Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nagpupuyos pa rin ang kalooban ko sa pag labas ni Raven almost 2 weeks ago. Yes, 2 effing weeks ago! Asar pa rin ako sa hindi ko mawaring dahilan. Halos hindi ako makatulog ng gabing yun sa kakaisip kung ani ng ginagawa nila ni Chad. Lalo na nung maga alas dos na sya nakauwi. And speaking of him, kahit minsan hindi man lang sya sumagi sa isip ko na hanapin sya para makausap.
Halos wala nga akong ginagawang way para makipagbalikan sa kanya na labis na pinagtataka ni Macy. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Sinabi ko na lang na humahanap pa ako ng magandang timing. Sa loob ng dalawang linggo ko dito, pagmumukmok lang ang inatupag ko. Hindi rin ako naglilinis kasi wala naman talaga akong lilinisin. At kung meron man, lingid sa kaalaman ni Raven, pinapapunta ko yung dalawang maid namin sa mansion para sila yung paglinisin ko. O diba ang talino ko?
Hindi rin ako nagluluto. Pagnagutom ako, nagpapa deliver na lang ako. Sa umaga naman nagluluto na ng breakfast si Raven, tulad ngayon. Abalang abala sya sa pagluluto habang ako naman ay prenteng nakaupo at nanunuod lang ng news. Pinagtataka ko din yung wala man lang syang sinasabi, ni hindi nya ako pinupuna tulad nung dati. Kaya siguro mas lalong nagsusumiklab ang inis ko..
"Shannon 'lika na. Sabay na tayong mag breakfast", rinig kong tawag nya mula sa kusina..
Hindi ko sya pinansin, kunyare hindi wala akong naririnig. Nilakasan ko pa ng konti yung volume ng tv..I felt her foot steps coming in..
"Hindi mo ba ko naririnig? Sabi ko breakfast na",.
Tumingin ako sa kanya na parang bored, "hindi pa po ako nagugutom kamahalan, mauna na kayo kumain."
She let out an exasperated sigh, she even run her fingers through her hair and annoyingly bit her lip, which I found really arousing? Holy crap....
"Ok. Fine. Suit yourself". Then she went back in the kitchen. Hindi man lang talaga ako pinilit? Tsk. Asa naman ako. Manhid ata ang babaeng yun. Hindi ba nya feel na may dinaramdam ako? Na bad trip ako? I am her so called helper, at nakikita naman nyang sitting pretty lang ako dito sa lair nya pero bakit hindi nya ko sinisita gaya nung dati?
I startled when she came out of the kitchen, bitbit na yung gamit nya. Bilis naman nya ata kumain? Ano yun di nya nginuya? Lunok na lang ng lunok, ganern? I giggled at the thought...
Nahimas ko yung ulo ko ng maramdaman kong pinektusan nya ako, "awww".
"I did that to wash off that stupid grin out of your face. Baliw ka na ba? Kanina lang nag iinarte ka tapos ngayon para kang tukong hindi makapag ingay dyan. Or baka ako gingawa mong katatawanan sa isip mo?" Anito na nakasimangot na naman. Tsk,
"Kapag ngumingiti ako ibig sabihin ikaw na agad nasa isip ko? Wow, ngayon ko lang nalaman na assuming ka pala? Haha" pang iinis ko.
"That's not what I meant! Ugh, never mind. Aalis na ko bago pa ko mairita ng tuluyang sayo. Mamaya mag uusap tayo. Namumuro ka na sakin. Malapit ka ng bumingo. Anong pag iinarte mo these past few days?"
Magsasalita na sana ako para magpaliwanag kaso pinigilan nya ko, save it for later daw. Aalis na daw sya kasi baka abutin sya ng traffic sa daan...medyo nabawasan naman yung inis na nararamdaman ko dahil sa pag uusap naming yun. Kahit bangayan lang yun, natuwa pa rin ako kahit paano kasi pansin naman pala nya yung pananahimik ko. Ang weird ko na!
Bago pa ko tuluyang maloka, tinawagan ko na lang si Macy. Kahit isa rin syang baliw mapapagkatiwalaan naman at tapat na kaibigan..she's always there for me, mapa good or bad times pa man...
She answered her phone in three rings, "hello Mace?"
"What? It better be a good one for you to disturb me this early." Medyo husky pa yung boses nya. Nagising ko nga ang bruha.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...