Chapter 32

5K 191 43
                                    

Shannon's POV

Past 10am na kaya panay kulo na ang sikmura ko. Kanina pa ko gising pero wala ako sa mood. Tampo pa din ako kay Raven.

"Mukha nya, hindi ko sya ipagluluto! Bahala syang kainin ng large intestine nya yung small intestine nya!" Gigil na kausap ko sa sarili ko.

Nagpagulong gulong ako sa kama..nagtutuwad na nga din pero mukhang yung mga bituka ko yung nagkakainan dahil panay pagkalam na talaga yung tyan ko..

Hindi na ko nakatiis, "ugh! Bahala na nga. Bakit kasi ngayon ka pa ayaw makisama ha?" Parang tangang kausap ko sa tyan ko na para bang sasagot ito.

Bumangon na ko at hindi na nag abalang maghilamos muna..for sure tulo laway pa yun si Raven sa mga oras na to. Baka nga nanaginip pa yun na kaulayaw ang babaitang aeta na yun eh. Hmmmp!

Nagpupuyos pa rin ang kaloobang binuksan ko na yung pinto. Nagulat pa ko kasi halos magkasabay lang kami ni Raven na palabas lang din ng kwarto.

Ngiting ngiti pa bago bumati ng, "good morning"..

Wow ah, mukhang maganda nga tulog nya. Masaya pa siguro na hindi ako katabi kagabi!

Sa naisip ay binigyan ko lang sya ng malamig na titig, yung tipong giginawin sya bago tuluyang nagtungo sa kusina...

"Good morning, good morning pa..anong good sa morning?!" Pabulong bulong na sabi ko habang naglalakad.

"Kakagising mo lang?" Tanong nya na nakasunod sakin..

Obvious ba? Eto nga may muta-muta pa ko eh.

Hindi ko sya sinagot, kumuha ako ng gatas sa ref bago sinalin sa baso saka straight na ininom..

Tumikhim sya bago nagsalita ulit, "anong brunch natin? Miss ko na yung french toast mo saka smoothie pero gusto mo ba ako naman magluto ngayon?"

"Shannon?" Tawag nya nung di pa rin ako nasagot.

"Para namang kumakausap ako nito sa hangin eh, pansinin mo naman ako oh"

Konsensya 1: Bed sheet na hapit, ano Shannon bibigay ka na ba agad? Matapos ka nyang hayaang matulog sa kabilang kwarto. At ipagpalit sa negra!

Konsensya 2: Pero kawawa naman sya. Ayan na nga nagsusumamo na,mag iinarte ka pa ba? Ikaw din baka tuluyan na talaga syang sumama dun sa negra..

Me: Ugh, shut up! Kulang pa yan. Dapat amuin pa nya ko. Hug nya ko, kiss nya ko. Pwede rin gahasain para talagang ramdam ko yung sincerity ng pag suyo nya hihi..

Nangingiti pa ko ng lihim sa mga naiisip ko ng biglang bumuntong hininga sya..

"Okay, mukhang ayaw mo pa talaga akong kausapin".

Suko agad???

Napasalin tuloy ulit ako ng gatas, akala ko pa naman aamuin pa nya ko ng bongga hmmp!

Nag umpisa na syang magluto. Tanging tunong na lamang ng kawali yung naririnig.

Maya- maya pa inilapag na nya sa harap ko yung pancakes, bacon at scrambled eggs.

"Kain na", alok nya sabay ngiti ulit. Flashing her perfectly white teeth..

Inirapan ko na lang sya, bakit kailangan may pangiti ngiti pa sya. Nang aakit lang?

Tumawa na sya this time..sabay kurot sa pisngi ko, "cute mo. Coffee?"


Ehe, enebe. Wag ka ngang ganyan.. at baka bumigay na ko...

Napaipit ako ng buhok sa tenga ko sabay sagot ng, "sure"..

