Raven's POV
Pinatay ko na yung makina ng kotse matapos kong maiparada ng maayos sa garage.
Bitbit ang mga pinamili ko at syempre yung "surprise" ko ay para kay Shannon, nagtungo na ako papasok ng bahay ngunit napatigil ako ng paghakbang ng marinig yung halakhakan sa loob.
May bisita ba?
Dinikit ko muna yung mukha ko sa pinto para ulinigin kung sino yun pero since hindi gawa sa plywood yung pinto ko, hindi gaya nung sa bahay nung nakausap nung author kaya wala akong marinig aside sa hagikgikan.
Naiiling na pinindot ko na lang yung password ng doorknob. Syempre hindi ko pwede i-mention dito kung ano yung password at baka looban nyo bahay ko. Sosyal ng bahay ko no? Di password. Kagagawan ng author yan. 😂
"Shannon I'm home!" Agad kong sabi pagkabungad ko.
Asan na ba yung witch na yun at hindi man lang ako salubungin. Ang bigat kaya ng dala ko.
Agad kong dinala sa kusina yung mga grocery, nilagay ko muna sa fridge yung mga kailangan ilagay para hindi masira bago nagpasyang hanapin si Shannon.
"Shannon?"....
Asan na ba yun? Kanina lang may naririnig akong nagtatawanan ah---
Lalong lumalim yung kunot sa noo ko ng marinig ko na naman yung tawanan with tili this time. Sinundan ko kung saan nanggaling at dinala ako ng paa ko sa lanai..
Kumabog ang dibdib ko pagkakita kung sino yung bisita na katawanan nya. Si Chad or rather Chandria...
"Siiiiisss!!" Patiling sigaw nya ng finally makita na nila yung presence ko.
I smiled at him--her at niyakap sya ng mahigpit. "Hey, you're back"...
"I've missed you Rav, and by the way, you never mentioned that you knew Shannon and that she's staying her with you".. wika nito matapos bumitaw sa pagkakayakap.
Magkakakilala ba sila?
"So you two have met". I cleared my throat before voicing out my question, "you knew each other?"
"Ahm yeah. Shannon and I are ex---" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang sumingit sa usapan si Shannon.
"Ahh ladies why don't we go inside and prepared some snacks? I'm sure Raven bought a lot of food since she went to the grocery right? And I'm sure again that Chandria here is starving already." She grabbed Chandria's arm. Hindi nakaligtas sa paningin ko ng pisilin nya ito. Something's fishy....
"Oh yeah, Shannon's right. I am starving. And I missed eating bananas. Fried bananas". Nagtinginan sila ni Shannon tapos sabay na tumawa. The heck, did I miss the joke behind it?
Nagpatiuna na itong pumunta sa kusina, kasunod kami ni Shannon. Naguguluhan man sa inaakto nilang dalawa tumahimik na lang muna ako. Malalaman ko din kung ano man yun.
"Shannon wait", pigil ko saglit sa kanya. "Here, this is for you". Sabay abot ko nung sampaguita.
"What?"...
"Well aren't you gonna take it? Nangangawit na ko ha." Nakatanga lang kasi sya dun sa inaabot ko.
"Are you serious?" Parang timang na tanong nya..
"You're really giving me this flowers?!"
"Yes I am. Ayaw mo ata. I'll take it back na lang. Porket ba sampaguita lang to aayawan mo na. FYI, never pa ko nagbigay ng flowers kahit kanino aside sa relatives ko pag all saints day na pumanaw n---"
"Sus dami sinabi, akina yan. Na shock lang ako noh. Ito na yung pinaka magandang flowers na natanggap ko buong buhay ko. Saka di mo naman sinabi na santo pala tingin mo sakin, sinasamba mo na ko. So luluhuran mo na ko mamayang gabi nyan?" Kumikislap sa kapilyahang sabi nya.
What the? I meant to pissed her off when I thought of giving her the sampaguita pero mukhang ako ata maasar.
"Pinagsasabi mo? Manahimik ka nga! Baka marinig ka ng kapatid ko, malaman pa nya matinding pagnanasa mo sakin", ganting asar ko sa kanya bago sya iniwan at tumuloy na sa kitchen..
Shannon's POV
Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa likod ni Raven. Magaling na syang mang-asar ngayon ah pero syempre di ako papatalo.
To be honest kinabahan ako nung muntik ng ma reveal ni Chandria yung nakaraan namin. Baka kasi mabuko na ako ni Raven na planado ko lahat ng pagtatagpo namin ma misinterpret pa nya. Sasabihin ko din naman sa kanya ang totoo pero this is not the right time yet..
Ininspeksyon ko yung sampaguita na binigay nya. Totoong na shock ako, hindi ko expected na maiisipan nya kong bigyan ng bulaklak kahit pa sampaguita. Kiniliti yung puso ko kahit di ko alam kung pang aasar lang ba yung intensyon nya kaya binigyan nya ako nito..
May napansin akong maliit na note sa tali kaya binasa ko muna...
Shannon,
Panganib ka ba? Palagi kasi akong kinakabahan pag andyan ka.
At si Shannon po ay naihi bago namatay....sa kilig! Hahaha. Hype ka Raven marunong ka palang pumick up line?? Tinapat ko pa sa puso ko yung sampaguita. Ikaw na talaga ang pinaka magandang bulaklak sa lahat ever!..
Yey another update. Enjoy guys 😂
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomantizmShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...