan ko na ang mukha at buhok..
"Naya!" agad akong napalingon sa tumawag sa akin .. Si Brea habang nakangiti ng kunti lang
Lumapit ako sa kanila..
"Naya ahm mga kasamahan ko pala sa grupo ko " at sabay pakilala nya sa akin isa isa ..
Pagkatapos ng batian nagpalaam na rin ako agad at bumalik na sa room ko para makapagbihis.
Si Brea ang pinaka maganda sa kanilang lima , iniiwasan ko ng tingnan siya ,nakakapanghina kasi hindi ko alam kung bakit, at yung Nadine maganda siya , kung makatitig sa akin ang lagkit .. at dumeretso na ako ng room para makapagpalit ng damit ...
Nakabihis na ako... Narinig ko ang mga tawanan nila sa may pool at hinayaan ko nalang .. Nagkulong ako sa kwarto at enopen ang laptop ko para manuod ng movie habang naghihintay ng hapunan...
-----
Tok! tok! tok!
"Maam Naya , dinner na po! " nagising ako sa kaok ni ate karen, nakatulog pala ako habang nanunuod ng movie sa lappy .
"Yes ate, lalabas na "
Inayos ko ang aking sarili ..At bumaba na ...
"Sa pool po ang dinner maam"
Sa pool na naman ang dinner dahil ba andito ang mga kasama ni Brea? Sabagay para open air ..Dumeretso na ako sa pool at andun na rin Si Teta, wala pa si daddy..
"Goodevening Tita" bati ko agad sa stepmom ko
"Oh Naya , maupo kana sa tabi ni Brea "
At umupo ako sa tabi ni Brea... At kumain..
"Gusto mong sumama sa amin? " pabulong na sabi ni Brea sa tenga ko , para akong naging kahoy o semento ,naninigas ako sa boses nya na pumasok sa tenga ko ,ang init , tumindig balahibo ko ,
"Saan?" sagot ko sa kanya habang nakayuko
"Magbar kami! ?"
"Nextime" tipid kong sagot sa kanya
"Okay!" at ngumiti siya
Natapos na ako sa dinner ko at tinawag ko si Ate Karen..
"Ate a glass of wine please.." tumango ang kasambahay at agad akong kinunan ng wine sa bar at bumalik agad si Ate Karen dala na ang hiningi ko.
Tumayo ako at kinuha ang wine , Hindi na ako bumalik sa table . Nagpalakad lakad ako sa may pool habang umiinom ng wine at napansin kung may nakatingin sa akin .
Si Brea..
