Chapter 5

27.2K 517 6
                                    

******************
*************
********

Naya

Narinig kung umandar na ang sasakyan ni Brea at umalis na ito. Gusto ko mang sumama sa kanila pero alam ko hindi ako mag eenjoy dahil baka pagdating dun si Brea lang ang babantayan ko bawat kilos niya! Ay naku bakit ba siya nalang ang iniisip ko ,para na akong tanga kakaisip sa babaeng yun! Makatulog na nga lang...

Riinngggg.... Rinnngggg....

Nagising ako sa tawag ng skype sa phone,agad ko itong tiningnan ... si Kylie ang bff ko sa canada..

"Hi hun!" ang laki ng ngiti ni Kylie sa akin

"Hi hun, how are you? i miss you" agad kong sambit sa kanya..

"Imissyou too. And i am fine.. how about you there ?"

At nagkwetuhan kami ni kylie , rami din akong nasabi sa kanya. Matagal na kwentuhan .

Nagpaalam na rin kami sa isat isa ...

"Bye hun, iloveyou"

"Bye hun, iloveyou too"

Pagkatapos ng skype namin, bumaba ako para kumuha ng tubig .. mag aalas kwatro na ng umaga at hindi pa ako dinadalaw ng antok ..

Nasalubong ko si Brea sa may hagdanan... Napansin kung namumula ang mga mata niya , parang umiiyak , hindi nya ako pinansin.. Nakayuko lang siya ..

"Brea!?" tawag ko kanya sabay hawak sa kanyang braso..

"What?!" tiningnan nya ako, umiiyak nga siya..

"A-are you okay?" utal kong tanong sa kanya..

"Yes im fine!! And please bitawan mo ako" tiningnan niya ang kamay ko nakahawak sa braso niya...

"Oh im so sorry" at tinanggal ko na ito.. Tumalikod siya at dumeretso ng pumasok sa kanyang kwarto..

Bumaba na ako ulit, bakit siya galit sa akin dahil hinabol ko siya , hinawakan ang braso? concern lang naman ako sa kanya dahil napansin kung hindi siya okay...bahala nga siya ...ang arti!

Kumuha na ako ng tubig at dinala na pabalik na sana ng room ko na may napansin akong tao sa labas ng pintuan ng bahay, akala ko guard namin pero hindi, babae ito na nakaupo ..nakatalikod ..Nilagay ko muna ang tubig sa center table..

Binuksan ko ang pinto.. si Nadine? ..Agad siyang tumayo at paglingon niya... nagulat siya na ako pala..

"Sorry , akala ko si Bre!"

"What are you doing here ? Pasok ka , ang lamig dito" sambit ko sa kanya , napansin kung umiiyak din siya at parang namumula ang pisngi niya..

"No thank you, uuwi na din ako!"

"Yes umalis ka na bago pa kita masampal ulit!!" boses ni brea na nakatayo sa likod ko , napalingon ako sa kanya , nagulat ako, nag aaway sila ? bakit kaya? ..

"Brea please im sorry!" at dahan dahan siyang lumapit kay Brea pero agad itong tumalikod at umakyat na ito ng hagdanan ..

"Nadine? ahm, i dunnu whats going on here ,siguro umuwi ka muna, pareho kayung nakainom, pahinga muna kayo at maybe balik ka mamaya kung okay kana at okay na si Brea.."

At hindi umimik si Nadine! Tumalikod nalang ito at sumakay na sa sasakyan niya at umalis...

Sinara ko ang pinto. Kinuha ko ang waterat bumalik na ako sa kwarto... Anyare? Bakit sila nag aaway , parang seryuso sila .. Nalilito ako pero kung anu man yon wala na akong pakialam.. Makatulog na nga....

-----

Nagising ako tanghali na .. Agad akong pumasok sa shower at nagshower ..

Bumaba na ako pagkatapos.. Nadatnan ko si Daddy sa baba..

"Naya"

"Hi dad"sabay beso sa daddy ko..

"How are you anak? okay ka lang ba dito ?"

"Yes Dad"

"Anak bukas gumising ka ng maaga huh ipapasyal ka namin ni Tita louisa mo , ilibot ka namin sa buong syudad o kahit saan gusto mo!"

At tumango lang ako sa sinabi ni Daddy..

"O siya kumain kana dun , handa na pagkain mo.."

Dumeretso ako sa dining ..

Umupo na ako at kumain na .. Dumating si Brea, umupo siya sa harapan ko at wala siyang imik! Di ko nalang din siya pinapansin...

Ang ganda pa rin niya kahit wala siyang ayos, halatang naghimlamos lang .

Natapos na rin ako at tumayo na ....

"Naya, kanina, im sorry nga pala.. nakainum lang and Si Nadine wag mo yun pansinin ..wala yun!" bigla nyang tugon sa akin at napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kami, nanghihina na naman ang tuhod ko ..

"Wa-Wala yun , wala kang dapat ipag sorry" may nasagot pa talaga ako sa kanya kahit naghihina na ang katawan ko sa titig nya .. At agad akong lumbas ng dining area ... baka himatayin na ako pag nagtagal pa ako sa harapan niya ..

At lumabas ako sa may pool , gusto kung magpahangin at para mahimasmasan ako...Ano ba ang nangyari sa akin, nalilito na ako... Di ko gusto ang naramdaman ko pag kaharap o makita si Brea ,nawawala ako sa sarili... Hayssss...

"My Stepsister" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon