Shannon's POV
Pagkatapos kong makausap yung agent, may ngiti na sa labing sumakay na ako sa sasakyan ni Raven. Gaya ng bilin nya, ibayong pag iingat ang ginawang kong pagmamaneho sa pick up truck nya..
Wala pang treinta minutos ng makabalik ako ng bahay..nagpalit ulit ako ng pantulog bago nahiga..nakakapanibago. Kinapa ko yung side kung saan humihiga si Raven. Inamoy amoy ko din yung unan nya. Bakas pa yung scent nya. Yung shampoo nya na kumapit sa unan..
Hays, na mimiss ko sya. Kakaalis pa lang nya pero feeling ko isang taon na syang wala. Sa Davao lang naman yung destinasyon nya pero feeling ko ulit nasa ibang bansa sya at libo-libong milya ang layo namin.
Hindi bale, baka mamaya lang masundan ko na sya kapag may nakuha ng flight. Hihi. Wala kang kawala sakin Raven my labs. Kung nasaan ka, andun ako. :-D
Niyakap ko na lang yung unan bago parang timang na hinalik halikan. Inimagine ko na lang na sya yun.. mamaya lang sya na talaga yung niyayakap yakap ko...think possitive lang. Makakasunod din ako agad sa kanya..
Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako. Pag gising ko, parang galit ang langit sa sobrang lakas ng buhos ng ulan. May kasama pang kulog at kidlat.
"May bagyo ba?" Piping tanong ko sa sarili ko..."tokwa, wag naman uy. Sina Raven kaya nakarating na ng Davao?"...
Dali dali kong kinuha yung phone para i-check kung nagtxt man lang ba sya. Laking disappointed ko nung makitang wala man lang message galing sa kanya. Past 10 am na so malamang nasa Davao na ngayon sila. Bakit wala man lang syang txt?
Bumangon na ako para mag banyo. Naghilamos at toothbrush muna ako. Nang matapos saka ako naupo sa toilet bowl para umihi...
Hinihintay ko na lang matapos sa pagtulo ng marinig kong nari-ring yung phone ko. Mabilis pa sa alas kwatrong nakatayo agad ako. Wapakels na kung tumutulo pa yung ihi ko or what. Halos hindi ko pa naitaas ng ayos yung panty ko. Basta nagtatakbo agad ako para sagutin yung call..
Hindi naka save sa phone ko yung number. But since si Raven yung nasa isip na tumatawag, agad kong pinindot yung answer button "Hello my labs?"
"Hello maa'm Shannon? Si Amanda po ito. Yung agent nyo."...
Pfff! Nyemas. Laylay ang balikat ko sa narinig. Akala ko pa naman si Raven na. Pero nabuhayan naman agad ako ng loob ng maalalang nagpapa book nga pala ako sa kanya ng flight.
"Yes Amanda? May nakuha ka na bang flight ko ngayong araw?"
"Err- yun na nga po maa'm. Inform ko lang po kayo kaya ako napatawag. Cancel po lahat ng flights papuntang Davao dahil sa lakas ng ulan. Hindi pa naman daw po nagla land yung paparating na bagyo pero pina-cancel pa rin lahat ng flights for safety reasons. May mga pasahero na rin pong stranded ngayon sa airport"....paliwanag nya sa kabilang linya..
"Whaaat?? But I need to be there in Davao A.S.A.P! Bakit nila ika-cancel ang flight kung wala pa naman palang bagyo. Baka low pressure area lang yan kaya umuulan..hindi naman na ganun kalakas yung ulan---"napangibit ako nung hinawi ko yung kurtina para tingnan yung labas. Napaka dilim ng langit. Halos zero visible na rin sa lalaki ng patak ng ulan..sinamahan pa ng kidlat na parang humihiwa sa kalangitan.
"Tsk, hanggang kailan daw cancel?"
"Wala pang exact date maa'm pero as soon as maging clear at safe ang himpapawid pwede na daw po..mabilis ko na kayong maikukuha ng ticket"...
"Hays naman oh. Sa Davao ba malakas din ang ulan ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Right now malakas po. Isa ang Davao na kasama sa may signal number 2 na bagyo"...
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...