Lintek, sana naman hindi ako nagmukhang ewan. Feeling ko napa bat eye pa ko bago sumagot eh. Ano ba Shannon, konting pakipot naman! Hindi yung sinabihan ka lang ng cute daig mo pa yung in heat na pusa sa bilis bumigay..


I murmured my thanks when she handed me the coffee. Kailangan kong maging firm sa desisyon kong magpakipot muna. Kaya nagpanggap akong busy na sa pagkain.

Pasulyap sulyap naman sya sakin. Tapos pag nag tatama yung paningin namin bigla syang ngingiti ng ubod ng tamis.

Hype na to, alam na alam yung kiliti ko. Pano ko ba mapapaninindigan tong pag iinarte ko kung ngiti pa lang nya parang mag oorgasm na ko?!


"Wala na pala tayong stock ng pagkain. Balak kong mag grocery, gusto mong sumama?" Aya nyang tanong..



"Inaaya mo ko mag date?" Hindi ko na napigilang bulalas.


"Grocery. Wala na tayong kakainin" pigil tawa nyang sagot.

Bwisit, sabi na nga ba at ipagkakanulo ako ng split personality kong eager sa atensyon nya eh tsk..


"Ahm,busy pala ko" bawi ko bigla. Medyo napahiya kasi bistado na nya ko sa pag iinarte ko..

"Really? Saan naman?" Bakas sa mukha nya ang pagka amuse...


"Sa ano, ahm...." Nyeta wala akong maisip na alibi. "Ah basta! Busy ako"..sabay tayo ko at dinala sa lababo yung pinagkainan ko para maikubli yung pamumula ng mukha ko..hayuf, bakit ba ko nagba-blush?

"Okay then".

Hinugasan ko na lang yung plato ko saka yung mga ginamit nya sa pagluluto..

Maya-maya pa natapos na din sya. Bago nagpaalam na aakyat na sa kwarto para magbihis. Inulit pa nya kung ayaw ko daw ba talagang sumama. I rolled my eyes for drama effect at hindi na lang sumagot.


Nang mawala sya sa paningin ko, nakahinga ako ng maluwag. Pinunasan ko yung noo ko kahit wala namang pawis.

Since wala naman talaga akong gagawin, tumambay na lang ako sa sala at nanood ng tv..

Wala pang limampung minuto ang nakakalipas pero inip na inip na ko. Panay ang lipat ko sa channel kasi wala akong magustuhang palabas.

"Baka naman mahilo yung tv sa kakalipat mo ng channel nyan".

"Ay kabayong supot!" Hindi ko namalayan yung biglang pagsulpot ni Raven kaya nagulat ako..

Tatarayan ko na sana sya nung pagharap ko pero nalunok ko ata yung dila ko ng tumambad sya sa paningin ko. Bagong ligo na sya, fresh na fresh sa suot na v-neck cotton white shirt at khaki short na above the knee.

"Hello, Earth to Shannon". Napakurap ako ng marinig yung sinabi nya.."Sabi aalis na ko. Wala ka bang ipapabili? May sariling mundo ka na naman".

Inirapan ko na naman sya. Tingin talaga nito sakin autistic eh. Kasalanan ko bang maglaway sa kagandahan nyang taglay?

"Aalis na kako ako". Ulit nya..

"Oh ano, gusto mo ng goodbye kiss?" Tanong ko..

"Kapal ha, i-lock mo yung pinto"..

"Sus, if I know.."

"Ewan ko sayo. Bye na."

"Kunyare ka pa. Alam ko namang gusto mo ng goodbye kiss"..asar ko..

"Mukha mo, alam mo mas okay pa pala yung nanahimik ka kanina eh. Ngayon nanunumbalik ka na naman sa kakapalan mo eh"..

"Huh! Talaga ba? Kaya pala di ka mapalagay na hindi kita kinakausap! Don't me. Your moan cannot lie"..

"Ugh! Shut up!"

"Huy, umuwi ka agad. Magtutuos pa tayo!" Pahabol kong sigaw bago nya tuluyang maisara yung pintuan..













It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon